CHAPTER 8

201 100 0
                                    

The morning breeze soothed my face as I bravely welcomed its every soft kisses. I could feel the coldness penetrating through my skin and how it sent shivers down my spine. My long thin hair is dancing gracefully with the wind's clemency. Sinikop ko ang buhok para mapigilan iyon sa pagsabog.

Six-thirty in the morning and we're already inside the school premises. Ngayong araw na ang Christmas presentation at maya-maya lamang ay aalis na. We will be heading to Constancia in no time.

"Ang lamig!" Tasha shuddered. Ipinulupot niya ang braso sa katabing si Romnel.

"Makahawak naman! Yak!" Pagtutol naman ang natanggap niya mula kay Romnel. He rolled his eyes with his exasperated and disgusted expression. Padarag niyang inalis ang braso ng kaibigan na nakapulupot sa kaniya.

"Arte! Bakit kapag si Cania, okay lang?"

"Panget mo, eh." Romnel sneered. Ngunit napawi din ang kaniyang ngisi ng hampasin siya sa braso ni Tasha. Ang kaninang mapanuksong ngiti nito ay napalitan ng maasim na ekspresyon.

Biyernes ngayon kaya't walang ibang tao sa campus kahit pa school day. Ang mga kasali lamang sa presentation ang naritito. Hindi pa ganoon karami ang nasa loob ngayon ng gym kaya't hindi pa makaalis. Hinihintay pa ang pagdating ng ilan.

My gaze stayed on the entrance of the gym. Paminsan-minsan kong iniiwas doon pero hindi mapigilan ang pagtunghay muli. Bumabalik ulit ito kahit walang pahintulot, kahit hindi sinasadya. Sa huli ay tinanong ko ang sarili kung bakit naroon ang tingin kahit sa una pa lamang ay alam na ang sagot, ayaw lamang kumpirmahin sa sarili.

In the end, I withdrew my gaze from the entrance. I reprimand myself for being so bothered. Hindi ko na napigilan ang pag-irap sa sarili at ang palihim na pagbuntong-hininga. Idinako ko ang tingin sa bote ng tubig na nasa tabi ko, binuksan iyon at ininom.

"Nandyan na!"

My eyes automatically diverted on the entrance once again. Pigil ang hiningang tinignan ko ang papasok na tao roon. My forehead knitted when I didn't see the figure I was expecting.

"Si Risty..." Patuyang binanggit ni Giada ang mga salitang iyon sa akin. Romnel also glanced at me with the same crass expression. Risty in her usual jolly facade waved both of her hands for us. Sa likod niya ay si Jade na nakasunod sa kaniya.

"Bilis Cania, ah? May hinihintay ka?" Iniwas ko ang tingin sa nagsalitang si Giada bago bumaling ulit si gawi ni Risty. She stopped from walking then turned around, facing Jade. Hindi man naririnig ay sigurado akong may sinabi siya sa boyfriend. Jade frustratingly combed his hair through his fingers. Nagpamewang si Risty at itinuro ang kabilang dako ng gym. Hindi gumalaw sa pwesto si Jade, nanatiling pagod na tinitingnan ang girlfriend.

Padabog na ipinadyak ni Risty ang paa niya habang nakaturo pa rin sa kabilang dako ng gym. Jade then heaved a sigh and half-heartedly went to the different direction. Kinuha ni Risty ang cellphone niya, nagtipa saglit doon bago tuluyang bumaling ulit sa amin.

"Ano? LQ na naman?" Si Giada pagkatapos alisin ang mapanuyang tingin sa akin. I felt relieved now that Giada's attention is not on me anymore.

"Hindi, 'no!" The smile on Risty's face widened.

"Medyo lang." Tuluyan na siyang lumapit sa amin at inukupa ang espasyong nasa tabi ko.

"E, anong nangyari do'n?" Ininguso ni Giada ang gawi ni Jade. Bakas sa ekspresiyon niya ang kuryosidad at pagkauhaw sa impormasyon.

"Basta!" Risty then faced her cellphone again and made herself busy.

"Sus! Ganda ka 'te?" A hysterical laugh escaped from Risty. Maarte nitong hinawi ang buhok at ngumuso-nguso.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now