98.

6.3K 179 148
                                    

98. Brother 👬

"The word 'happy' would lose its meaning if it were not balanced by sadness."

×××

[Cate's POV]

"TYSON!!"

Parang nanghina ako nung marinig ko ang sigaw na yun ni Sander. Nagmadali sila ni KD na puntahan si Tyson tapos sumunod na rin yung iba. Naiwan ako dito sa table mag-isa. Hindi ko alam kung bakit labis labis nalang yung kabang nararamdaman ko ngayon. Nakatingin lang ako sakanila na ginigising si Tyson. Kahit nanginginig ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo at pumunta sakanila. Nakita ko yung mukha ni Sander na sobrang nag-aalala. Tumingin ako kay Tyson at lahat ng kabang naramdaman ko ay tila ba nawala nung makita kong unti unting bumubukas yung mga mata niya.


"Bro!"

"Okay ka lang?"

"Nahilo kaba??"

"May masakit ba sayo?"

Nilibot ni Tyson yung tingin niya sa aming nakapalibot sakanya. Parang naguguluhan siya kasi sabay sabay kaming nagtatanong. Bigla siyang napahawak sa ulo niya at agad na tumayo. Inalalayan siya nila Ryan at KD na umupo ulit sa dati niyang pwesto. Lahat kami ngayon nakatingin sakanya.




"Uy, okay ka lang tukmol?" Nakatitig ngayon sa kanya si KD. Kahit di halata eh alam kong bakas sa kilos ni KD yung pag-aalala.

"Oo naman. Tsk."

"Nahimatay ka tapos okay lang? Baliw kaba?"

"Acting lang yon."

"Wag mo nga kaming pinagloloko dito, acting mo mukha mo."

"BRO AMININ MO NA KAYA." Singit ni Sander dahilan para mapatingin kaming lahat sakanya. Anong aaminin ni Tyson?

"Ano yon?" Usisa ni Ryan.


Napatingin ulit ako kay Tyson na nakatingin lang sa malayo. Para bang may malalim na iniisip.


"Wala. Ang ibig sabihin lang ni Sander, aminin ko ng sumasali ako sa acting workshop. Practice lang yung kanina, para bang totoo?" Tumawa siya ng mahina.

"Totoo ba yun?" Tanong ko kay Sander.

"Ah. . Oo." Walang ganang sagot nito. Feeling ko nagsisinungaling sila, ang lungkot kasi ng mukha ni Sander.

"Wag mo ng uulitin yon, kinakabahan kami sa ginagawa mo eh. Pasaway ka." Suway ni Ara.

"Paturo brad pag may time ha?" Natawang sambit ni Niko. Natawa lang si Tyson.

"Sige na kumain na kayo, wag niyo ng isipin yung nangyari kanina. Wala yun." Kinuha niya yung earphones niya at isinalaksak ito sa magkabilang tenga niya.

Ano ba talagang nangyayari sayo Tyson? Haaaysss.
Nung matapos na kaming kumain ay sabay sabay ulit kaming naglakad papasok ng school. Habang naglalakad eh tumabi ako kay Tyson. Kinalabit ko siya at nilingon niya ako.

"Okay ka lang ba?" Namumutla kasi siya eh.

"Oo."

"Promise?"

"Okay nga ako, bat ba ang kulit mo? Dun kana nga kay Kayden. Tch." Binilisan niya bigla yung paglalakad niya para hindi kami magsabay. Bat' siya nagagalit? Gusto ko lang naman siguraduhin kung okay lang siya eh. :/ Pero pag siya naman nagtatanong sakin kung okay lang ako, hindi naman ako nagagalit. Oo nakukulitin rin ako pero hindi ako nagagalit.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon