77.

7.2K 181 85
                                    


"Life is too ironic to fully understand. It takes sadness to know what happiness is. Noise to appreciate silence & absence to value presence."

RYAN's POV

"Huy Ryan gising na! Late na tayo!"

"5 minutes pa Sander, please."

"Sige iwan na kita, bahala ka."

Agad akong bumangon at kinuha yung bag ko. Kainis naman kasi eh, bat ngayon pa ako inantok. Sarap pala talagang matulog sa library, tahimik. Pansin kong wala na rin sila Cate sa tabi ko, siguro pumasok na rin yung mga yun.

Pagdating namin ni Sander ng room ay pinagtitinginan kami nung mga kaklase namin. Napahawak ako sa mukha ko kasi baka may dumi pero wala naman. Nung makaupo na kami ay tinitignan pa rin kami. Kinalabit ko nga si Sander.


"Bat' ganyan sila makatingin?" tanong ko. Alam niyo yung para kaming kriminal.. mga gwapong kriminal.

Napasapo naman si Sander sa noo. "Ay bobo! Ibang room pala tong napasukan natin."

"Ha?!"

Agad siyang tumakbo palabas. Bwisit talaga yun, iniwan ako. Sa kabila nga pala yung room namin at buti nalang wala pa yung instructor. Para di ako maantok ay nakipagkwentuhan ako kay Sander about sa pagbuo namin ng grupo para sa sayaw. May gaganapin kasing event next month kaya gusto naming sumali sa contest sa sayaw. Malaki rin ang premyo nun, mga 350,000 pesos tapos yung mananalo eh may chance pa na i-contest sa labas ng bansa. Pangarap ko yun eh kaya gusto kong ipursue.. naks pursue, bigword amputa.

Actually kaklase namin si Paulo ngayon, kaso wala siya kasi sinundo niya si Ara. Sana makaabot pa yung lalakeng yun lalo na't wala pa yung instructor namin sa Advance Algebra. Bigla kong naalala si Kayden. Asan na ba yun? Sabi niya sabay sabay kami sa enrolment. Ang dami pa nga naman naming plano eh. Sana naman bumalik na siya. Sa totoo lang naaawa na ako sa kaibigan naming si Cate eh. Siguro kung ako si Kayden, gagawa at gagawa ako ng paraan makausap lang si Cate. Kahit maliit na effort gagawin ko kasi mahal ko. Pero bat' kaya di man lang mangamusta si Kayden? Kung wala man siyang phone, pwede naman siyang magsulat eh. Ang daming paraan, pero bat ni isa wala siyang ginagawa?


"Uy bro vacant na natin."


"Weh dinga?!" Di makapaniwalang tanong ko. Nag isip lang ako ng kaunti tapos vacant na agad?! Wow naman ang bilis! 😲

At dahil may klase pa yung mga tropa namin ay nagpunta kami ni Sander sa gym at dun naupo. Hawak namin yung pagkain na kabibili lang namin sa canteen. Grabe ang daming chix dito. Di na ako magtataka mamaya kung mahulog tong brief ko hehe.

"Ganda nun oh." Sabay turo ni Sander dun sa babaeng nag vavolleyball na medyo mahaba ang buhok.

"Taena, kelan ka pa naging interesado sa anak ni sadako?!" Tumatawang sabi ko. Under the pwet kasi yung buhok nung babae. Wala yatang panggupit eh haha.

"Ang ganda kaya niya. Wala ka kasing taste!" Oh galit na siya, wawa naman this boy haha. Atsaka hello? May taste kaya ako.. taste buds. Ang korny diba?

"For your information, magaling akong pumili!" Proud kong sabi.

"Sige nga, magturo ka ng maganda dito at nang makita natin." Panghahamon niya. Ako pa talaga hinamon ng batang to ah.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now