39.

14.9K 332 26
                                    

CATE's POV

Dinala ako ni Ryan sa tapat ng kotse ni Tyson na kung saan andito na rin sila Sunny at Ara na nag aabang at  halata ang pag-aalala sakin.

"Cate! Okay kaba?" Sinalubong ako ng yakap ni Sunny.

"Tara lumpuhin natin yung Bambi na yan!" Maglalakad na sana paalis si Ara para sugudin yata si Bambi kaso bigla ko siyang hinila.

"Wag na." Nakangiti kong sabi. "Okay na ako, hayaan niyo na yun."

"Sure ka?" Nag aalala sa tonong tanong ni Ara tapos tumango ako.

Kasalanan talaga ni Bambi yon eh! Satsat ng satsat hindi ba naman ako pagsalitahin! Iniisip ko pa rin kung bakit niya nagawang sabihin yung mga bagay na yun sakin.

"Pasok kana Cate." Pinagbuksan ako ni Sander ng pinto sa kotse ni Tyson.

"Sige." Akmang papasok na sana ako kaso may biglang humila saakin at niyakap ako.

"SORRY."

Ang boses na yon. 😢 Parang nawala yung sakit na nararamdaman ko nung narinig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit.. siguro dahil gusto ko siya.

"Tara na Cate pasok na sa loob!" Pagyayaya nila Ryan kaso parang nabingi ako para di sila sagutin.

Agad akong kumawala mula sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata.

"Ngayon alam ko na, wala ka palang tiwala sa-"

"Sshhh." Sabay lagay niya ng hintuturo niya sa labi ko. "Sorry, alam ko na ang lahat."

"Anong alam mo na?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam ko na kung sino yung Bryce na yon sa buhay mo, yung sinabihan mong gago at yung sinabihan ko din na gago. CL, please forg-"

"Umalis kana uy." Pagsisingit ni Tyson tapos inilayo niya ako ng kaunti kay KD. Sila Sander at Ryan naman ay nagsilapitan saamin, ganun din sila Sunny at Ara.

"Kinakausap ko si CL." Matigas niyang sabi.

"Brad, pasensya na ah.. mainit kasi ulo ni Tyson kaya pwede bang sundin mo nalang siya?" Tinapik tapik ni Ryan yung balikat ni KD.

"Brad umalis kana." Sabat ni Sander.

Muli ay tumingin ako kay KD na nakatingin lang saakin.

"CL, tara sabay kana sakin." Pagmamakawa niya. Para bang nadudurog ang puso ko sa mga oras na to lalo na't nakikita kong malungkot siya.

"Cate tara na dito!" Pagyayaya nila Sunny at Ara na asa loob na ng sasakyan.

Hinawakan naman ni Tyson yung kamay ko sabay sabing, "Tara na."

Sa di ko malamang dahilan ay bigla kong inalis yung kamay ni Tyson sa kamay ko at lumapit ako kay KD. Nakita ko namang nagulat sila.

"Sasabay nalang ako kay KD." Sabi ko. Lumapit naman sakin si Tyson na tila ba hihilain ako palayo kay KD pero agad akong umatras.

"Tara na Cate, dun siya sa pinsan niya, magsama sila!" -Ryan

"Sasama ka sa lalakeng pinaiyak ka? Wow!" -Tyson

Naramdaman kong tumulo yung luha ko sa kabilang mata ko. Hindi ko alam kung bakit nasasabi nila to kay KD.

"Bakit niyo pinagtatabuyan si KD? *sniff* Hindi niyo alam lahat ng nangyari kanina. Oo sinampal ko siya, hindi ko kasi nagustuhan yung sinabi niya eh dahil pinaniwalaan niya yung Bambi na yon. Nadala lang ako. Ngayon na nagsosorry siya ay pinapatawad ko na siya, kaya sana ganun rin kayo, Sana patawarin niyo rin siya para saakin." 😢😢 pinunasan ko luha ko.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now