Chapter 111

5K 122 58
                                    

"Gusto kita pero hindi ko ipapaalam kailanman."

[MEDIA: AMKB TRAILER. Happy 28K views on youtube!:)]

UNEDITED:

KAYDEN's POV

"Galit kaba?"

"LUL hindi ah. Nag aalala lang ako sayo kasi ano."

"Ano?" Kasi kapatid kita.

"Nevermind." Iniwas ko nalang tingin ko. Ayoko magdrama ngayon sa harapan niya, baka magmukha nanaman akong naka drugs. "Dali na ubusin mo na yan." Sambit ko. Para naman makauwi na kami agad at makapagpahinga na siya.

"Teka wag kang atat ugok! Mainit pa tong kape e."

"Ah oo nga pala. Sige lang take your time."

Halos isang oras nung maubos niya yung kape niya. Sa sobrang inip ko e ako na mismo nag blow nung kape niya para hindi na gaano mainit. After namin dun sa coffee shop namili na kami ng mga pasalubong. Salita nga ng salita tong si tukmol kasi raw ang aga naming mamili samantalang next week pa uwi namin sa Pilipinas. Eh sabi ko trip ko pake niya ba. 😂 Pera ko naman e, di nga siya nakihati tapos ganun makatanong. Lakas makagago haha!

"Ang dami naman niyan, ano ka.. si Santa Claus? HO HO." sabi sainyo e, lakas makareklamo ng tukmol na to. Kala mo naman kung may inambag sa mga binili ko.

"Ikaw wala ka bang bibilhin jan? Nag iipon ka ata ah. HIMALA." Sinigaw ko pa talaga yung word na yon para madama niya na may milagro. Haha ampota.

"Secret."

"May pasecret secret kapa jan, malalaman ko din naman."

"Malalaman daw?! HAHAHAHA!" Makatawa akala mo kampon ng demonyo. 😏 "in your dreams ugok."

"Para sakin siguro yang iniipon mo noh?"

"Kapal mo naman. Sayo agad? Hindi ba pwedeng kay Ca-- ops baka madulas ako hehe."

"Para kay Cate?" Binigyan ko siya ng death glare ko. "Sige subukan mo. Kayo? Kayooo huh?"

"Taena neto di mabiro. Joke lang naman e."

"Siguraduhin mo lang."

"E bakit ba kung para kay Cate tong pag iipon na ginagawa ko?"

"Baka tulungan kita." Biro ko. "Pero wag naman sana." Pagbawi ko.

"Dont ya worry bruh. Tsaka sino ba nagsabing nag iipon ako ha? Ikaw lang naman e. Ayaw ko lang gumastos ngayon."

"Tss. Oo na. " tinignan ko lahat ng pinamili ko. "Uhm I think okay na tong lahat." Tumingin uli ako kay Tyson na nakatingin sakin. "Let's go?"

"Uwi na tayo? Laro muna tayo arcade please." Parang bata siyang nagmakaawa sakin. Ano pa bang magagawa ko? Haaay.

"Okay tara. Pero 10 minutes lang tayo dun ha?"

"Aysh ang bilis naman. 30 minutes nalang!"

"10 minutes."

"Ugok naman e, ang KJ mo. 30 minutes na please!"

"Pota. Mapilit ka di eh noh? Fine."

"Owyesss!" Tuwang tuwa siya na parang bata. Ewan ko pero napangiti nalang ako nung makita ko siyang ganun.

And yes, andito na kami. Buti nalang may dala akong card dito na nabili ko this year nung pumunta ako dito sa Korea. Naglaro lang kaming dalawa hanggang sa nagsawa na kami. Papatayo na kami sa upuan namin nang may biglang kumapit sa kaliwang balikat ko dahilan para mapalingon ako.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