102.

7.1K 160 43
                                    

102. BRUH

"The best things happen unexpectedly."



[Cate's POV]

Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko lang pala.

Masakit isipin na pagdilat ko andito pa rin kami sa ospital at nag aantay na papasukin kami ng doctor sa loob ng kwarto ni Tyson.

Nakatulog nga pala ako kanina sa balikat ni Ara kakaiyak. Ramdam kong namamaga na rin mga mata ko.

Hindi pa rin bumabalik yung tatlo. Tanging kami pa rin apat yung nandito.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Tita mula sa kwarto na kung nasaan si Tyson. Nagmadali kaming tumayo at lumapit sakanya. Kanina ibang doctor yung nag asikaso kay Tyson dahil busy kanina sila Tita sa may operating room. Pero ngayon, andito na siya na halatang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Sinabi niya saamin na kung pepwede ay huwag na huwag namin sasabihin kay Tyson na may taning na ang buhay niya, dahil pag nalaman niya ito, maaaring siya na mismo ang maagang tumapos sa buhay niya. Hindi pepwede yun, ayokong mangyari yun.

Matapos namin kausapin at damayan si Tita ay pinayagan na niya kaming makapasok sa loob ng kwarto ni Tyson. Pinauna ko muna sina Ara, Sunny at Niko dahil pakiramdam ko hindi ko pa kayang makita si Tyson. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong ipakita at ipahalata sakanya kung ano tong sakit na nararamdaman ko.

Minabuti ko munang maupo sa gilid. Lahat ng luha binuhos ko na para pagpasok ko sa loob wala na.. ubos na.


Sino nga ba si Mac Tyson Fernandez bilang isang kaibigan?


Siya lang naman yung kaibigan na sisiguraduhing lagi kang okay. Siya yung kaibigan na pag naiwan mo wallet mo o kahit dala mo man, manlilibre at manlilibre yan. Siya yung kaibigan na kahit asa may sulok lang at mag-isa, pipilitin niya pa ring ngumiti at sumama sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Siya yung kaibigan na batok muna bago sermon. Siya yung kaibigan na hinding hindi ka pababayaan. Siya yung kaibigan na pag makita ka niyang mag-isa lang, agad siyang lalapit sayo para tabihan ka. Siya yung kaibigan na pasaway. Siya yung kaibigan na ang lakas mamilosopo. Makita ka lang niyang mapikon, masaya na siya. Siya yung kaibigan na kahit may mahal ng iba yung taong gusto niya, hindi pa rin siya sumusuko. Siya yung kaibigan na kahit ilang beses ipinagtabuyan, anjan pa rin siya para mahalin ka. Anjan pa rin siya para pasayahin ka.

Iisipin ko palang na mawawala siya parang ang hirap na. Ang bigat dito sa dibdib. Ngayon pa nga lang na humihinga siya at andito pa siya sa mundong ibabaw eh hirap na hirap na kaming mga nagmamahal sakanya, pano pa kaya pag dumating na yung araw na kinatatakutan namin?

Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Halos sinukin na ako kakaiyak. Hindi ko mapigilan, dahil sa tuwing pinipigilan ko, pakiramdam ko sasabog 'tong puso ko.


Bakit siya pa?

Leche. 😢




"Cate."

Tinanggal ko agad yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko at tinignan kung sino man yung tumawag sakin.

Si Sander.

Agad akong napatayo at niyakap siya ng pagkahigpit higpit. Alam kong nagulat siya, pero sadyang nadala lang ako sa mga nangyayari. Ilang sandali pa ay naramdaman kong binawian niya rin ako ng isang napakahigpit na yakap.

Inilapit niya yung bibig niya sa may tenga ko saka nagsalita.



"Sorry." Naramdaman kong may tumulong luha sa braso ko.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Kde žijí příběhy. Začni objevovat