CHAPTER 26

4 0 0
                                    


"Are you ready?"
napatingin naman kay mommy na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng sinabi niya yun. Wala namang dapat ikabahala but why I feel something will...I can't also explain, bahala na dadalaw lang naman. "Michella?" tawag ulit nito. Haist bakit ba nabobother ako?

Sumunod ako kay mommy ng makababa na ito sa sasakyan. Hindi ko pa man nakita kung sinong ipinunta namin pinagdarasal ko pa rin na sana magising na siya. Wala naman may gusto sa nangyari alam kong marami pa rin siyang pangarap tulad ko. Iyon ang sabi kasi mommy saakin na tulad ko ay nag-aaral pa rin ito. Kung sakali nang magising na siya sana maging lesson na ito sakanya hindi ako magsasampa ng kaso pero hindi ibig sabihin nun ay kalilimutan ko ang nangyari.

"Michella, anak. Sa may lobby muna tayo dumaan nandoon kasi ang father niya." tumango ako bilang sagot naiindihan ko naman kung anong ibig sabihin ni Mommy. Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad hindi rin naman alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na namalayang tumigil ito at bigla itong may inapproach itong lalaki. Kung titignan mukhang matagal na silang magkakilala dahil hindi basta-bastang nakikiusap si mommy sa kung sinu-sino, satingin ko magkasing edad lang sila ni daddy. Pero hindi ko alam kung bakit parang familiar siya saakin.

"Muntik ko ng makalimutan. Si Michella pala." Sa wakas at humarap naman na sila akin. Pero sa pagharap niyang yun doon ko napagtanto kung sino ito. Hindi ako pwedeng magkamali, ngayon lang kami personal na nagkita pero alam kong kilala ko siya. "Si Mr. Lance pala, ang personal secretary nila/schoolmate ko noong college." Bahagya naman itong yumuko para magbigay galang kaya ginaya ko rin ang ginawa nito.

"Kinagagalak ko kayong makilala, Miss Michella. Nakalulungkot lang at sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala." Bakas sa boses nito ang lungkot at naiintindihan ko kung anong ibig nitong sabihin. Tipid lang ako ngumiti dahil kahit ako hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Pero ang pinagtataka ko lang bakit nandito siya? Anak ba niya ang nakabanga saakin. Pero sino yung tinutukoy niya kaninang NILA?

"Siya nga pala nasaan ang kwarto niya? Gusto lang naming makita kung anong sitwasyon niya ngayon." Si mommy na ang natanong tutal siya naman ang nakakaalam.

"Madalas ako ang nagbabantay rito. Minsan lang dumalaw ang pamilya niya rito dahil masyadong abala ang ito sa negosyo nila sa Lungsod. Pero maiintindihan mo rin kailangan nilang kumayod para may panggastos sila rito kaya ako ang pinagkatiwala nilang magbantay." May binuksan naman itong kwarto na satingin ko hindi lang ordinary na room kunti isang pang VIP. Malaki ang sala nito at hindi mo aakalain na nasa hospital ka dahil para kang nasa hotel ang mga gamit ay halatang mga mamahalin. White and gold ang kulay na madalas makikita mo loob ng kwartong ito. Akala ko nung una pagkapasok mo makikita mo na agad ang pasyente pero nagkamali ako dahil may binuksan muli itong pinto. Ano yun,sa kwarto may kwarto ulit?

Pagkabukas nito ng pinto hindi ko alam kung bakit hindi agad ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Dahang-dahan naman akong lumapit hangang sa makita at makilala kung sino ang nakahiga sa kama. Maraming nakakabit ritong aparato sakanya sa unang tingin hindi mo ito makikilala hangang sa pamilyar na ito saakin. Bakit at Paano? Bakit siya nandito? Sino yung madalas kong makasama? Ang daming tanong ang nasa isip ko. Hindi ko maintindihan. Impossible.

Hindi ako makapagsalita dahil na rin sa gulat . hindi ko alam kung anong una kung sasabihin pero sa dami ng gusto kong itanong isa lang ang nasabi ko.

"Logan?" mukha namang nagulat sina mommy at Mr. Lance. Dahil hindi nila inaasahan ang sinabi ko.

"Kilala mo si Logan?" nagtatakang tanong ni Mr. Lance. Sasabihin ko ba pero alam kong hindi naman kapanipaniwala kung sasabihin ko ang totoo sakanya.

"Opo, pero mahabang kwento po." Alam kung hindi ito kumbensido sa sinabi ko pero hindi naman na ito nagtanong at ayaw ko ring magpaliwanag pa. Pero kung nandito si Logan "Hindi po ba dapat nasa University siya ngayon? Sino po yung pumapasok sa University?" hindi ko namalayang nalakasan ko ang boses ko. Akala ko hindi nila maririnig pero mukhang mali ako.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now