74.

6.7K 163 42
                                    

74.


SANDER's POV


"Sander paabot nung panungkit."

"Okay."


Agad kong kinuha yung panungkit at ibinigay yun kay kuya Reynan, kuya ni Ryan. Andito lang naman kami sa Pangasinan at nagbabakasyon. Dahil nga magpinsan yung Papa namin ni Ryan ay magkapitbahay kami dito sa probinsya. Nanunungkit nga pala kami ng mangga para kainin mamaya. Buti pa nga dito ang daming prutas, eh sa manila puro damo at mga punong hindi namumunga. Tsaka buti pa dito fresh air at tahimik.


"Anong masarap na sawsawan sa mangga?" Tanong ni Kuya Reynan.


"Ketchup." Biro ni Ryan.


"Yuck!!" Natawa nalang ako. Pwede rin namang mang tomas ah? Pero kadiri!



"Bagoong masarap!" Sabi ni Kuya Reynan.


"Alam mo naman pala tapos nagtatanong kapa." Sabat ni Ryan. Grabe talaga to sa kuya niya. Mas mabait pa nga kuya niya sakanya eh, gwapo pa haha.



"Manahimik ka jan, baka ipabalat ko sayo lahat ng masungkit ko." Yun nga lang, brutal si Kuya Reynan pag nagalit haha.


"Okay, shut up nalang me."



Nung matapos na kaming manungkit sa bakuran ng lolo namin ay nagpunta kami sa may bahay at dun binalatan yung mangga. Ako nga pala nag volunteer na magbalat dahil enjoy naman.


"Taena naman Sander! Di ka marunong magbalat!!" Biglang inagaw sakin ni Ryan yung kutsilyo at hawak kong mangga. Ano namang mali sa pagbabalat ko? Eh okay naman ah.



"Anong di marunong, sakto lang naman ah!" Depensa ko.

"Tignan mo oh, halos buto nalang ng mangga yung natira. Ang diin mong magbalat eh."


Tinignan ko ulit yung mangga at oo nga. Di na nga lang ako aangal. Habang pinapanood si Ryan na nagbabalat eh bigla nalang may humawak sa balikat ko kaya agad ko siyang nilingon. Pagkakita ko si Tita Agnes pala, yung Tita namin na taga dito at pinsan ng mga papa namin.



"Ayos tong dalawang pamangkin ko ah. Siya nga pala, may fiesta mamaya sa bayan, dapat pumunta kayo para malaman niyo kung gano kasaya ang fiesta dito." Nakangiting sabi ni Tita. Nagtinginan naman kami ni Ryan at nagkibit balikat.



"Sige po Tita. Tutal first time naming magkasama nila Ryan dito at dadalo sa fiesta ninyo."


"Okay sige game ako jan." Nakangiting sabi ni Ryan.


"Im sure nga nga mamaya yung mga dalaga pag nakita kayo." Sabay kurot ni Tita Agnes sa pisngi namin ni Ryan.


"Bat' po nga nga sila?" Kunot noong tanong ni Ryan. Sus, may gusto lang siyang marinig eh haha.


"Syempre ang gagwapo ninyo. Mukha kayong mga artista! Sana nalang ganyan rin itsura ng anak ko." Malungkot na sambit ni Tita. Ang tinutukoy na anak ni Tita ay si Victor na pinsan rin namin.



"Asan po ba si Victor?" Tanong ko.



"Ayun asa basketball court, may liga sila ngayon. Ohsya alis na ako, babalik ako dito mayang 7 PM okay?"


"Okay po Tita, Bye!"


Ayun na nga't umalis na si Tita. Medyo excited ako mamayang pumunta sa fiesta ng bayan namin. After 5 years kasi ngayon lang uli ako mag babakasyon dito tsaka andito pa si Unggoy na Ryan. Si Kuya Reynan naman natulog matapos manungkit, biglang inantok eh.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon