CHAPTER 18

18 0 0
                                    


Naisipan kong maggrocery ngayon dahil nakita ko ang stock ko sa cabinet na malapit nang maubos ang mga nagrocery ko, once a week lang akong magrocery. Binili ko naman lahat ng kailangan ko. Nakabalik na rin ako sa pagdrive, noong una hindi pa ako pinayagan ni Mommy but I promise to her na hindi ako magiging kaskasera saka yung nangyari naman dati ay aksidente yun.

Tinignan ko naman kong wala na ba akong nakalimutang bilhin nang masatisfied na ako saka na ako pumunta sa counter. Habang naglalakad napapatingin ako sa mga store na nadadaanan ko malay mo may makita akong magustuhan ko ewan ko ba para bang iba na rin gusto ko ngayon. Noon kasi kahit hindi ko kailangan bibilhin ko kumbaga waldas lang ako ng waldas pero ngayon mukhang naging responsible na rin ako at tinutunan ko na ring magluto nagreresearch ako tapos gagayahin ko na lang. Nagulat nga yung mga kaibigan ko nang ipinagluto ko sila.

Napatigil naman ako sa isang store ng mga figurines. My gaze was drawn to something, which I then remembered. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala uli ang panaginip na yun. No! Missy panaginip lang yun wag kang magpaapekto. Kanina ko pa pinagsasabihan ang sarili ko habang nakatitig pa rin sa cupid na figurine. And reminiscing the moment. Dapat wala lang yun, makakalimutan mo rin lahat nang yun. Dahil hindi naman yun totoo

"Mommy gusto ko po yung Angel na yun." Biglang turo naman ni Psyche. Kaya napatingin naman ako. Mga figurines?

"Psyche, wala kang gagawin diyan at hindi natin kailangan yan. Anong sinabi ko sayo dati. Kung hindi mo magagamit wag mong bibilhin. Nakalimutan mo na." Paliwanag ko sakanya.

"Pero gusto ko po niyan. Gusto ko po siyang ilagay sa room ko tapos sa room ni Eros para po may guardian angel po kami na nagbabantay." Pamimilit nito. Napabuntonghininga na lang ako. Missy! Hindi totoo yun get over with it. Napailing na lang ako sarili ko. Nasa realidad ka na. Paalis na sana ako nang biglang may nakaharang pala daraan ko bigla naman akong kinabahan dahil ngayon uli kami nagkita ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang maencounter namin ang isa't isa. Pinagmasdan ko naman ito dahil hindi naman ito nakatingin saakin instead sa figurines na tinititigan ko kanina. Does he know anything? Nakita kong napakunot lang ito para bang may inaalala. Naramdaman niya atang may nakatingin sakanya lumingon ito at lalong kumunot ang noo nito.

"What are you doing here? Did you follow me again?" Masungit nitong sabi, napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Huh! Ngayon masasabi kong ibang-iba ang nakilala ko sa panaginip ko. Mas gusto ko pa ang ugali nung nasa panaginip ko kahit hindi totoo. Kaysa yung totoong kaharap ko ngayon.

"Bakit? Ikaw lang bang pwedeng pumunta ng mall. Hindi rin makapal yang mukha mo. Noh!" Pagtataray ko. Kung noon hindi ako nakabawi sa ginawa niya hindi na ako papayag ngayon na api-apihin niya ako.

"I just taught that your still stalking me." Ngisi naman nito kaya inirapan ko ito.

"Hindi ka rin mayabang noh!. For your information wala akong pakialam sayo. Diyan ka na nga." Paalis na ako nang may sabihin uli ito.

"Kaya pala nang makita mo ko para bang ang tagal mong hindi ako nakita. As if you missed me that much."

"Ow! I'm very sorry. I mistakenly assumed you were someone I knew, but I now see that you are quite different from him. I wasn't thinking clearly that day." Nakita ko naman ang amused sa mukha nito kaya napaiwas na lang ako. Kinuha ko naman yung tinitignan ko dahil balak ko siya bilhin. Hindi ko alam kung bakit.

Pinacounter ko naman na ito pero hindi ko inaasahang kasunod ko si Logan. Tinignan ko naman yung hawak nito and just like me may dala rin itong cupid nagtataka tuloy ako pero hindi ko na lang pinansin at nagmamadaling lumabas. Ayoko na uli siyang makasalubong. Dahil hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko nabungo tuloy ako sa kung sino.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon