38.

12.5K 334 41
                                    

"SHATAP BITCH!" Matigas kong sabi tapos nakita kong napangiwi siya sa kahihiyan.

Heh, pake ko sa effort ng boyfriend mo na nilandi mo! 😡😤

Hahakbang na sana ako kaso bigla niyang hinablot yung braso ko.

"Hindi pa tayo tapos." Bulong niya tapos agad ko siyang hinarap.

"Anong hindi pa? Nakuha mo na, KAYA TAPOS NA. So shut up ka nalang." Nginitian ko siya tapos umalis na ako. Wala akong oras sa mga ganung klaseng tao.

Pagkadating ko ay umupo agad ako.

"Uy Cate bat ang tagal mo?" Tanong ni Tyson.

"Ah.. ang dami kasing nag order." Palusot ko.

"Guys gusto niyo bar tayo mamaya?" Suggest ni Ara.

"Game!" Sabay sabay nilang sabi. Lahat naman sila napatingin sakin at mukhang inaantay yung sagot ko.

"Sige." Sabi ko tapos ang saya saya na nila.

Habang nagkekwentuhan kami ay napapatingin ako kila Bambi. Ang sweet sweet nila ni Bryce. Nagsusubuan sila ng fries tapos ikikiss niya si Bambi kahit maraming nakakakita. Hayss, 😧 Ayoko ng tumingin. 😒

Kinalabit naman ako ni Tyson, "Uy okay ka lang?"

"A-ah, oo naman. B-bakit?" Utal kong tanong. Ayoko magpahalata. Bakit kaya hindi ako okay? 😞

"Nakatingin ka eh." Pagksabi niya nun ay bigla nalang akong lumungkot.

*smirk*

"Ang saya nila noh?" Nakangiti pa rin ako ng pilit habang pilit din na tinitignan sila. Ganun din sana kami ni Bryce kung hindi lang kami naghi- ay mali mali.. okay na, okay na ako. 😏

"Wag mo na ngang tignan, nakakasuka eh." Nag act na parang nasusuka si Tyson tapos natawa nalang ako. Kahit kailan talaga to hindi pumapalya na patawanin ako. 😁


"Hooy isama niyo naman kami sa usapan niyo!" Singit ni Ryan.


"Wala kaya kaming pinag uusapan." Patay malisyang sagot ni Tyson.

Habang busy na ulit sila sa pagkekwentuhan ay naisipan kong itext si Kayden para sumama samin mamaya sa bar. Pagtapos kasi namin dito deretso na kami don. Ilang minuto pa ay nagvibrate yung phone ko.

[From: KD]

Okay, see you later! 😉

Bigla naman akong napangiti dito. Buti naman at sasama siya.

After how many hours ay palabas na rin kami ng school. Dalawang sasakyan gagamitin namin, yung kay Tyson at Sander. Si Ryan at Sunny dun kay Sander, tapos kami naman ni Ara dito sa sasakyan ni Tyson. Si KD naman ay susunod na raw.

And now, on our way to **** Bar! Hehe.


Pagkarating namin ay ang daming tao, especially mga estudyante. Tulad namin ay yung iba naka uniform pa. 6pm na nga pala, matext nga si KD kung nasaan siya.


[To: KD]

Psst, where na u? Dito na us!

Message sent.✔

Binasa ko ulit yung text ko sakanya tapos narealize ko na parang may pagka jeje. Dibale, siya lang naman makakabasa eh haha!

Ilang segundo pa ay nagvibrate uli phone ko.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now