CHAPTER 18

61 14 16
                                    

Dedicated to dhenielroseosia

Magaan ang bawat hakbang ko nang tunguhin ang daan papunta sa loob ng bahay. My eyes were fixed on Cielo's back, estimating how broad his shoulder is while following him from behind.

"Iniisip ko kung papaano ako makakapasok nang maaga bukas, Cania," bumaling siya sa akin, bahagyang ipinihit ang katawan para maharap ako. He stopped walking only to wait for me.

"Gumising ka nang maaga," ani ko, nagpatuloy sa paglalakad. He also continued walking when there's only a little distance left between us.

"Eh, paano ako makagigising maaga?"

Kumunot ang noo ko. Is he serious he's asking these questions?

"Matulog ka nang maaga," sagot ko pang muli, kahit hindi nakikitaan ng importansiya ang mga sinasabi niya. Hindi ko rin alam kung saan papunta itong usapan. But I'm not growing impatient with this conversation. I prefer this light talk than having a serious one with him. Hindi ko alam kung papaanong aakto kapag ganoon na ang sitwasiyon. Bigla akong naiilang, parang milyong-milyong tao ang nakatingin kahit pa dalawang pares lamang ng mata ang nakatutok sa akin.

"Eh, paano naman ako makakatulog nang maaga mamaya?" Dinungaw niya ako. Nakangiwi siya at nakataas ang isang kilay. I smirked inwardly.

"Eh di huwag mo akong isipin." Nagkibit-balikat ako.

"Wow! Kapal!" Mahina niyang hinampas ang braso ko habang tumatawa. While shoulder's in a shrug, I fixed my eyeglasses. Hindi naalis ang ngisi ko lalo na noong lumakas pa lalo ang halakhak niya. "The confidence, Cania!"

"Well..."

"Pero paano nga ako makagigising nang maaga bukas?"

"Pati ba naman 'yan, poproblemahin ko pa? Solohin mo na lang."

He chuckled and ran his fingers through his hair.

"Seryoso kasi, Cania..." Ngumiwi siya sa akin ngunit kahit anong gawin niyang pagtatago sa ngiti ay sumisilip pa rin ang mga iyon sa kaniyang labi.

"Seryoso? Eh, nakangisi ka." Itinuro ko ang gawi ng labi niya at inirapan ang kaharap.

"Eto, seryoso na..." Kinulbit niya ako at bumungad sa akin ang hindi na nakangiting Cielo. But I doubt he's sincere. Sa tingin ko'y pinipilit lamang niyang magmukhang seryoso dahil kumikibot-kibot ang labi niya, pinipigilan ang nagbabadyang pagtawa.

"Magtigil ka, Cielo. Hindi bagay sa'yo."

Sumabog ang tawa niya pagkatapos ng sinabi ko.

"Ikaw siguro ang bagay sa 'kin, no?" Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Asa ka."

"Aasa talaga ako!"

That startled me. Nabura ang ngisi ko at huli na para pigilan pa ang sarili na lingunin siya. I caught him smiling ear to ear. He rubbed the back of his neck and tilted his head. Ngumiti rin ang mga mata niya nang sandaling mas lumawak pa ang kaniyang ngiti. Animo'y walang pagsidlan ang saya kahit pa walang anumang nakagagalak sa huli niyang sinabi. Sa totoo lang, nakahahawa ang ngiti niya pero natagpuan ko ang sariling nangunot ang noo sa nakikita sa kaniyang ekspresiyon.

It's hard to explain what I'm feeling right now. Pero ang sulok ng ngiti niya ay tumutusok sa akin. Nasasaktan ako sa bawat pagngiti niya, nabibingi naman sa bawat paglakas ng kaniyang halaklak. Hanggang kailan ko kaya iyan makikita? Hanggang kailan kaya iyan magtatagal? Wala pa man ay naiisip ko na agad ang katapusan nito. Namin.

He Who Never Liked A Girl BeforeOnde histórias criam vida. Descubra agora