CHAPTER 17

19 0 0
                                    


Nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko para makaalis na sa classroom. Kanina pa txt ng txt si Zoey kung nasaan ako dahil nasabi kong manunuod ako ng game ngayon. Tinignan ko naman ang orasan ko at nakitang 5:40 na late nagpadismiss ang prof. namin kaya may mga ilang kaklase na hindi natuwa dahil doon. Hindi ko alam kung makakaabot pa ba ako pero sabi naman nila na bilisan ko raw. Malayo pa ang lalakarin ko kaya hindi ako sure kung makakaabot talaga ako.

Pagkabungad ko palang sa pinto ng gym marami na akong naririnig na nagsisigawan kanya-kanya ang mga pambato nila hindi nga lang malinaw kung sinong kalaban ng university namin. Nagreply naman ako kay Zoey na narito na ako tinanong ko ito kung saang banda sila nakaupo sinabi naman nito na sa pinakataas sila ng bleachers kaya humarap ako hindi naman na ako nahirapan dahil kumaway ito. Kaya lumapit naman na ako, nag-excuse naman ako sa mga alam kong mararaanan at masasagi ko.

"Foul no. 1, Villanueva."

"Hoy! Ang tagal mo buti at naka-abot ka pa." Bungad agad ni Zoey saakin.

"Sorry yung prof. kasi namin late nagdimiss ayan tuloy." Hindi naman ako pinansin ni Zoey dahil nakatingin lang ito sa pinapanood nito. Kaya humarap na rin ako kahit wala naman akong alam sa ganya.

"Hala, 3rd personal foul niya na yun. Sayang nilabas na siya." Bigla sabi naman ni Zoey hindi ko alam kung ano or sinong tinutukoy nito.

"Ang gwapo pa rin niya kahit pinagpapawisan na siya. Oh! Papa Ian." Rinig ko namang sa bi ni Jassy.

"Basta Loyal pa rin ako kay Zeus ko." Zoey.

"Ahhh. Ipinasok na si Papa Travis ko." –Gabby Napakunot naman ang noo ko dahil familiar saakin ang mga binabangit nilang pangalan pero impossible. Finocus ko naman ang tingin ko sa mga naglalaro or should I sa kalaban ng university namin.

"Oh my! Impossible." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko ang mga familiar na mukha nila pero hinahanap ng mata ko ang gusto kong makita.

"Bakla ka nagwapuhan ka rin sakanila? Basta wag mo aagawin si Travis saakin dahil masasabunutan kita."- Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Gabby. Nagstart naman na ang laro pero tutuk pa rin ako sa grupo nila.

"Hoy bakla may kilala ka ba diyan?"- tanong ni Zoey saakin na katabi ko, Actually kilala ko silang lahat gusto kong sabihin pero baka kapag sinabi ko marami na naman silang itanong saakin. Alam kong hindi sila maniniwala na sa panaginip ko sila nakilala. kanina ko pa kasi sila pinagmamasdan pero hindi ko pa rin makita yung gusto makita.

"Baka naghahanap nang mabibiktima niya. Ay, sinasabi ko sayo wag talaga si Papa Travis ko yung no.8 diyan.. Nakikita mo? Iba na lang pwede rin yung Captain nila pero inilabas siya kanina."- napatingin naman ako kay Gabby ng sinabi niya yun.

"Saan siya pumunta?" tanong ko dito pero napakunot ang noo nilang tatlo dahil sa sinabi ko.

"Ewan, baka pumunta sa may locker." Nagtataka man saakin pero sinagot pa rin nito ang tanong ko.

"Why? May problema ba Missy?" Nakakahalatang sabi ni Zoey hindi ko na lang siya pinansin. Tumayo naman ako pero pinigilan ako ni Zoey.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis ako saglit. May nakalimutan akong kunin." Pag-alibi ko mukhang matatapos na rin naman ang game at nangunguna ang University namin pero hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob kong mananalo ang kabilang team.

"Magkita tayo sa may parking lot mamaya." Sabi ni Zoey tumango naman ako pero may nakalimutan pala akong sabihin sakanila.

"May nakalimutan pala akong sabihin. Mananalo ang Golden Eagle. Never pa silang natalo." Nakita ko namang napanganga ang mga ito kaya napangisi ako na umalis. Hindi sila makapaniwalang sinabi ko yun pero yun ang totoo. Pupuntahan ko ang Captain nila, medyo kinakabahan ako dahil maraming possibilities ang pwedeng mangyari. Kilala niya rin kaya niya ako? Paano kung hindi pala? anong gagawin ko? Sa tingin ko talaga totoo yung panaginip ko. Hinanap ko naman ang locker ng mga varsity hindi ako familiar sa locker ng varsity namin. Narinig ko namang nagbeep ang phone kaya tinignan ko ito nakita ko ang message ni Zoey na tapos na ang game at tama raw ang hula ko. Psh! Hindi yun hula.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon