CHAPTER 32

27 4 8
                                    

"Cania! Ang sabi ng Lola mo umalis ka daw ng bahay?" Ang bungad ni Mama sa video chat. Sa background ay nakikita kong nasa kusina siya, nakaupo sa harap ng sa tingin ko ay malawak na mesa. Sa likod niya ay nakikita ko ang maayos na pagkakasalansan ng mga muwebles na halatang mamahalin. Tinignan ko kung may kasama siya sa likod ngunit mukhang wala naman.

"Opo," ang tanging naisagot ko. Ito ang unang weekend mula ng sinabi ko kay Mama na gusto kong mag-aral ng alinman sa mga martial arts na angkop sa edad ko.

But I guess I stood her up. I wasn't able to attend the first session because I need to go to Cielo's birthday. Pwede naman sigurong sa sunod na weekend na iyon simulan tutal, isang linggo na lamang naman at bakasyon na.

The Recognition Day will be on Friday. Palagi nga'y nakikita kong nagpa-practice na ang batch ni Cielo para sa Moving Up ceremony.

"But you're supposed to attend the first session of-" I cut her off before she could even finish what he's about to say. Ayaw kong malaman ng kasama kong si Cielo ang tungkol sa bagay na iyon.

Sa gilid naman ng mata ko ay kita ko ang kagustuhan ni Cielo na magtanong. Namimilog ang mata niya at ang matalim na tingin na ibinibigay ko ang siyang pumipigil lamang sa kaniya na hindi sumilip sa cellphone ko. Mama will surely see him and I don't want to be bombarded with her endless queries.

"I'll be there next weekend, Ma." I assured her because it really seems that she's been expecting me to attend the first session of the Taekwondo training. Last weekend when I tell her about that, she arranged everything for me right away. Minsan lamang ako humingi ng pabor sa kaniya kaya ngayong humingi ako ng isa, nakagugulat man ay sinamantala na.

She moved her head sideward as if probing what I'm doing and if there's someone with me. Si Cielo naman sa gilid ko ay ramdam ko na ang kagustuhang magsalita, but I already told him not to.

"Fine!" Sumandal siya sa mataas na bangkong inuupuan at hindi man kita ang kabuuan ay alam kong pinagkrus niya ang mga binti. Mayroon pa siyang tuwalyang nakapulupot sa ulo, mukhang kagagaling pa lamang sa pagliligo.

"Nasa daan ka? Pauwi na?"

"Yes, Ma. Malapit na ako sa bahay."

"Bilisan mo, Cania, at baka abutin ka ng gab-" She wasn't able to finish her statement when a hoarse voice behind called her. Moment after, I already saw a man seemingly unfamiliar to me. Ang lalaki ay nakapang-opisina pa, mukhang hindi nalalayo sa edad ni Mama. Pumunta ang lalaking iyon sa likod ni Mama matapos ilapag sa harap nito ang baso ng kape.

I pressed my lips together. Kita ko naman ang bahagyang pag-aalinlangan ni Mama lalo na't narito pa ako sa harap niya.

"Meu amor! Aqui está o seu café," matapos sabihin iyon, hinalikan ng lalaki ang leeg ni Mama. Ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.

Matagal ko nang alam ito. Dapat ay masanay na. Sa gilid ko ay nakita ko ang bahagyang pakikiusyoso ni Cielo sa hawak kong selpon. Sa maliit na galaw ay sinilip niya ang kausap ko ngunit sinigurado niyang hindi siya makikita.

Before my mother could utter a single word for me, I took on bidding my goodbye immediately.

"I'll call next time." Ang tanging nasabi ko bago agarang pinatay ang tawag. Hindi ko na nakita pa ang pag-apila ni Mama. All I wan't to do is to end the call because I can't fake my smile to her. Alam ko sa sarili ko na hindi ko nagustuhan ang nakita kahit na hindi na lingid sa kaalaman ko iyon. Hindi ko iyon matatanggap lalo na't matindi ang sakit na idinulot niyon sa akin.

But who am I to meddle? My father in the first place let that happen. My father...freed her away that easily. Without even trying to convince her to stay here with us.

He Who Never Liked A Girl Beforeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن