Chapter 113

4.8K 105 130
                                    

This chapter is dedicated to you Miss andi_gaildiez23

"Life would be tragic if it weren't funny."


RYAN's POV

SELFIE MUNA MGA CHAMPION BAGO UMUWI NG PINAS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SELFIE MUNA MGA CHAMPION BAGO UMUWI NG PINAS..
Ang pogi talaga nung nakapink. Hart hart ❤


Lumipas ang dalawang araw at nakauwi na kami ngayon sa Pilipinas. Hawak hawak ko yung huling litrato naming tatlo nina Skyler at Sander na kuha ni Tyson bago kami umuwi ng Pinas. Hindi ko maipaliwanag kung gano ako kasaya nung sinabing kami yung nanalo. Para bang naawardan ako bilang 'Pinakagwapong nilalang na nabubuhay sa earth'. Nung una nawalan na talaga ako ng pag-asa kasi lahat talaga ng kalaban namin sa iba't ibang bansa eh magagaling. Sabi ko na nga sa isip ko nun habang nakahilera kaming mga competitors at inaabangan yung result, kahit mag 3rd place nalang kami masaya na ako basta may maiuwi kami at maging proud yung school namin. Pero eto na nga't napakabait ni God kasi sobra sobra pa yung ibinigay niya. Imagine? Nag Champion kami! 🎏

"Ryan, di ka ba papasok? Sasabay ka ba sakin? Ano plano mo sa buhay? Di porket nagchampion kayo papalate kana niyan."

Kontrabida talaga tong magaling kong Kuya. Ang dami daming sinasabi, palibhasa mas gwapo ako sakanya.

"Eto na nagsasapatos na, wait lang."

"Dali."


Pagkatapos kong magsapatos ay kinuha ko yung bag ko at isinabit sa balikat ko. Lumabas ako tsaka sumakay na sa sasakyan at agad na pinaandar ni Kuya. Atat lang?

Pagdating namin ng school naghiwalay na kami nang walang imikan. Naglakad na ako hanggang sa makarating sa hallway.

"Hi Ryan!" bati nung babaeng nasa gilid ko. Tinanguhan ko lang siya at nginitian. Tignan mo nga naman 'tong makamandag kong kagwapuhan. 😅

"Congrats Ryan! Ang galing niyo!" napatigil ako sa paglalakad at napakamot sa ulo ko. Oo nga pala, napanood nila yung sayaw sa TV.


"Thanks." naglakad na uli ako hanggang sa makarating ako ng room ko. Naupo agad ako sa may likuran dahil dito ang favorite place ko. Akala ko late na ako, mas late pa pala yung instructor.

"OKAY CLASS, ALAM NIYO NAMAN YUNG NANGYARING COMPETITION NOONG NAKARAANG ARAW." Bungad ni Sir. "SO WE ALL KNOW THAT MR. RYAN KYLE MENDEZ IS ONE OF THE MEMBER OF THE GROUP." lahat sila napatingin sakin. Ano guys, gwapo ba? Lol. "LET'S GIVE HIM A WARM OF APPLAUSE AND CONGRATULATE HIM KASI THEY GIVE THEIR BEST PARA LANG MAIUWI ANG CHAMPIONSHIP BITBIT ANG KARANGALAN NG ATING PAARALAN."

Lahat sila nag palakpakan tapos kinongratulate nila ako. Di ko mapigilang mapangiti, ang sarap pala sa feeling ng ganto.. Yung pinapalakpakan ka dahil may maganda kang nagawa. Ang sarap sa feeling na isa akong may malaking naiambag sa school namin.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now