Chapter 23

15.7K 373 38
                                    


.

.

.

"Pasubok ngang yumakap sa sexy." Mahinang sabi niya tapos nagtawanan lahat. "Tropang Yakap lang to ha? Walang ibig sabihin to?" Dugtong pa niya tapos bigla nalang may humatak sakanya mula sa baba kaya napa sisid siya ng wala sa oras.

Sino kaya yon?

.

.

.

Bigla namang umahon si Ryan na mukhang hirap na hirap sa paghinga.

"Langya!" Singhal niya.

Nagulat ako sa sumunod na umahon. Si KD at Tyson? T-teka, andito rin pala sa KD? Eh sino yung humatak kay Ryan?

"Lika pre, dun tayo oh." Nginuso ni KD yung slide tapos inakbayan niya rin si Ryan.

"Mag i'slide kayo?" Tanong ko.

"Hindi, maghahanap lang ng chix." Sabay kindat saakin ni KD. Chix? Maghahanap sila? Huh? Edi wow!

"K." Bigla akong tumalikod sakanila at pumunta kila Ara.

"Tignan niyo si Sander oh, nakabingwit ng isda." -Sunny

Tumingin naman kami sa direksyon ni Sander na nakabingwit nga ng isda. Wow ang ganda nung girl ah.

"Ikaw Tyson? Maghanap ka na rin kaya ng isda mo." -Ara

"Loyal to noh." Talagang nag pogi sign pa tong Tyson na to oh.

"Loyal? Eh wala ka ngang gf eh!" Natatawang sambit ni Sunny tapos natawa na rin kami ni Ara. Nakakahawa kasi tawa ni Sunny, parang kambing na kinakatay hahaha!

"Wala nga akong gf, pero may nag iisa naman sa .." bigla niyang tinuro yung kaliwang dibdib niya, "Puso ko." Dagdag niya.

"Eww! Ang korny!" Biro ko tapos kumuha siya ng tubig mula sa kamay niya sabay hagis saakin.

"Korny ka jan! Ganun talaga pag nagmamahal noh!" -Tyson

"Ano kayang pinaglalaban ng Tyson na to." -Ara

"Pinaglalaban niya yung para sa kinabukasan ng mamamayang pilipino!" Hirit ni Ara.

"Ang lalim naman ng sinabi mo!" -Ako

"Kasing lalim ng pagmamahal ko sakanya." Hirit ni Tyson.

"Pwe! Ang Korny talaga!" -Sunny

"Sweet Corn!" -Tyson

"Unicorn."-Ako

"Tara na guys, uwi na tayo. Waley joke ni Cate eh." Biro ni Tyson tapos hinampas ko siya sa balikat niya.

"Ang sama mo!" Binigyan ko siya ng pamatay na titig.

Habang busy ng nagkekwentuhan sila Sunny, Ara at Tyson ay nagpaalam muna ako sakanila na aahon muna ako. Nilalamig na kasi ako eh.

Tumingin ako sa orasan at 9 na. Dumiretso ako ng hotel para magpalit lang. Pagkalabas ko ng kwarto nabigla agad ako sa nakita ko.

Si KD, nakasandal siya sa may pader habang naka earphone at mukhang may inaantay.

Kinalabit ko naman siya , "Wuy!" tsaka napatingin siya saakin.

"Uy! Tara na." Sabi niya. Bigla namang kumunot yung noo ko.

"Saan naman?" nagtatakang tanong ko.

"Tch. Nakalimutan mo na?" Inis niyang tanong. Ano ba yon kasi? Di ko na matandaan eh.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now