EPILOGUE

1 0 0
                                    

It is the same place, hindi ako pwedeng magkamali. Ito nga iyon, yung nasa panaginip ko. Hindi ko alam na totoo pala ang lugar na ito.

"What the heck are you wearing? Gusto mo bang mapaaway ako ng wala sa oras." Bigla namang nagtayuan ang balahibo sa batok ng biglang magsalita sa likod ko si Yohan. Nakaupo kasi ako sa isang lounge chair at hindi ko man lang ito naramdaman na umupo sa may likuran ko. Ayaw kong humarap sakanya dahil alam kong malapit ito saakin dahil nararamdaman ko ang hininga pa rin nito sa batok ko. Nakapatong rin ang kamay nito sa may armrest ng upuan kaya parang halos nakayakap na ito saakin.

"Paano ka mapapaaway, wala naman akong ginagawa?" Nagtatakang saad ko.

"Exactly, wala ka pang ginagawa. Hindi mo alam kung gaano ang pagtitimpi ko ng lumapit ka dito sa cottage natin. You have no idea how many men are watching you." Medyo na inis ako dahil sa sinabi nito. Samantalang siya kanina wala naman akong sinabi nung may kausap itong Amerikanang hilaw. Psh. Shocks ano ba itong iniisip ko. "Wear this one." Inaabot naman nito ang shirt na hawak niya.

Napatingin lang ako dito dahil parang kanina lang iyon ang suot ko na pinagpipilitan kong isuot papunta rito pero ngayon ewan ko ba at parang naging plane lang ito sa paningin ko. Mukhang tama nga sina Zoey na hindi nga bagay yan na dress code dito sa resort lalo na dito sa pool area. Tinabig ko naman ito kaya hindi sinasadyang nabitawan niya ito. Medyo naguilty ako doon.

"I won't wear that." Matapang nasabi ko. Kaya nagtagisan lang kami ng tingin. Hindi ko alam kong sinong unang bibitiw pero nagulat ako ng siya ang naunang bumitaw ng tingin at pinulot lang nito ang nahulog ng shirt. Narinig ko lang itong napabuntong hininga bago magsalita muli.

"Then, You don't have a choice but stay close to me." Mababa pero maawtoridad na utos nito. Medyo natakot naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Para tuloy gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina.

***********

"Alam mo kung hindi ko lang talaga alam ang totoong relasyon niyo ni Yohan mamapaniwala akong kayo. Sa mata ng ibang tao para kayong magjowa na magkaaway na parang tanga." Napakunot naman ang noo dahil sa pahayag na iyon ni Zoey.

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Kasi naman halatang naiinis ka sakanya, tapos siya nakabantay kahit malayo sayo. Tapos ito pa kapag may lalapit lang sayo kahit babae man or lalo na sa lalaki ang talim na agad ng tingin niya at hindi niya nilulubayan hanggang umalis. Katulad na lang ngayon. Haist! Nakakatakot, mas gusto ko yung tahimik lang siya sa tabi at walang pakialam. Bakit ka nga ba naiinis ha? di ba dapat maging masaya kasi nasayo na iyong atensyon niya?"

"Naiinis ako sakanya dahil umaakto siyang parang bata. Hindi ko siya maintindihan. Biruin mo sinabi niya saakin na dapat sa tabi niya lang ako at ayaw niya itong suot ko. Ano naman kaya yun? Huh. Tapos biglang magagalit ng hindi ko alam ang dahilan."

"Malamang nagseselos siya. Marami ba namang maglaway na mga lalaki dahil diyan suot mo kaya gusto niya sa tabi ka niya lang para maprotektahan ka."

"Bakit naman siya magseselos?" mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Kasi may gusto siya sayo. O baka nga hindi na lang pagkagusto nararamdaman niya sayo." Gusto kong maniwala pero bakit ganun.

"Ganyan rin ang sinabi mo saakin Zoey, dati. Natatandaan mo kung anong nangyari noon? Ayoko ng mamis-interpret ko ulit yun."

"Iba naman iyong noon sa ngayon. Saka alam kong noon nagsisinungaling lang siya. Hindi ko alam kong anong rason niya dati. Kung mali pa rin ako ngayon susuntukin ko na talaga siya para magising siya sa katotohanan. Pwede kayong maglokohan na dalawa pero hindi niyo maloloko mga nakapaligid sainyo. Tandaan mo yan!" Pagbabanta nito at iniwan ako sa gilid ng pool. Ano yun? Nakakatakot talaga ang babaeng iyon.. Susulong na sana ako sa tubig para sundan si Zoey ng biglang may humila saakin patayo. Nakita kong si Yohan pala ang humila sa akin. Seryoso naman niyang isinuot saakin ang robe na hindi ko alam na dala pala niya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya yun pero hinahayaan ko lang siya.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon