CHAPTER 28

3 0 0
                                    


"You don't have to do what he says."
Napatingin naman ako kay Yohan ng sabihin niya yun. Nandito kami sa resthouse na tinutukoy ni Tito kanina. Tinatawag rin nila itong Vacation house nila kapag gusto nilang pumunta rito. Mukhang tinutukoy niya yung pabor na hiningi kanina ng dad niya. Bakit ba masyado itong nag-aalala?

"Hindi ba sinabi ko na walang kaso saakin yun. Saka hindi naman mabigat na pabor yun. Ano bang inaalala mo doon?" pati ako hindi na rin ako matahimik ng curiosity ko.

"You have no idea what he's thinking; I know, dad, he's playful, but you have no idea what he's plotting." Medyo nabahala rin ako sa sinabi niya pero hindi naman niya siguro ipapahamak ang isa saamin. Kung ano man ang plinaplano malalaman rin yun. "Psh, ang cool kaya ng daddy mo kung anu-anong pinag-iisip mo sakanya. Kung may plinaplano man siya hindi ka naman niya siguro ipapahamak."

"Wala akong sinasabing saakin siya may plinaplano, kundi sayo."

"Saakin? Bakit naman saakin?"

"I don't know"

"So concern ka saakin?" I was just on my mind pero napalakas dahil narinig nito.

"Of course." Seryosong saad nito. Mukhang may gusto pa sana itong sabihin pero nabuntong hininga lang ito "Nevermind. Magpahinga ka na." hindi talaga maintindihan ang lalaking yun. Bahala nga siya diyan.

****************

Kanina pa ako nakatunganga sa kisame. Gusto na sanang matulog pero hindi ako dalawain nang antok, ito ata yung sinasabi nilang namamahay. Tinignan ko naman ang relo ng cellphone ko at 11:00 pm pa lang. Ilang oras akong nakatunganga? Hindi talaga ako makatulog. Final decision lalabas ako saglit. Magpapaalam ako para hindi naman ako hanapin.

Paglabas ko ng kwarto sinalubong ako ng katahimikan. Nakaswitch ang ilang ilaw. Naalala kong sa kabilang kwarto lang si Yohan kaya kumatok ako sa pinto nito. Hindi ko alam kung tulog na ba ito baka magambala ko pa siya. Kaya naisipan ko wag na palang wag magpaalam tutal madali lang ako sa labas. Ewan, pero biglang gumalaw ang kamay ko at pinihit ang doorknob hindi naman ito nakalock.

"Kapag tulog na ito, hindi na talaga ako magpapaalam." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Kinailangan ko pang iswtich ang flashlight ng phone ko dahil sa dilim ng kwarto at agad ko naman nakita kung nasaan ang switch ng ilaw at mapansing malinis ang loob ng kwarto wala bakas na may natutulog sa kama. "Nasaan yung lalaking yun? Wag niyang sabihing lumabas rin siya at iniwan akong mag-isa dito. Huh." Kaasar iniwan niya ako dito sa bahay nila wala pa namang katao-tao dito dahil sinabi nito kanina na hindi raw nag-istay ang mga kasambahay nila. Pwes, hindi rin ako magpapaalam sa kanyang lumabas akala niya.

Naisipan kong sa convient store na muna magpalipas oras hindi naman malayo ito mula sa rest house nila walking distance ang nakakatakot lang kanina habang palabas ako ang masyadong madilim mabuti na lang at dala ko itong phone ko. Bumili lang ako ng kape, Oo kape talaga hindi ko alam kung ako lang ba yung nakakatulog pa rin kahit nagkape ng gabi. Humanap lang ako ng mauupuan ko sa labas ng convient . Ito ang namiss ko sa Baguio ang malamig nilang klima lalo pa at ber months na kaya lalong lumalamig na ang panahon dito hindi gaya sa baba.

"Hi, pwedeng makishare ng upuan?" bigla naman akong napatingin ng may nagsalita sa harapan ko. Ako bang kinakausap nito? Malamang ako lang naman tao dito sa labas.

"Okay lang, sige." Naiilang na ngitian ko ito. Alangan naman mag-attitude ako rito hindi naman ako taga rito at lalong hindi ko pagmamay-ari itong inuupuan ko. Pero nakapagtataka lang dahil marami namang mga vacant table pero naiisipan pa niyang dito. Bahala na nga.

"Pasensya na, hindi ako sanay na nag-iisa sa table. Sana wag kang mailang." Saad pa nito.

"Ayos lang." napansin ko naman ang binili rin nito sa convient na gaya rin ng binili kong kape. So, masasabi kong hindi rin pala ako nag-iisang nagkakape rin ng gabi. Pasimple ko naman ito inoobsebahan masasabi kong maganda ito at feeling kong parang familiar siya saakin. Sa tingin ko rin magkaedad lang kaming dalawa. Familiar talaga siya parang nakita ko na siya dati hindi ko lang alam kong saan. "Mawalang galang na but you look really familiar, nagkita na ba tayo noon?" ngumiti lang naman ito. Akala ko hindi na ito sasagot sa tanong ko.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon