CHAPTER 27

3 0 0
                                    


"Mitch"
I believe he knew something when he uttered that name. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin dahil ito ang unang pagkikita namin ng personal. Pero nakilala niya ako.

"Hi" tipid na bati ko dahil wala akong masabi yun lang ang nasabi ko. Naiilang man sa mga tingin ngumiti lang ako. Ito na ang pagkakataon kong magtanong kung siya rin ba ang nasa panaginip ko. "Ahmmm...Logan."

"I missed you... huwag mo akong iiwan, ulit." Bakit ba nakakagulat ang lalaking ito? Parang mas malala ata siya kumpara nung nagising ako. Mabuti na lang kaming dalawa nandito. Umalis si Yohan para tawagin ang doktor.

"Naalala mo ba yung nangyari sayo?" Napakunot naman ito sa sinabi ko mukhang hindi niya rin inaasahan yun. Hinihintay ko naman ito sa sagot niya pero bigla na lang itong napahawak sa ulo niya na parang nasasaktan. Bigla tuloy akong nataranta.

"What happened?" napatingin naman ako kay Yohan na kararating lang kasama ang doktor at nurse. Lumapit naman na ang mga ito para tignan ang lagay ni Logan kaya tumabi muna ako kay Yohan.

"Hindi ko alam, tinanong ko lang siya kung naalala niya ba yung nangyari sakanya. Tapos bigla na lang siyang nagkaganyan." Nag-aalalang sambit ko.

"I believe that triggered him; let us not compel him to remember what happened. He is still traumatized. We must continue to monitor his condition. Let us first relax the patient." Tumango naman kami sa sinabi ng doktor, kumalma na rin si Logan mukhang may ininject sakanya. Iniwan naman na kami ng doktor pagkatapos nito may ibinilin kay Yohan ako naman inayos ko ang kumot ni Logan na nagulo kanina. Nabigla naman ako ng hinawakan ni Logan ang kamay ko tinignan ko kung gising ito pero mukhang tulog naman. Agad kong inalis nang may narinig akong tumikhim galing sa likuran ko. Agad-agad ko itong inalis.

"Kailangan ko ng umalis baka magabihan na ako pauwi."

"Just wait a moment, my father wants to speak with you." Haist, kailangan ba lahat sila mameet ko. Bakit ba kasi naisipan ko pang pumunta rito okay na yung kahapon lang ako dumalaw? Wala na akong nagawa ng sinabi niya yun hindi ko alam kung ilang minuto rin kaming naghintay mabuti na lang at mahimbing na ang tulog ni Logan. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung tinawag niya saakin. Siya lang ang tumawag saakin nun.

******************

"If I hadn't known the situation, I would have assumed your relationship with my son, Yohan." I know he was joking in order to lighten the situation. Pero sa isang banda parang ewan...dissapointed ? hindi ah!.

"I'm also glad to meet you po, Sir." Magalang kong pagbati

"Really, Dad." Walang emosyong sabi ni Yohan sa daddy niya.

"What? I'm just kidding pero pwede ring totohanin." Sabay tawa nito saamin. I never expect na ganito si Mr. Villanueva dahil ibang iba ito sa mga anak niya. "Don't mind me, Iha. Nakita ko lang na mukhang natetense ka kanina hindi ko alam kung bakit. Mas nakakatakot pa naman yang anak ko keysa saakin." Dugtong nito.

"Akala ko ba may importante kayong sasabihin? Kung alam ko lang pinauwi ko na sana siya." Mukhang naasar na ang isa. Hindi na lang ako nagsasalita dahil masaya lang silang tignan. I'm just thinking kung ganito rin kaya sila mag-usap-usap nila Logan. Para bang magbabarkada lang sila.

"Uy, baka nakakalimutan mong tatay mo ako. Umayos ka."

"Tsk, sino kayang hindi maayos kausap."

"I was saying a while ago nagpapasalamat ako hindi dahil iniurong niyo ang kaso, nagpapasalamat ako dahil isa ka sa dahilan kaya nagising si Logan." Seryosong sabi nito.

"Nagkakamali po kayo, will niya, po yun na magising wala po akong kinalaman doon. Hindi naman po ako diyos." Bakit naman naisip niya yun wala naman akong powers para gawin yun.

"Hindi mo lang alam kung gaano kami katagal naghintay. His doctor informed me that there is a high possibility he will never wake up anymore. Just the machine keeps him alive, but he responded yesterday after you visited, kaya tinawagan agad ako ng doktor niya and today is a big miracle. You are right; God has a plan, and you are one of his instruments." Kani-kani lang palabiro ito, ngayon makikita mo ang senridad sa mga sinasabi niya. "Alam kong marami na akong utang saiyo but Michella, can I ask you a favor, again?"

"Dad." Pagpigil nito sa daddy niya mukhang alam niya kung anong gustong sabihin nito.

"Ano pong pabor yun?" Nalilito man pero wala na akong nagawa. Hindi ko alam bakit saakin siya humihingi ng pabor pero sana makatulong. Napansin ko namang napatingin ito kay Yohan hindi ko mabasa kung anong iniisip nila pero satingin ko hindi doon sang-ayon ang isa.

"Can you stay by his side?" walang halongbirong sabi nito.

"Ho?" Nanlalaking matang tanong ko.

"I mean, gusto ko sanang nandoon ka kapag nagising si Logan sa tabi niya ulit."

"Dad, that's too much. You don't have to do it." Hindi ko alam bakit parang nag-aalala si Yohan sa sinabi ng daddy niya samantalang hindi naman mabigat yung hininging pabor ng dad niya.

"Ano ka ba walang kaso saakin iyon, okay po payag po ako." Nakita ko namang sumilay ang ngiti ni Mr. Villanueva sa sinabi ko. Ewan parang may iba akong pakiramdam.

"Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sayo. Just tell me what you want, and I'll gladly pay you back. Kahit anak ko pang kabayaran walang problema saakin. And please don't call me, Sir. Feeling ko professor mo ako just call me tito Anton or pwede ring dad." Oh em. Bumalik na siya sa dating pilyo nanaman. Hindi ba niya alam na unconfortable iyon saamin.

"We need to go. Wala na ba kayong sasabihin." Mukhang hindi siya natutuwa sa inaasal ng daddy niya.

"Sa resthouse mo na siya iuwi at kumain na rin kayo hindi ko na kayo masasabayan , ako ng bahalang magbantay dito ngayon." Nauna namang umalis si Yohan kaya ako na lang ang nagpaalam kay tito.

"Aalis na po kami tito. Pagpasensyahan niyo na po yung isang yun."

"Huwag kang mag-alala sanay na ako sa magkapatid na yan. Mas worst nga lang ang isang yun, kaya ikaw ang wag mawawalan ng pasensya." Sabay kindat nito. Hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig nito. 

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now