CHAPTER 27

16 4 1
                                    

"Akala mo kung sinong matatapang e, iisa na nga lang 'yan pinagtutulungan pa."

Napatingin sa akin iyong mga lalaking nakahawak sa braso ni Cielo. Iyong isa namang nakahawak sa kwelyo, hindi natuloy ang pag-akmang pagsuntok.

"S-si Cania..."

"Member ng Student Council, pre!"

Nanggagalaiting binalingan ng pinakamatangkad sa kanila ang tatlong kasama.

"Sinabi kong magbantay ka sa labas, 'di ba? Bakit nakisali ka na dito, bobo ka?" Gigil na sinundot ng lalaking iyon ang noo ng kasama. Halos matumba naman ang lalaki kung hindi lamang nahawakan sa braso ng mga lalaking katabi niya. Binitawan ng pinakamatangkad ang kwelyo ni Cielo at hinarap ako.

Cielo used the chance to walk towards my direction. When he neared me, he blocked my view of this men. He's acting like he's going to protect when in fact, he can no longer stand straight. Nakahawak na siya sa bandang tiyan, halatang kumikirot ang bandang iyon.

I gritted my teeth when I saw his condition. Mula sa likod niya ay nasaksihan ko ang dalas ng pag-angat ng kaniyang balikat. Naghahabol siya ng hininga na para bang mauubusan siya niyon. Sa inis ay umabante ako pauna at siya naman ang tinabunan. I put my arms across my chest as I jerked my thumb to Cielo who is now behind me.

"Matapang pala kayo e, bakit isa lang siya tapos apat kayo?" Tumingin lamang sa akin ang mga lalaki, ramdam ko ang kagustuhang umalis na sa lugar. Ang pinakamatangkad sa kanila ang kaisa-isahang nag-angat ng tingin sa akin ngunit hindi naman piniling magsalita. "Sinabi ninyong bakla ang isang 'to." Itinuro ko si Cielo. "E, bakit hindi na lang kayo maghanap ng tambay sa kanto at doon kayo makipagbasag-ulo?"

The anger boiled inside me when I got no response at all. Nakatungo na sila ngayon, malayo sa kaninang animo'y mababangis na leon. Based on their physique, I can conclude that they are graduating students. I smirked mentally when I knew I can easily win this argument.

"Are you aware of the consequences of your actions?" Nagsikuhan ang mga lalaki. I can feel the exasperation when again, I got no response from them. Eyes squinting while deeply annoyed, I continued what I am saying.

"Our school has its clear rule about bullying. Here, bullying is unacceptable and having such aggressive behavior is not tolerated." Nakita kong napalunok ang tatlo, animo'y sunud-sunuran lamang sa pinakamatangkad sa kanila. In a span of time, I looked at their ID's. Napag-alaman kong Finn ang pangalan ng pinakamatangkad na lalaking iyon.

"If the Council learned about this, you know what will happen next."

Finn scoffed. Lumunok pa muna siya bago nagtangkang magsalita.

"E, kung igaya ka namin diyan sa lalaking 'yan ngayon, ha?" Dinuro niya ang lalaking nasa likod ko. Napaubo si Cielo sa narinig.

"Cania, tara na...Hayaan na lang natin," bulong ni Cielo mula sa likod ko. Nang makita kong nag-angat ng labi ang Finn na ito ay mas lalong lumago ang iritasiyon sa akin.

"Kung pagtulungan ka na lang rin namin ngayon, ha?" Umabante siya papunta sa akin ngunit tumigil din. I smirked and gave him a mocking expression.

"Pwede." I tilted my head, still smirking. Siniko ako ni Cielo mula sa likod ko.

"Cania, ano ba? Tara na..." he murmured, but even him can't make me leave the place. Kapag hinayaan lamang ang mga ito ay pauulit-ulitin lamang ang ginawa.

Nag-angat ng tingin sa akin ang tatlong nasa likod habang ang isang malapit sa akin ay halata ang pagkalito sa sinasabi at ipinapakita kong ekspresyon. Isa-isa kong tinignan ang unipormeng suot ng mga lalaki, may nang-aasar pa ring ngiti sa labi.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now