Chapter 112

3.4K 94 38
                                    

"The most important thing is to enjoy your life - to be happy - it's all that matters"

112: COMPETITION


TYSON's POV 👨

Bukas na nga ang pinakahihintay na araw namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bukas na nga ang pinakahihintay na araw namin. Bukas na ang competition at kinakabahan na kami para sa mga tropa namin. Pero tiwala naman kami na magagawa nila ng maganda yung performance nila. Alam kong kinakabahan na sila at excited.

Ilang araw silang di bumisita samin matapos kaming nagbonding sa park. Naiintindihan naman namin yun dahil kailangan nilang magpractice.

Eto kami ngayon ni Kayden sa gym at nagpapalaki pa mas lalo ng katawan. Niyaya niya lang ako dito pero ang totoo niyan mas gusto ko pa matulog kesa mag gym.


"Ano pagod na agad?"


"Ulol, nagpapahinga lang kasi kanina pa ako nagbubuhat."

"Ah talaga ba? Haha!" yabang neto.

"Bat ka natawa ha?"


"Wala." Umiling iling siya tapos naupo sa tabi ko. "Oo nga pala, babalik na tayo ng Pinas sa susunod na araw. Nakakamiss din palang pumasok sa school at magklase."


"As if naman na nakikinig ka sa mga instructor mo. Haha!"


"Nakikinig ako nuh. Sabagay, di pa nga pala tayo nagiging magkaklase."


Di na ako nagsalita pa dahil wala na akong maisip na sasabihin. After 2 Hours tsaka lang namin naisipang umuwi. Wala yung mga babae dahil maaga silang umalis para mag shopping.

"Bro tara mag adobo tayo."

Napalingon ako kay Kayden na asa kusina. Adobo? Ngayon lang uli siya sinipag magluto ah.


"Sige hiwain mo na mga ingredients at ako na magluluto." tumayo ako at swinitch yung TV para manood.


"Siguraduhin mong masarap luto mo ha. Dapat mas masarap sakin."


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now