Chapter 7 [FHM ]

19.8K 462 10
                                    


LAGOT.


Lahat kami pare parehong nashock ng makita namin ang isa't isa. Si KD naman walang kaalam alam kasi di niya sila kilala.



"K-keyt?!" Utal at gulat na sambit ni Sunny sakin.



"And what's the meaning of thissss?!" Pati si Ara gulat na gulat.


"Who's that guy?" Tanong ni Tyson.


Tumingin ako kay KD na nakatingin sakin, mukha siyang naguguluhan sa mga oras na to. Hindi ko alam kung siya ba o ang mga kaibigan ko ang una kong kakausapin.


"Uhm,I think I should go there muna.." tinuro naman niya yung store na bilihan ng mga damit from Korea, lumapit naman siya sakin at bumulong, "Mag usap muna kayo ng mga friends mo." Sabi niya tapos binigyan niya ako ng matamis na ngiti at umalis na.



Dali dali namang lumapit ang lima kong barkada papuna sakin, yung akala mo madami akong dalang pagkain kung magsilapit sila.


"Ikaw Cate ah! Ano yun ha? Bakit mo kasama? Nag d'date ba kayo?" Sunod sunod na tanong sakin ni Ara.


"Yun ba yung bagong transferee?" Pagsisingit ni Ryan.


"Tangkad ah." -Sander


"Talo na kapogian ko ts." -Tyson



Hindi na ako makalagsalita, kada ibubuka ko na yung bibig ko para magsalita agad naman silang sasabat.



"Wuy Cate, bakit di ka magsalita?" Tanong ni Sunny. Kung alam niyo lang na kayo ang dahilan kung bakit di ako makapag explain.


"An-"


"Sabi na nga ba nag d'date kayo eh!" Sabat ni Ara. Yan na nga sinasabi ko, di nila ako pasalitahin.



"Teka lang ha, teka lang.." kumawala naman ako sakanila na nakapalibot sakin, hindi ako makahinga eh. "Ganto kasi yun.." tapos ayon sinabi ko na lahat lahat, walang labis walang kulang pati tuldok at comma sinama ko, syempre pwera lang yung mga hindi dapat ikwento.



"Ikaw na Cate! Ikaw na ang pinakaswerteng babae sa balat ng durian!" Hirit ni Ara dahilan para matawa kami ni Sunny.



"Ipakilala mo naman samin si Kayden." - Sunny



"Tsss, wag na." Pagsisingit ni Ryan.



"Kayo ha! Kanina pa kayo ganyan, insecure kayo kay Kayden noh?" Pang aasar ni Ara.



"Hala insecure? Hindi ah!" Nanginginig na sabi ni Tyson.


"Suuus! Defensive." Sabat ni Sunny.


Ilang sandali pa ay nandyan na rin si KD at papunta dito samin. Okay, it's time for him meet my friends.



"Hi!" Parehong bati nina Sunny at Ara pagkadating ni KD.



"Hello." Nakangiting bati rin ni KD sakanila. Halata namang kinilig ang dalawang lola ko.


Pinakilala ko naman na sila kay KD at si KD sakanila. Kanina ang cold cold ng awra ng tatlong kaibigan kong lalake, tapos nung nakausap nila si KD biglang naging hyper sila. Siguro nasarapan silang kausap si KD.



Sabay kaming pito na naglakad. Kaming tatlong babae naunang naglakad sa harap tapos silang apat sa likuran na nag uusap about something.


Ramdam ko namang siniko ako ni Sunny kaya napatingin ako sakanya habang naglalakad.



"Malalaglag na yata panty ko neto Cate."



Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now