79.

6.3K 159 86
                                    

79. Shit happens.

"Promise is a big word. It either makes something, or it breaks everything."


CATE's POV

Paulo Valdez is kissing someone?!

Nanatili lang akong nakatulala dito habang nakatingin sakanila. WATDAFAK. Nakasandal yung babae sa kotse ni Paulo tapos naghahalikan sila. That was a passionate kiss. Okay sana kung si Ara yun, pero .. ugh.. ibang babae?!.. Kailangan kong sabihin ngayon to kay Ara.


Naglakas loob ako na umalis na dun at nung medyo mahaba haba na yung nalakad ko ay natanaw ko si Tyson na mukhang papunta sa may parking lot. Nagmadali akong tumakbo papunta sakanya at nung naharang ko na yung daan niya ay hingal na hingal akong napakapit sa braso niya.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nito.

"San ka pupunta?" Para na akong mauubusan ng hininga. Hindi ko muna sasabihin sakanya kung anong nakita ko, gusto ko siya mismo makakita.

"Sa kotse ko may kukunin lang. Bakit?"

"Samahan na kita."

"Bat hingal na hingal ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Ano kasi.. kanina pa ako takbo ng takbo." Palusot ko.

"Bat ka naman takbo ng takbo? May marathon ba?"

Kumapit ako sa braso niya sabay sabing, "Tara na samahan na kita sa kotse mo." Ang dami kasing tanong hehe.

Habang naglalakad kaming dalawa eh kinakabahan ako. Im sure bugbog sarado yung walangyang Paulo na yon. Akala ko loyal siya. Nagpromise promise pa siya na ganto, ganyan tapos makikita ko nalang na may kahalikan na ibang babae? Ang kapal ng mukha niya para lokohin ang kaibigan ko!! Napakababaero! Urgh.

Buti nalang at tabi ng kotse ni Tyson yung kay Paulo kaya madali niya agad makikita. Nung malapit na kami ay kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Tyson. Isang step nalang hanggang sa . . .

Wala na?

Wala na yung babae at tanging si Paulo nalang yung nandito. Tumingin ako sa buong paligid at nakita ko yung babae na pasakay palang sa kotse nito. Tumingin uli ako kay Paulo na parang walang nangyari.

"Oh bro andito ka pala." Bungad ni Tyson sakanya.

"Ah oo bro. Ginagawa niyo dito?" Pangiti ngiti pa tong bwisit na to. Akala niya di ko nakita?! Psh. Lagot nalang siya pag sinumbong ko na siya kay Ara.

"May kukunin lang." Tugon ni Tyson tapos pumasok na sa kotse nito at hinanap kung ano man yung kukunin niya.

Tumingin naman ako kay Paulo na nakangiti habang nakatingin sa kawalan. Wow, ang saya niya .. nakapuntos siya sa babae eh. Hayup kang babaero ka! Hindi mo lang alam kung gaano ako galit sa isipan ko ngayon. Sabi niya nagbago na siya.. Lagot ka talagang bwisit ka. Kaibigan mo pa niloko mo huh.

Bigla niya akong tinignan at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Para hindi halata ay nginitian ko na rin siya ng PEKE. Isa kang alamat ng fuccboi! Isip isip ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Ewan ko pero parang gusto ko siyang huliin.

"Nagchichill lang." Wow chill raw? Eh pwede naman siyag magchill sa may teahouse. Ang boplacks ng sagot.

"Ah okay." Tama na yung isang tanong. Next time nalang uli. Nanggigigil na talaga ako eh. Baka maihampas ko pa sakanya tong hawak kong heels.

"Tara na." Pagyayaya ni Tyson na mukhang tapos na.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now