CHAPTER 6

20 0 0
                                    

Hawak kamay kaming pumasok sa mall, nasa gitna ang dalawang bata. Kung titignan parang happy family pero ang bata naming tignan. Maraming napapatingin sa dereksyon namin, kaya hindi ko na lang pinapansin. Tumitingin-tingin lang ako sa mga stall pero sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naramdaman ko naman ang pagkalas ng kamay ni Psyche kaya napatingin ako sakanya pero mabilis itong tumakbo.

"Psyche, dahan-dahan lang baka madapa ka." Nag-aalalang saad ko. Sinundan naman namin ito nang makitang sa isang teddy bear shop siya pumunta. Hinanap ko naman kong saan ito nagawi at nakita kong nakayakap ito sa isa sa mga human size teddy bear.

"Psyche. Halika dito, baka madumihan mo yan." Sabi ko dito. Tumingin ito saglit at bumalik sa pagyakap sa teddy bear.

"Mommy, gusto ko po nito." Malambing na sabi nito at nakapout pa ito. Parang sinasabing bilhin ko yun.

"Di ba may teddy bear ka pa bahay?. Saka akala ko ba damit ang bibilhin natin ngayon next time na lang yan." Pakiusap ko sakanya. Baka kasi magkulang yung pera ko gusto ko rin sanang bilhan si Eros para fair silang dalawa.

"Pero gusto ko po kasi nito. Baka po kasi bilhin na si teddy." -pagmamakaawa niya.

"Okay ganito. Mamili ka kung anong bibilhin natin ngayon yan or clothes mo?" Hindi kasi dapat sabay dahil baka maspoiled sila kung parating nasusunod ang mga gusto nila. Nagpout nanaman ito halatang ayaw mamili sa dalawa. Dahil parehong gusto niya.

"That's enough, ako ng bibili ng teddy bear mo." Narinig kong sabi ng nasa likuran ko. Hinila naman nito si psyche patayo at binuhat ang teddy bear. Kaya napabuntong hininga na lang ako. Hinawakan ko naman si Psyche at Eros para sundan ang daddy nila na nasa counter. Pagkatapos naman niyang magbayad humarap naman ito saakin.

"Ilalagay ko muna ito sa kotse. maglibot muna kayo, tatawagan kita kung nasan kayo." Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumingin naman kami sa may bookstore kung anong mga magandang bilhin. Habang tumitingin ng mga educational books para sa mga bata paminsan-minsan ko naman silang tinitignan, nakita kong tumitingin rin sila ng gusto nilang makitang libro.

"Mommy, gusto ko po nito." Napatingin naman ako sa hawak na libro ni Eros tungkol ito sa mga planet.

"Sige ilagay mo lang dyan sa basket natin." Sinunod naman nito ang sinabi ko at lumapit naman na kami kay Psyche. Hindi ko alam kong anong ginagawa nito.

"Psyche!" Biglang sabi ko sakanya nakatalikod ito saamin pero nang makalapit kami saka ko nalaman ang ginagawa nito. May kinukulayan ba naman ito at talagang binuksan niya yung crayons na nakita niya kung saan. Hindi pa naman namin nababayaran ang mga yan. "Amin na yan babayaran mo natin yan bago mo kulay okay." Tumango naman ito at ibinigay ang mga coloring books na gusto nito at talagang nilagyan niya na ng pangalan nito gamit ang crayons na pinangkulay niya. Biglang nagring naman ang phone ko kaya sinagot ko agad ito baka si Logan na.

"Where are you?"

"Nasa bookstore."

"Okay hintayin niyo ako diyan wag kayong aalis." Pinatay naman na nito ang tawag kaya nilagay ko na uli sa bag ko ang phone. Pagkatapos kong magbayad tamang-tama na nasa labas si Logan na naghihintay.

"Saan ang sunod nating punta?" Bungad agad nito

"Ahm sa kids store. Gusto kong bilhan ng damit si Eros at Psyche kasi." Tumango naman ito at binuhat si Psyche kaya ang hawak ko ang isang kamay ni Eros at sa kabila rin nito sa Daddy niya. Pagkarating namin sa store pumili naman na sila ng mga gusto nilang damit akala mo kung mga marurunong na pero maganda rin ang mga taste na kinuha nila puro mga dress ang pinili ni Psyche samantalang kasama ng daddy niya na pumipili ng damit rin ni Eros.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now