CHAPTER 26

20 4 4
                                    

"Alam mo, Cania, hindi na kita maintindihan, e. Alam mo sumusobra ka na do'n sa tao. Ang bait-bait no'n, e!" Si Giada at nagpatuloy sa pagbubungkal ng lupa.

We are currently here on our school's backyard. Huwebes ngayon at araw ng pag-aayos ng hardin. Inayos ko ang suot na gloves at nagpatuloy sa pagtatanggal ng maliliit na damo.

"Sino bang nagsabi na maging mabait siya sa akin? I didn't ask for that in the first place." Dinungaw niya ako sa nanlalaking mga mata, animo'y hindi kayang paniwalaang nasabi ko ang bagay na iyon. I didn't want to say that, too. Ayaw ko namang isipin niyang masiyado na akong nagiging masama sa tao. Nga lang, iyon ang gusto kong palabasin. That is my goal. Para tigilan na ng lalaking iyon ang pagkakagusto sa akin. His declaration of love is indeed brave, but that doesn't mean it's true. He's just confused. That's it.

"Hala! Ang mean mo! Yes, you don't need to ask him to be kind to you because that is what he is! That is already his nature!" Itinigil niya ang pagbubungkal ng lupa para lamang sabihin sa akin iyon. She's been speaking like a teacher, desperately explaining to her student to prove a point. Hindi na naman niya kailangang gawin iyon. I get her point alright. Pero mukhang malayong mabago noon ang isip ko.

"Kaya nga, 'di ba? Wala akong kasalanan. It's his fault that he fell in love with me," diretso kong saad, huli na para mabago pa ang sinabi. With bug-eyed, she leaned forward to me and tilted her head. Now, she looks like she's already craving for information. Binalak kong bawiin ang sinabi ngunit alam kong hindi na niya tatanggapin ang ano pa mang pagtanggi ko. She heard it clearly, I can see.

Great. If only I could get the trowel from her hands and cut my tongue off, I would. Or if only I have a time machine, I won't hesitate to go back five minutes before I said that statement.

You're not being careful, Cania. You knew Giada is such a busybody!

"He what?" She freezed and stared at me with wide eyes. "He fell in love with you?" Bakas pa rin ang gulat sa mga mata niya. Tongue-tied, I continued removing the weeds around the plant as if I didn't heard any. Gusto kong kagatin ang labi ngunit pinigilan ko ang sarili. That would just strengthen Giada's speculations.

"Cat got your tongue, Cania! He fell in love? Mahal ka pala no'ng tao?!" Napatingin sa amin ang ibang kaklaseng abala naman sa ibang vegetable plot. I almost glared at Giada.

"Tone down your voice, Giada. Nasaan ba ang kausap mo? Nasa kabilang barangay?" Halos irapan ko siya.

"Sorry naman! Ikaw kase, e! Hindi agad sumasagot. Nakita na ngang nagtatanong 'yong tao." Kumamot siya sa ulo at hinarap ulit ako. Itinukod niya sa lupa pansamantala ang hawak na dulos at hinarap akong muli. "Ano? Umamin na sa'yo si Cielo?" Wala sa sarili akong tumango. "And that's why you're ignoring him?"

Hindi ako sumagot. I answered her with silence.

"OMG, Cania! Hindi kita gets! Bakit kailangan mong iwasan 'yong tao?" I flared at her once again when some of our classmates stopped working just to look at us. Malakas kasi ang boses ni Giada kaya nakuha na naman niya ang atensyon ng mga kaklase. She then smiled sheepishly at me. "Sorry ulit! Kasi naman, e! Bakit kailangan mo pa siyang iwasan. Umamin lang naman 'yong tao."

"Hayaan mo na," saad ko, gusto nang tapusin ang argumento. "Give him a little more time and he'll eventually stop pursuing me."

"Anong give him a little more time and he'll eventually stop ka diyan? E, kani-kanila lang pumunta na naman dito, ah?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam ang bagay na iyon. But it seems like she immediately noticed the confusion creeping into my face.

"Oo! Pumunta na naman siya dito kaninang recess. Kung pwede daw ba kayong mag-usap. Saka hihingin daw niya ang number mo. E, hindi naman kita magising kanina. Malay mo't bugahan mo pa ako ng apoy sa inis!"

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now