103.

7.1K 147 61
                                    

103. Friend Date

"Trust, once you get it. It's priceless. But once you lose it, you are useless."

[SANDER's POV]

"🎶They call me.. baepsae! Yokbwatji i sedae.. ppalli chase ’em hwangsae deoge nae gara----"

"Brent anak tama na yang kanta, dalian mong maligo at nag aantay na si Ryan dito sa baba." Sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo ma patapos na po ako!" Sigaw ko rin. Haist, sayang tuloy yung pagkanta ko with matching sayaw pa.

Langyang Ryan na to, di ko inaasahan na pupunta siya dito sa bahay ng key aga aga. Siguro naki almusal nanaman yun dito.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Nakakatawa nga yung reaksyon niya kahapon nung asa may fastfood sila ni Aisha. Ang totoo niyan nandun kaming lahat sa may pinakagilid para di niya kami makita. Halata namang gulat na gulat siya nung inamin ni Aisha na ako yung gusto niya, wahaha! Ganda kasi ng plano nila Ara eh.

Pagkatapos kong magbihis ay nagmadali akong bumaba. Pagkatingin ko sa may sala namin eh nandun si Ryan na may hawak na fried chicken. Hindi na nakapagtataka.

"Hoy bro ang tagal mo!" Salubong niya sakin.

"Hindi ko naman sinabing sunduin mo'ko dito eh." Inirapan ko siya saka ako dumeretso ng kusina namin.

"Sabay tayong pumasok." At talagang sinundan pa ako ng unggoy na to.

"Oo na, may choice pa ba ako?"

"Bat' ba ang sungit mo? Dahil ba may lovelife na ako tapos ikaw wala? Wahahahaha kawawa ka naman baby!" Nagulat ako nung bigla niya akong dinaganan sa likuran ko kaya ang ending ay bumagsak kami.

"Ugh! Ang big---aaaat moooo Ry--aaaan!" Phew hindi ako makahinga, taena ilang kilo ba tong Ry na to?

"Hindi ako aalis dito sa likod mo hanggat di ka nagsosorry sakin." Aba .. anak ng! Tsssk!

"Bat ako magsosorry ha? Wala naman akong-- argh ang sakit! Please umalis kana!" Madidislocate na yata buong spinal cord ko, sh*t.

"Sige na magsorry kana, ano bang mahirap dun ha? Babanggitin mo lang naman yung 1 word na yun eh."

"Ugh.." lagot talaga tong Ryan na to sakin pag nakawala na ako dito. "Oo naaa... Sorry na!" Mga 5 seconds bago siya umalis mula sa pagkakadagan sakin.

Agad ko namang hinila yung uniform niya tapos kumuha ako ng gunting at ginupitan ito ng medyo maliit. Kitang kita ngayon sa mukha niya yung pagkabigla. Siguro hindi niya inaasahan na gagawin ko to, haha!

"What the f*ck bro! Look what you've done?!" Inangat niya yung punit niyang uniform para ipakita sakin.

"Maka english ka naman jan akala mo nasa america ka."

"Argh! Sander!!! Bat mo ginupitan tong uniform ko?!!" Galit na ang unggoy.

"Pasalamat ka nga uniform lang yan. Eh ako dinaganan mo'ko at muntik na akong mabalian ng bones!" Inalapit ko pa talaga yung mukha ko sa mukha niya para madama niya yung word na bones. "Tapos anong pinagsasasabi mo na kaya kita sinusungitan kasi ikaw may lovelife tapos ako wala?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "FYI slash for your information unggoy, never kitang iinggitan nang dahil lang sa lovelife na yan. At kahit maging asawa mo pa si Shin Min Ah sa Gumiho, wala akong PAKE. Gets?"

"Tae, pano ako papasok nito? Tsk."

"Ano bang ikinagagalit mo jan ha? Maiit lang naman yang ginupit ko ah. Makareact ka naman parang akala mo kita na nipples mo."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum