CHAPTER 6

225 115 0
                                    

My stomach is churning so bad as I walked back to the gym. Sa tabi ko ay si Giada na tuloy ang pagsasalita tungkol sa nangyari. Nang dumiretso ako sa canteen pagkatapos lampasan si Cielo ay natagpuan niya agad ako. And based on the kind of stare she's been giving me, I know she had heard our conversation. Siguradong narinig niya ang lahat. That includes Cielo's reason for doing such thing.

"You caught him kissing with a guy?" Tumango ako sa tanong niya. Her lips formed a big O. Kumurap-kurap siya at ngumiwi nang siguro ay nanuot na sa utak niya ang kaalamang iyon.

"Hala?! Senior? Sino do'n?"

Diretso ang tingin ko sa daan at wala ang utak sa mga bagay na tinatanong ngayon ni Giada. My mind is still occupied with what just happened earlier. Hanggang ngayon ay parang kaharap ko pa rin siya. Ang bawat lapat ng paa ko sa daan ay magaan dahil hanggang ngayo'y naaalala ko pa rin ang malungkot niyang matang nakadapo sa akin.

If he's claiming that he acted unconscious just to know if I'm going to worry, then I can see that his plan has worked. Napaniwala niya ako roon at base sa paraan ng pag-aasikaso ko sa kaniya kanina ay bakas nga ang namumuong pag-aalala sa akin. What might he's been thinking right now? That I cared a lot to him? Or he's already concluding that there is something special on how I treat him a while ago? Kumalat ang kaba sa akin. There's no way that he'll be thinking that way.

Aligaga at natataranta ang mga kasama niya kanina at mas matindi ang naging ekspresyon nila kumpara sa akin. But...is that really it? They were told to act like that. Kaya't kung ano man ang ikinilos nila ay may halo na iyong pagpapanggap. While me was completely clueless about their plan. Kung kaya naman, kung anuman ang naging reaksiyon at pagkilos ko kanina ay natural. Oh, no way. Did I just acted so caring at Cielo moments ago? I might feed them a wrong idea! Pero may parte sa akin na iginigiit na normal lamang iyon. Ganoon ang magiging reaksiyon ng lahat kung sakali mang may bigla na lamang nahimatay o mapahamak.

Cania, your actions earlier were justifiable. It is reasonable to act like that when that kind of scenario happens. I'm sure everyone will do and act just as the same way as you did. At sigurado akong ganoon din ang gagawin ko kung sa ibang tao man nangyari 'yon.

"I don't personally know him, Giada. Pero kung makikita ko siya ay matutukoy kong siya nga 'yon dahil namukhaan ko naman," sagot ko at gusto nang hilutin ang sentido dahil parang sasabog na ang ulo sa kakaisip tungkol sa nangyari.

Tumahimik si Giada pagkatapos ng sinabi ko. Akala ko ay titigil na siya sa pang-uusisa ngunit nang humaba pa ang katahimikan ay nilingon ko siya. I caught her already staring at me.

"What?" tanong ko nang tamaan na ng kuryosidad.

"Alam mong narinig ko ang usapan ninyo, Cania." Naging seryoso siya at bago iyon sa akin. Bumagal ang paglalakad niya habang nakikipag-usap at wala sa sariling sinabayan ko iyon.

"And?" I probed even though I already have an idea where this is heading.

"He mentioned that he just did that to see how you're going to act. To see if you'll throw him a pity. If you're gonna care if you ever see him in that kind situation, Cania." Nakapako ang tingin niya sa akin. Bothered with what she's saying, I managed to give her my usual stares. Umakto akong wala lang iyon kahit ang isipan ay gasgas na sa paulit-ulit na pag-iisip sa nangyaring eksena.

"Matalino ka, Cania. I'm sure you already got the hint why he's doing that." Hindi naalis ang tingin niya sa akin, nag-aabang ng magiging reaksiyon ko ngunit ipinagdamot ko iyon. Persistent to prove her point, she continued. "What if all this time my hunch is right? Ano sakali ang gagawin mo?"

Just like usual, I opt to pretend clueless about this matter. Kahit pa ang totoo ay malinaw sa akin ang gusto niyang sabihin.

"Just shoot from the hip, Giada. Ano ba ang hinala mo?"

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now