CHAPTER 44

2 0 0
                                    

"I'm glad to see you're safe, anak." Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa magulang ko ng salubungin nila ako. Hindi ko na rin pwedeng itago ang nangyari dahil alam kong malalaman rin nila. Dahil wala na rin akong choice kaya kailangan kong bumalik na sa bahay.

"Pumasok na kayo sa bahay." Anyaya ni Dad. Kaya sumunod na kami sakanya. Muntik ko ng kalimutang may kasama pala ako. Naisipan ko na ring umuwi sa bahay dahil nahihiya na ako kay Yohan na halos isang dalawang linggo na ako bahay niya mabuti na lang at hindi ito narereklamo. Kaya naglakas loob na talaga akong sabihin sa magulang ko ang nangyari. Inaasahang ko nga pangangaralan nila ako pero sinabi lang ng mga ito na mabuti na lang at ligtas ako.

"Pinag-alala mo kami anak. Mabuti na lang at madalas akong i-update nitong si Yohan sa nangyayari sayo. Mabuti na rin at siya ang nagligtas sayo. Hindi ko alam kung paano gagawin ko kung mawala ka saamin." Over-acting ni Mommy. Napatingin naman ako kay Yohan dahil hindi ko alam na siya ang unang nagsabi sa mga magulang ko. Kaya pala hindi sila nagalit ng tumawag sila saakin.

**************

"Saan ka pupunta? Alam kong day off mo kaya wala kang work." Napatingin naman ako kay Mommy na nakapamaywang sa harap ng pinto ng kwarto ko. Nakakunot ang noo nito habang nagmamasid sa kinikilos ko. Simula ng may nangyari saakin noong isang linggo lalo silang naging strick saakin lalo na si Mommy. Mas lalo itong naging strikto feeling niya teenager pa ang anak niya. Grabeng makamonitor napaka over-acting.

"Mommy, magkikita po kami nina Zoey ngayon." Tinapos ko naman ang final touch ng make up para ready to go na. Hindi ko naman na siya tinignan pero nakikita ko ginagawa niya sa harap ng salamin.

"Susunduin ka ba niya?"

"Hindi po, sa mall na po kami magkikita para hindi po siya hassle dahil galing pa siya sa work at malapit na rin yun sa mall. Kakain lang kami at magbobonding kasama ang mga bakla." Naiisip kasi namin na hindi pa pala kami nagkikita-kita ng mga iyon. Kararating lang kasi ni Gabby galing Paris tapos si Jassy naman ay sa Dubai. Mga galante na ang mga bakla.

"What! Paano kung may mangyari sayo? Magpasundo ka na lang sa boyfriend mo." Napakunot naman ako ng sabihin niya iyon.

"Mommy hindi pa po ako desperada para may ipakilala ako sainyong boyfriend ko. Bakit hindi niyo naman ako ininform?" Biro ka sakanya.

"Hindi mo pa ba boyfriend si Yohan? Dapat pala sagutin mo na siya."

"Mommy, Bakit ko naman sasagutin yung tao kung hindi naman nanliligaw? Nakakahiya doon sa tao. Kayo talaga kung anong naiisip niyo." Nakakahiya naman paano kung marinig niya. Mabait si Yohan at hindi ko binibigyan ng malisya na lahat ng pinapakita niyang kabaitan baka mamis-interpret ko ulit. Nakakahiya na.

"Hay, naku halata namang gusto niyo ang isa't isa. Wag ka na rin kasing pakipot hindi sa lahat ng oras lalaki ang unang magmomove kong hindi ka niya nililigawan ikaw ang manligaw. Kung hindi magseset-up ako ng meeting sa daddy niya para sa arrange marriage niyong dalawa. Siya lang nakikita kong magiging son-in-law ko para sayo." Pinandilatan ko naman ito ng mata dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.

"Mommy nagbibiro lang kayo di ba?" sinubukan ko pang tumawa pero wala akong nakikita bahid na biro sa mukha nito.

"Nakita mo na bang nagbiro ang mommy mo?"maikling pahayag nito. Akala ko wala na itong sasabihin pa pero bigla itong nagsalita. "Tatawagan ko na lang siya para siyang maghatid sayo. Dahil rin ako panatag kung iba ang maghahatid sayo." Tumalikod na ito at hindi na ako pinagsalita pa. Ganun ba kalaki ang tiwala niya sa lalaking iyon. Paano kaya kung sabihin kong binasted ako ng lalaking iyon dati? Pero ano daw tatawagan niya? Ano bang pumapasok sa isip ng mommy ngayon?

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now