CHAPTER 16

17 0 0
                                    


It had been two weeks, simula nang makalabas ako nang hospital pinayagan naman akong mag-enroll kahit late na. It's my first day of classes, and I need to catch up on the lessons, which began 2 weeks ago. okay lang naman dahil nandiyan naman ang mga kaibigan ko para tulungan ako. Hangang ngayon hindi pa rin maalis ang mga panaginip sa isip ko. The saddest part of that, simula nang magkaroon ako nang malay dahil sa coma hindi ko na muling napaginipan ang mga magandang panaginip ko na iyon. Yun ang pinagdadasal ko tuwing matutulog ako nang gabi. Pinagdadasal ko na kahit isang gabi lang mapanaginipan ko sila at makapagpaalam man lang nang maayos kahit napakaimpossibleng mangyari.

"You okay?"- napatingin naman ako kay Zoey na tumabi saakin. It's my vacant at siguro vacant rin nito hindi kami magclassmate. "Kanina ka pa tulala diyan sa kinakain mo."

"Wala may naalala lang." tipid na ngiti ko sakanya pero alam niyang may mali dahil mukhang hindi ito naniniwala.

"You mean yung ikwenento mong panaginip mo noon." Hindi ako umimik dahil totoo naman. Baka kasi pagsinabi ko ma weirduhan na naman sila at baka masabihan ako na hindi maka move on. "Sorry kung mukhang naoffend ka sa reaction namin nung time na yun. Hindi rin kasi namin expected na sasabihin mo saamin yun, kaya akala rin namin ay joke mo lang yun or what. Pero nito mga nakaraang araw nakikita ko na mukhang malaking epekto nun sayo. Mukhang naging importante ang naging role nang mga yun sayo. Kung sino man sila they are your guardian angel dahil isa sila sa dahilan kaya nagising ka uli. Alam mo ba halos mawalan na kami nang pag-asa noong nacoma ka, dahil malaki ang tendency na sabi nang doktor sayo na maaring hindi ka na magising. Makina na lang ang nagpapagana sayo pero isang araw bigla gumalaw ang mga daliri mo that day we are all hoping na magigising ka na. Then the miracle happened, and you're awake now." Ngumiti naman ito para bang alam niya rin ang nararamdaman ko.

Kung tutuusin siya lang rin ang nasasabihan ko ng mga problema ko dahil bukod sa pareho kaming babae dalawa. Kapag kasi kasama namin yung dalawa binabae hindi naman sa hindi namin sila pinagkakatiwalaan pero may part saamin na kami lang talaga ang nagkakainitindihan. Ang hirap ipaliwanag pero alam yun ng mga babaeng tulad ko.

"Siya nga pala noong naaksedente ako may balita ba kayo sa nakabunguan ko?" Sabi kasi nila may nakabuguan rin akong kotse gabi rin yun.

"Sa pagkakaalam ko nadala kayo sa parehong hospital malapit sa Baguio pero inilipat ka rin kasi agad nang mga magulang mo kung saan ka nakaconfine noong nagising ka. Wala kaming balita dahil sinasabi ng magulang mo na sila an ang bahala sa nangyari. Bakit may balak kang magsampa ng kaso?" Tanong nito.

"Hindi naman noh, alam ko namang aksidente yung nangyari saka wala may gustong mangyari yun. I'm just curious kung okay lang ba siya or what." Hindi ko alam pero nag-alala rin ako kahit papaano. Siguro tulad ko marami ring nag-alala sakanya.

"Pero sa pagkakatanda ko noon. Sabi nang mga magulang mo mas critical ang nangyari sakanya. Ikaw na lang magtanong sa parents mo alam kong pinaimbestiga na nila yun. By the way pwede bang magpasama sayo sa mall mamaya may bibilhin kasi ako sa book store." Tumango na lang ako. Medyo na guilty tuloy ako ewan ko ba.

"Oo naman, miss ko ring pumunta roon."

***********

**********

Pumasok naman kami sa book store. Nagpaalam naman saakin si Zoey na maghahanap ng reference book kaya napag-isip ko rin ng maglibot rin hindi ko alam kung saan ako napadpad na section. Naghanap naman ako nang mga libro makakacatch ang attention ko at iniscan. Habang nakatingin lang ako bigla namang parang may nabungo ako kaya tinignan ko ito hindi naman ganun kasakit ang pagkakabungo ko sakanya dahil hindi naman ito nagreact. Doon ko na pagtanto ang isang batang lalaki seguro mga around 3to 4 years old nakaupo sa sahig at nakatalikod saakin mukhang busy ito sa ginagawa niya. Kaya hindi nito namalayang nabungo ko siya. Sinilip ko naman ang ginagawa niya at laking gulat ko nang kinukulayan ang mga iyon. Bigla tuloy naalala ko si Psyche. Nasaan naman kaya ang mga magulang nito? Umupo naman ako sa harap nito kaya napatingin ito nang nagtataka.

