Chapter 27

13.9K 324 12
                                    


Caitlin's POV

Sobrang pagod na pagod kaming lahat. Nakarating kami ng hotel ng 7:40 am. Andito kami ngayon sa restaurant at katatapos lang kumain ng breakfast. Uuwi na rin kasi kami pagtapos nito kaya bye bye na sa resort.

"Isang round pa, kulang ko pa eh." Sambit ni Sander na mukhang di pa nga busog.

"Ikain mo nalang yan mamaya sa bahay niyo." Sabat ko.

"Tss. Okay." Biglang lumungkot yung mukha ni Sander. Why so takaw kasi? Grr.

"Tara na at ayusin na natin yung gamit natin." -Ryan

Lahat kami nag agree sakanya kaya dali dali kaming nagpunta sa kwarto para ayusin na ang dapat ayusin. Pagtapos naligo ay nagbihis na kami.

Nang ready na ang lahat ay lumabas na kami ng room. Nakita ko naman si KD na hindi pa rin nagpapalit. Mukhang napansin niya akong nakatingin sakanya kaya nilapitan niya ako.

"Maiwan muna ako dito. Sunod nalang ako sa bahay CL." Sabi niya.

"Ah sige." Sagot ko naman.

Inihatid kami ni KD sa may parking lot. So makikisabay ako kila Tyson? Asa iisang sasakyan sila at si Ryan ang driver.

"Ingat kayo." Nakangiting sabi ni KD.

"Ingat din!" Sabay sabay naming sabi.

"Salamat pre!" Pahabol ni Ryan sabay start niya ng engine.

"Next time ulit!" Sabi naman ni Sander.

"Bye Kayden!" Sabay na sabi nila Ara at Sunny.

"Bye Maaraw at Kutsara!" Paalam ni KD sakanila.

"Whuuut? KUTSARA? HAHAHAHA!" Sambit ko.

"Alisin mo yung Kuts, anong natira?" -KD

"Ara?"

"Yea. Bye!" Bigla namang pinaharurot ni Ryan yung sasakyan.

Asa likod kaming apat nila Sander, Sunny at Ara. Samantalang asa harap sila Tyson at Ryan.

"Huy Ryan," tawag ko sakanya.

"Oh bakit?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa minamaneho niya.

"Salamat pala sa libre mo ah? Libre mo yung bayad sa hotel, alak, pagkain at iba pa, kaya thankyoouuuu!"

Narinig ko naman siyang tumawa.

"Putspa, hindi ako nanlibre!" Natawa niyang sabi.

"Eh sinoooo?!" Sabay sabay naming tanong.

"Sino ba may ari ng resort?" Tanong niya samin.

"Si Kayden?" Sabi ni Ara.

"Yup." Tugon ni Ryan.

So siya pala ang nanlibre. Akala ko pa naman si Ryan, ang haba pa naman ng speech ko!

"Owmygash.. gash avelgash gash! Ang bait talaga ni Kayden!" Kinikilig na sabi ni Sunny.

"Bagay kayo!" Sabat ni Tyson tapos biglang nagkasalubong kilay ko. Teka, akin si KD -,- mas bagay yata kami? Hmmp.

"Mas bagay sila ni Cate noh!" Singit ni Ara at nagtawanan naman sila Sander at Ryan.

"Ulowwl! Maz bagay sila ni Sunny! Ang pangit kaya ni Cate." Seryoso?! Kainis tong Tyson na to. Pinapalungkot niya ako. :(

"Yaaay thanks Tyson!" Ang saya saya nitong Sunny na to oh. Halos daganan niya si Sander.

"Lul! Eh di parang sinasabi mong gwapo si KD? At maganda si Sunny?" -Ara

"The eff. H-hindi sa ganun.. ano kasi. Bagay naman talaga si Sunny at yun." Huhuhuhu! Kaasar ka phowzx .. nananahimik ang tao dito eh babadtripin niyo >,<

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt