CHAPTER 21

23 2 0
                                    


"Ano? Ayos na?"
tumango naman ako kay Zoey. Nasa hospital kaming dalawa, nagmagandang loob naman itong kasama ko kaya naman sinamahan niya ako sa monthly check-up ko. Kahit kasi sinabi nang doktor na okay na ako gusto pa ring makasiguro nang magulang. Natatakot raw kasi sila baka raw kasi may nagclots na dugo sa utak ko mga ganun, kaya naiintindihan ko na ganun sila kapraning.

Palabas na kami nang biglang huminto itong si Zoey nang hindi ko alam ang dahilan.

"Bakit? May na kalimutan ka ba?" tanong ko rito habang nakatingin sakanya.

"Hindi ba si Logan yun?" May tinuro naman ito kay naman sinundan ko kung anong itinuturo nito. Nakita ko naman si Logan na mukhang papasok sa loob nang hospital para bang may sinusundan ito dahil mukhang nagmamadali ito. "Ano naman kayang ginagawa niya dito? Mukhang may hindi magandang nangyari." Tahimik lang ako habang sinabi yun ni Zoey. Masama rin ang kutob ko.

"Napapansin ko lang madalas na kayong magkita ni Logan, yung totoo kayo na ba?" Biglang intriga naman nitong si Zoey. Kung may kinakain lang ako baka nabulunan na ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ano ka ba, nagkataon lang yun." Tinaasan naman ako nito nang kilay na para bang hindi ito naniniwala. Totoo naman kasi siguro nga nagkataon lang yun. Kung isa akong assumera iisiping kung destiny yung nangyari. Pero hindi ako ganun.

"Sigurado ka?"

"Oo nga ang kulit."

"Basta ang gusto ko lang updated mo ako at dapat ako ang unang makakaalam kapag kayo na." tumawa naman ako dahil hindi ko alam ganun itong mag-isip.

"Sira, hindi nga kami nagkakausap paano naman magiging kami?"

"Uy, meaning gusto mo?." tukso naman nito.

" Ewan ko sayo, makaalis na nga." Nauna naman na akong maglakad dito dahil kung hindi kami tumigil baka marami na itong masabi.

"Ano ka ba okay lang yun. Atin-atin lang naman basta ba wag mong aagawin si Zeus." habol naman nito napailing naman ako.

"Paano kung si Zeus pala ang gusto ko?" Seryosong sabi ko pero sa loob ko gusto kong matawa dahil sa itsura palang nitong hindi maipinta.

"Alam mo magkaibigan tayo pero ibang usapan na sa taong gusto ko." Seryong sambit nito. Hindi ko naman naitago ang tawa ko dahil sa inakto niya. Malala na nga siya.

"Oo na, hindi ko na aagawin. As if naman gusto ko siya."

"Mabuting magkaliwanagan."

"Chill ka lang. wala talaga akong gusto sakanya. Dapat kasi magpakilala ka na sakanya para hindi ka nagkakaganyan. Puro ka kasi padala lang nang padala ng mga kung anu-ano. Try mo ring magpakilala noh, nagmumukha kang stalker tuloy." Bigla namang nanlaki ang mata nito. Well, sino ba namang hindi magugulat kung nalaman ko ang sikreto niya. I mean pinatatago niyang sikreto.

"Paanong?" Hindi nito masabi or should I say hindi siya makaisip nang sasabihin. Ngumiti lang ako sakanya nang nakakaloko akala niya maiisahan niya ako. "Paano mo nalaman?" huminga muna ako nang malalim bago sabihin sakanya.

"Kaibigan kita Zoey, nakikita ko naman kung gaano mo siya kagusto kaya ayaw kong siraiin yung pagkagusto mo sakanya ayaw ko ring na saktan ka kung sasabihin ko sayo. Ang mas mabuti pa makipagkita ka or magpakilala ka na lang. Kung natatakot ka nandito ako para samahan ka." Bigla naman itong natahimik mukhang alam ko nang nasa isip nito. "Kung natatakot kang ireject niya, dapat lakasan mo ang loob mo. Don't worry hindi ko hahayaang may sabihin siyang hindi maganda sayo. Matitikman niya itong kamao ko." Sabay pakita sakanya ng kamao ko. Ngumiti lang ito nang tipid pero wala naman itong sinabi.

"Sabihan mo lang ako kung kailan." Tukoy ko sakanya.

"Oo na, pag-iisipan ko pa." Tumingin naman ito sa labas ng bintana samantalang pinagpatuloy ko ang pagmamaneho. Kung ano man ang mangyayari hindi ko hahayaang may mangyari sakanyang masama.