"Ahm, Hi! Mukhang maganda yang kinukulayan mo." Ngiti ko sakanya nakasingot pa rin ito at hindi ako pinansin tinuloy naman nito ang ginagawa niya. "Nasaan ang parents mo? Alam ba nilang nandito ka?" hindi pa rin ito sumagot tinignan ko naman ang kinukulayan niya halatang kakaalis lang nito sa lalagyan dahil nagkalat ang pinagwrap nito. Mukhang hindi pa rin nabayaran.

"Hala po Ma'am pasensya na ho pero hindi po pwedeng buksan ang mga libro nang hindi pa nababayaraan at lalo hindi po pwedeng sulatan."- Napalingon naman ako sa saleslady na nasa likod ngayon ng bata.

"Ahm, hindi ko siya kasama pero mukhang nawawala siya. Pwede bang hanapin ang parents ng bata baka nag-aalala na sila sakanya."

"Ganun po ba. Sorry po. Sige po, pwede po bang maghintay na lang kayo malapit sa may counter para makaupo kayo nang maayos."- Saleslady. Tinanong naman namin ang pangalan nito ang cute niya kahit nakasimangot na sinagot niya. It's Clade Sylvester C. Robertson oh di ba complete pa talaga.

"Baby, doon ka na lang magkulay mangangalay ka rito at para na rin makita ka nang magulang mo." Tumayo naman ito at dinala ang mga kinukulayan nito. Sumunod na lang ako sakanya. Pero bago yun pinakiusapan ko muna itong babayaran namin ang mga coloring book na kinuha niya ibinigay naman niya.

"Oh, bakit may kasama kang bata?" Biglang sumulpot naman ni Zoey sa tabi ko tinignan niya yung bata na busy pa rin.

"Mukhang nawawala pero inireport ko naman na." tumango naman ito. Pinacounter na rin nito ang mga binili.

"Where's my son?"... May babaeng maganda na mukhang nasa around 28 to 29. Mukhang alalang-alala ito at may hinahanap dumako naman saakin ang tingin or should I say sa katabi ko. Lumapit naman ito saamin. "Ikaw bata ka, bakit lumayo ka sa nag-aalaga sayo. Ang tigas talaga ng ulo mo manang mana ka sa pinagmanahan mo." Hindi naman ito pinansin ng bata pero mukhang narecognize niya kung sinong nasa harapan niya.

"Mama!" yumakap naman ito sa sinabing mama niya. Nakita ko namang napabuntong hininga na lang ang ina nito kahit naman gaano pa katigas ang ulo nang anak mo. Alam mong sa sarili mong mahal mo ito at nag-alala ka.

"Ikaw bang nakakita sa anak ko?" tanong nito ng mapaharap saakin. Tumango naman ako bilang pagsagot. "Thank you. Ilang beses na rin itong nawala pasaway talaga ito. Bye the way I'm Jhoanne." Inabot ko naman ang kamay nito para magpakilala rin.

"Missy po at kaibigan ko po si Zoey."

"Salamat uli." Patalikod na sana sila nang maalala kong may nakalimutan sila.

"Ahm, Nakalimutan po pala ni Clade." Inabot ko naman ang coloring book nito.

"Hala, ikaw talaga bata ka kumuha ka nang hindi mo pinapaalam di ba sinabi ko kapag hindi sayo ipaalam mo muna." Pangangaral nito nakasimangot lang si Clade. "Nabayaran na ba ito?"

"Huwag po kayong mag-alala nabayaran na po iyan."

"Magkano? Babayaran ko." Balak nitong maglabas ng wallet pero pinigilan ko ito.

"Okay lang po, mura lang naman ho iyan."

"Sigurado ka ba diyan? Thank you again, and I hope to see you soon so I may repay your generosity." Pinagmasdan naman namin silang umalis bago nagyaya itong kasama ko na kumain.

"Hindi ko alam na ganyan ka kabait ah." Ngumiti lang ako ewan ko ba simula nang magising ako marami na raw nagbago saakin sabi nang mga kaibigan ko dahil sila ang madalas kong kasama lalo na si Zoey. Alam ko naman yun sa sarili ko saka hindi naman ako nawalan ng memory yun nga lang nagdagdagan yun. Hindi ko alam pero hindi ko na maalis sa isip ko yung mga panaginip ko. I considered them as a dream dahil alam kong hindi na magkakatotoo yun. But part of me I wish it's all real.

"Bukas pala may game sa school ng basketball gusto mong sumama? Manunuod kami ng mga bakla." Napatigil naman ako naalala ko nanaman tuloy si Logan and his team. Feeling ko talaga totoo lahat ng napanaginipan ko.

"What time?" maikling sabi ko. Mukha naman itong nagulat yah! hindi talaga ako mahilig manuod ng sports pero ngayon ewan ko ba I want to watch a game.

"Seryoso ka? Well kung ganun 4pm ang game" tumango naman ako. Pero..

"Malilate ako nang 30mins okay lang kaya yun?" Tanong ko.

"Ano ka ba okay lang ireserban ka na lang namin." Tumango ako. 4:30 kasi ang out ko. Pagkatapos naman naming kumain inihatid niya akong umuwi dahil hindi pa ako pwedeng magdrive actually nagpapasundo lang ako sa driver na hinire ni Mommy. Pero ngayon sinabi kong may maghahatid na saakin kaya hindi ko na ito pinapunta. 

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن