Naglakad kami habang magkahawak ang aming mga kamay papunta sa lugar kung saan ako kinantahan at isinayaw ni Ehan.

Habang kami ay naglalakad ay napaisip akong bigla. Di kaya naalala niya na ako?

Sinulyapan ko siya at nakita kong diretso lang ang kanyang tingin.

Maybe not.

Napayuko na lamang ako at itinuro ang dadaanan namin. Kaya't di ko maiwasang mangamba na baka, wala ring pupuntahan ang gabing to. Na baka,

Magiging okay kaya? Sana ay magiging maayos ang gabing to.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makarating na kami.

Sa dinadaanan namin ay may mga kandilang naka latag na tila ba ay nagsasabi ito ng direksyon.

“Hmm, interesting.” Komento pa niya.

Napayuko na lamang ako. Kahit na compliment yun, ay nakakalungkot pa rin. Dahil base sa kinikilos niya ay halatang di niya nga talaga naalala.

Kung paano niya dinecorate ang lugar noon, ganung-ganun ko rin ginawa ang ngayon pwera nalang sa kulay.

At kung papaano nagkaroon ng kandila, ay kung paano rin siya nagkaroon noon—sa tulong ng multo.

Kaso, di na exciting at nakakakilig ngayon. Purong sakit ang nararamdaman ko. Para akong umaasang magkasnow sa Pilipinas.

Nang marating na namin ang burol ay pumunta kami sa nakalatag na tela. “Have a sit.” Sabi ko pa. Pinaupo niya rin ako dati kaya di ko pwedeng laktawan ang kahit na katiting na nangyari noon.

Di man kagara ang gawa ko ngayon pero halos kopyang kopya naman.

Tumayo ako sa loob ng kandilang nakakorteng puso kung saan dapat ako nakatayo at naghihintay sa kanya.  Kaya kahit na medyo awkward dahil may pagkapalpak ay itutuloy pa rin naman.

May nakalatag na mga gumamela doon kaya dinampot ko ito. Malungkot na nginitian si Ehan na kasalukuyang pinapanood ako.

Nilapitan ko siya at binigay ang bulaklak doon. Tinanggap naman niya ito. “Tss.” Aniya. Sumimangot nalang ako.

“Wag kang maarte, ganyan ang binigay mo sa akin noon.” Saad ko at inirapan siya.

Kabado man ay nilahad ko ang aking kamay. Tinitigan niya ito na parang nagtataka. “Can I borrow you?” Tanong ko pa.

Napatingin ito sa akin kaya napalunok ako. Medyo nakakakaba pero bahala na.

Matagal niyang tinignan ang kamay ko kaya aastang ibababa ko na sana pero hinawakan niya. “Just for this night.” Aniya. Di ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan sa sagot niya.

Tumayo siya at hinayaan ang sariling magpahila sa akin. Tumungo kami sa loob ng mga kandilang nakakorteng puso.

Inilagay ko ang kanyang kamay sa aking bewang at inilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang batok.

“Ehem.” Wala akong dalang speaker or ano na may tugtog na Perfect by Ed Sheeran kung daan ito yung kinantan niya kaya napagdesisyunan kong kakantahin ko nalang.

I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet 
I never knew you were the someone waiting for me

Sinimulan ko ng kantahin. Di ganun kaganda ang boses ko kaya sana ay pagtyagaan niya na. Tutal galing naman sa puso. Napayuko ako habang kumakanta.

The song is Perfect and yet, my feelings? Sobrang sakit.

I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine.

Tahimik kaming pareho, inangat ko ang tingin ko kaya't nakatingin kaming pareho sa mga mata ng isa't isa. Gusto kong makipagtitigan sa kanya ngunit parang hinihila niya ang buong kaluluwa ko. At tila ba ay binabasag ako nito ng paunti-unti.

Oo, gusto kitang ipaglaban pero anong magagawa ko kung ikaw ang umayaw? Ilang beses kitang ilalaban hangga't kaya ko. Kung magpasampal sa isang lamay ang makapagpaalala sayo ay gagawin ko. Maalala mo lang ako.

“Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look—” Pumiyok ako at di na natapos ang kanta.

Bumitaw ako sa kanya, at napaupo. Biglang rumagasa ang mga luha ko. Walang awat, patuloy sa pagbagsak.

Ba't ba ako nasasaktan? Di dapat diba? Napakababaw lang naman siguro ng problema ko kumpara sa iba na walang tirahan ang makain diba? Pero ba't ganun? Parang pasan ko ang mundo. Ang bigat sa pakiramdam. Napakasakit.

Naalala ko ang lahat ng bagay na di niya naalala at yun ang masakit. Yung ako nalang yung nakakaalala.

“Ehan, I miss you. I really miss you. And it hurts.”

A/N: Pasensya na dito. Parang tanga lang tong ud ko. Pagtyagaan niyo nalang muna heheheheehe salamat poo sa mga sumuporta kahit laging lumilipad ang kwento.

My Guardian Ghost (Completed)Where stories live. Discover now