************

************

"Hoy, mga bakla may nasagap akong chismis." Nagmamadaling upo naman ni Jassy sa tabi namin. Bigla namang mapairap kami ni Zoey dahil sa sinabi niya. Nasa classroom na kami at hinihintay lang ang professor namin.

"Ano ba yan bakla, Lunes na lunes chimis agad ibubungad mo. Okay lang sana kung may sagot na ka na sa assignment natin at pakukopyahin mo ako matutuwa pa ako." Biglang komento naman nito si Zoey. Napailing lang ako sakanila kahit kailan itong dalawang ito.

"Huh? May assignment tayo? Saan?" mukha namang naaligaga ito at nakalimutan yung ichichika niya.

"Yan inuna mo pang chismis. Magdusa ka." Bumalik naman si Zoey sa ginagawa niyang assignment niya. Hindi ko naman alam yun dahil hindi ko naman sila kaklase roon sa subject na yun.

"Ano kasi yung assignment bakit hindi ko alam? Hindi ako nainform."

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."

"Pakopya na lang ako. Bestie naman tayo di ba Zoey." Paglalambing nito.

"Che,, nek nek mo pinaghirapan ko itong niresearch noh."

"Psh,, kinopya mo lang naman sa google. Ang damot nito."

"Kahit na, mahirap pa rin magreseach, maghahanap ka pa nang magandang information noh. Mahirap kaya yun."

"Oo na, bruha ka talaga."

"Mabalik na lang tayo sa chimis na sinasabi mo, Ano ba yun?" bigla naman nitong palit nang topic. Alam ko namang hindi niya matitiis itong mga bakla na ito kaya pakokopyahin pa rin niya. Ganyan yan si Zoey pero wag nga lang sa exam or quizzes.

"Alam mo ba yung ex ni Logan na si Lucy?" umpisa ni Jassy at napatingin naman ito saakin ewan ko ba. Para bang may gusto siya ipahiwatig.

"Ano naman ngayon." Bored na sabi ni Zoey. Hindi pa kasi nito nakikita yung tinutukoy nito kaya wala itong pakialam. Hindi ko naman sinabi sa kanya noong natulog ako sa condo ni Logan pero alam niya dahil inihatid ako noong araw na yun ni Zoey.

"Muntik na raw siyang magpakamatay."

"Oh, tapos, ikaw bakla hindi mo deretsyahin nakakabwisit ka. Pabitin ka."

"eh, kung patapusin mo kasi ako. Komento ka nang komento, sasabunatan na kita." Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko na talaga sila mapipigilan. Mabuti na lang at sanay na ako sa ugali nitong dalawang ito at mabuti na rin dahil wala si Gabby isa rin yun.

"Tama na yan, pag-uuntugin ko kayo." Biglang sabi ko nag-irapan naman ang dalawa pero hindi po sila magkaaway ganyan lang sila.

"So ayun nga muntik nang magpakamatay si girl. Alam niyo kung anong dahilan?" huminto ulit ito sa sabihin magsasalita na sana si Zoey pero inunahan siya ni Jassy. "Wag kang sasabat." Sabi niya dito at tumingi si Jassy saakin. "Dahil akala niya may bago nang gusto si Logan. According sa mga kaibigan ni girl nakita raw niya ito sa condo ni Logan at doon pa natulog. Does it familiar to you, Missy." Ngiting nakakaloko nito saakin. "Hindi ba, noong nawala ka nang magbar tayo, siya ang kasama mo at doon ka natulog?" Oo sinabi ko sakanila na doon ako galing pero hindi ko sinabing nakita ko doon si Lucy.

"Ano namang malay ko kung maraming pinapatulog na babae si Logan sa condo niya." pero umiling lang ito saakin.

"Ah, ah... news flash again, never nagpatulog si Logan sa condo niya. Kahit pa noong sila ni Lucy according sa source ko." Anong gusto nilang palabasin na akong may kasalanan kung bakit muntik na siyang magpakamatay.

"Gusto kitang i-inform Missy para maging aware ka, dahil mainit ang mata nila sayo kahit pa sabihing hindi mo kasalanan at wala kang alam or hindi totoo ang sinabi nila. Wag kang mag-alala hindi ka namin papabayaan malaman ko lang na hinawakan nila kahit hibla ng buhok mo kakalbuhin ko sila at wala akong ititirang buhok nila ni isa." Seryosong sabinito kahit naman papaano nabawasan ang pangamba ko. Kahit papaano alam kong may kaibigan at kakampi ako. Hindi naman siguro magagawa ni Lucy ang manakit ng tao. Alam kong maldita siya pero hindi naman siguro siya aabot sa puntong gumamit siya ng dahas.

***************

To be continued...

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat