42.

12.3K 294 43
                                    


Tyson'ska POV



May kayakap na babae? 😮


Mas lalo akong lumapit para makita kung siya nga. Pagkalapit ko..


'Ay ang layu ng mukha'


Kala ko si Kayden, yun pala ibang lalake. Kamukha lang pala pag naka side. 😧 Pero nung humarap mukhang hindi naligo ng limang taon.


Pinagpatuloy ko ulit yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako ng room. Wala parin yung iba at tanging sina Sander at Ryan lang yung nandito.


"Siguraduhin mong mabubusog kami jan sa pinamili mo!" Bungad sakin ni Ryan. Loko to ah! Edi sana siya nalang pala bumili. 😬


"Oh eto! Mabusog ka sana." Binigay ko sakanya yung mga pinamili ko.



Tinbihan ko naman si Sander na mukhang kawawa nang dahil sa pesteng singaw na yan.


"Ahhh ang sakit." Halos di niya maigalaw yung mga labi niya sa sakit. Kawawang bata.



"Tara pre, punta tayo clinic? May ilalagay sila jan sa singaw mo." Sabi ko.




"Oo, iinjectionan nila yan." Panakot ni Ryan habang ngumunguya.



"Injection? Ang OA naman niyan!" Gulat na sabi ni Sander.



"Sus, takot ka lang eh."



"Wag kang maniwala jan Sander, lalagyan lang nila yan ng gel, parang yung akin dati. Tara na!" Hinila ko na si Sander tapos sumunod samin si Ryan papuntang clinic.



"Hello Nurse Jenny." Bati ni Ryan sakanya.



"Hello. Anong maitutulong ko?" Tanong ni Nurse Jenny habang inaayos yung nakalagay sa desk niya.


"Si Sander po kasi may singaw. Hindi siya makapag concentrate sa practice namin." Tugon ko tapos pinaupo si Sander at chineck yung singaw.

"Lalagyan lang natin ng gel yan para sa singaw tapos mawawala na yan bukas." Sabi ni Nurse.


"Hala nurse, bat bukas pa? Hindi ba pwedeng ngayon na gumaling?" Reklamo ni Sander tapos natawa si Nurse Jenny.


"Ano yun agad agad? Haha." Natawang sambit ni Nurse.


"Nurse injectionan niyo nga yan." Utos ni Ryan tapos tumawa nanaman si Nurse. Mukhang siya yata yung kailangan ipatingin lol.


"Oh ayan tapos na."


"Thankyou po." Sabi ni Sander.



"Goodluck sa sayaw niyo this saturday!" Cheer samin ni Nurse Jenny.



"Syempre kami pa! Sige po alis na kami, salamat ulit!" Paalam ni Ryan tapos nag wave na kami ng goodbye kay Nurse.



Habang naglalakad kami ay biglang pumagitna si Ryan samin ni Sander at inakbayan kami.



"Mga pre may napansin ba kayo kay Nurse Jenny?" Usisa nito tapos tinignan namin siya na parang ewan.



"Ano ba yon?" Tanong ko.



"Ang laki ng boobs." Agad naman namin siyang binatukan ni Sander. "Aray ko!" Singhal niya.



"Manyak mo gago!" Kahit hindi makapagsalita si Sander ay pinilit niya pa rin masabihan lang na manyak tong Ryan na to, patawa. 😁



Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now