56.

12.3K 301 89
                                    


"Sa buhay walang bagay na sigurado, dahil bawat minuto pwedeng magbago."

CATE's POV


"KD I Love You."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya at naramdaman ko na ring binawian niya ako ng yakap.


Ayoko na antaying mawala pa siya. Bakit ko pa patatagalin ang isang bagay kung alam ko sa sarili kong sigurado na ako.


"I Love You too." Bulong niya sa tenga ko. Naramdaman ko yung mainit na hangin na nagmula sa bibig niya kaya tumaas yung balahibo ko.

Ang sarap lang sa feeling yung marinig ko yun sakanya. Hindi ko ma explain pero nung sinabi niya yung tatlong salitang yon ay tuwang tuwa yung puso ko.

Kumawala ako sa yakap namin at pinagmasdan yung bigay niyang tatlong rosas. Napangiti ako habang pinagmamasdan tong bigay niya.


"CL, pero.. totoo ba talaga yung sinabi mo? Or you're just saying that kasi trip mo lang?"


Trip raw?! 😒

Napatingin naman ako sakanya na seryoso lang nakatingin sakin. "KD, seryoso ako."


Kitang kita ko kung paanong gumuhit yung mala anghel niyang ngiti sa kanyang labi. Masaya ba siya?

Hinawakan niya yung kanang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Dahil jan mas lalo akong ginanahan na ligawan ka." Sabay halik niya sa kamay ko.


Hindi ko na ma'take. Mahihimatay na yata ako. 😗

"KD, wag kang magmamahal ng iba ha?" Gusto ko akin ka lang. Ayokong mangyari yung nasa panaginip ko. Pano pag pinagkasundo nga siya sa iba? Sobrang yaman nila at kayang gawin yun ng mga magulang niya sakanya lalo na't lalake siya. Pano naman ako niyan? 😔


"Kaya ko naman magmahal ng iba eh." Ha ano raw? Bigla kong inalis yung yakap ko sakanya kasabay nun ang pagsalubong ng kilay ko. "Kaya ko namang magmahal ng iba, kung di lang kita nakilala."


Bigla akong napangiti. KD naman iih :')

"ATE WHO IS HE?"

Pareho kaming nataranta ni KD nung marinig ang boses na yon. Pagkakita ko si Sachi na naka cross arms tapos ang talim ng tingin kay KD.

Lumapit si KD kay Sachi tapos umupo para lang magkapantay sila ni Sachi. "Hi Sachi. Im Kuya Kayden." Inabot ni KD yung kamay niya kay Sachi pero walang respond ang kapatid ko.

"Hmmp." Nakatingin lang si Sachi sa kamay ni KD. Hala ayaw niyang makipag shake hands.

"Sachi," tawag ko sakanya tapos tumingin siya sakin. Nginuso ko naman yung kamay ni KD para sabihing ishake hands niya pero umiling iling lang siya na tila ba ayaw niya.


Biglang binaba ni KD yung kamay niya. "Cute mo." Sabay pisil nung pisngi ni Sachi kaso biglang umatras ang kapatid ko. Tsk tsk tsk.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon