CHAPTER 12

27 0 0
                                    


"Good Morning po Mommy!!"
Hyper na rinig ko kay Psyche mukhang maganda ang gising nito dahil. And speaking of, gigisingin ko pa lang sana sila pero mukhang hindi na kailangan.

"Mukhang good mood kayong dalawa ngayon." Ngiting sabi ko sakanila lumapit naman ang mga ito at hinalikan ako sa pisngi bago umupo sa dining para kumain.

"Sabi po kasi ni Kuya Eros na maging good na po dapat kami dahil magiging big girl and big boy na kami." Tumango naman ako pero natutuwa ako sa mga naiisip nila para bang hindi na sila bata kung mag-isip although si Eros lang naman ang matured buti at nahahawaan rin ni Psyche pero para bang mas gusto kong ganito sila yung iniisip nila ay ang pagkabata lang nila at mag-enjoy pa sila sa pagiging bata.

"Ganun ba, ang very good naman ng mga babies ko kung ganun. Sige kumain muna kayo para makaligo na kayo." Tumango naman sila. Tinignan ko naman sila habang kumakain si Eros na seryoso lang na kumakain samantalang si Psyche na makalat kumain. Maya-maya ay kinuha nito ang table napkin at pinusan ang sarili at nagpatuloy pa ring kumain. Inihanda ko naman na ang mga baon nila at pati na rin ang saakin.

"Mommy pwede po bang ibaunan niyo rin po si Daddy?" Inosenteng sabi ni Psyche.

"Bakit naman? for sure bumibili na ang daddy niyo sa school nila."

"Pero po kasi hindi naman po niya nauubos yung pagkain niya, tapos po minsan hindi raw po siya kumakain." Nagulat naman ako ng sinabi yun ni Eros.

"Kung ibabaunan ko naman siya baka hindi niya rin ubusin." Kung yung binibili nga hindi niya inuubos ano pa kaya yung luto ko.

"Hindi po... Uubusin niya po yun kasi kayo po ang nagluto."masiglang sambit nito.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi po nung minsan pong binaunan niyo po kami ni Eros hindi po namin yun nakain kasi po naglibre po yung mga kateammates ni Daddy kaya po sumama kami tapos po maraming pagkain doon kaya nabusog na po kami. Saka naalala po namin na may binaon po kayo saamin, si Daddy po ang kumain nun inubos niyang pareho yung baon namin ni Eros." Paliwanag ni Psyche, naalala ko naman yung araw na yun dahil akala ko nasarapan sila baon nila dahil nasimot talaga. Pero baka naman naiisip niya lang nung araw na yun kaya niya inubos baka magalit ako sa mga bata o kaya naman ay nasasayangan lang siya.

"Saka po kadalasan hinahatian po namin siya sa pagkain namin kahit kulang namin ni Psyche. Kaya baunan niyo na po siya para po hindi na siya makikihati saamin." Nakasimangot na sabi ni Eros.

"Oo na, sige na maligo na kayo." wala na akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi nila.

^^^^^^^^^^^^^^^^

Inayos ko naman ang mga gamit nila papuntang school. Mamaya ko na lang ihahatid ang baon nilang lunch, dahil doon naman na sila sa daddy nila kukumakain. saka babalik rin ako dito sa bahay dahil nag txt ang kaklase ko na may tour daw ang teacher namin at yung isang subject ay may ipinapagawa lang na activity hindi na kami imemeet kaya sa hapon na lang ako makakapasok. Isang subject pero 2 hours naman.

"Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ko sakanila bago kami umalis baka may nakalimutan na naman hassle pa naman kung babalik ka uli sa bahay.

"Mommy pagkatapos niyo po ba sa school, magshoppning po tayo?" tanong naman ni Psyche. Isa rin kasing ibig sabihin ng shopping kay Psyche ay hindi lang bibili ng mga gamit kundi kakain na rin at maglalaro. gusto niya all around na.

"Tignan natin kung may time pa, kung maaga akong makarating saka tayo pupunta sa mall pero kung medyo magagabihan ako next time na lang, okay?" tumango naman si Eros pero si Psyche mukha ayaw ang idea na yun dahil walang kasiguraduhan.

"Kahit bili lang po tayo ng coloring books ko mommy, sige na." pagpipilit nito. napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito.

"okay, basta dalawa or tatlong coloring books lang ayus ba yun?"

"Mommy ako rin po gusto ko ng books tapos drawing notebook." habol naman ni Eros.

"Okay, pero kung wala ng budget si mommy tig-iisa lang muna." sabi ko sakanila para hindi sila masanay na nabibili ang gusto nila agad-agad. Tumango naman sila bilang pagsangayon. Buti na lang at naiintindihan nila ang sitwasyon namin ayokong maspoil sila baka lalo silang magtanrums lalo na si Psyche hindi mo maintindihan minsan.

*********************

*********************

Present time

"Hoy! Bakla gumising ka na, miss ka na naming haliparot ka."

"Di na kami galit sayo."

"Bakla! Gumising ka na, hindi ikaw si Sleeping beauty wala kang prince charming, charot mo." Nasa kwarto ang mga kaibigan ni Missy dito sa hospital. Linggo-linggo nila itong dinadalaw, kahit binibiro nila ito ng kung anu-ano sa loob nila ay gusto na rin nilang magising ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula ng maaksidente ito may part sa kanila na sinisisi nila ang mga sarili sa nangyari kung bakit narito ngayon ang kaibigan. Pero sabi nga ng magulang ni Missy what has been done has already been done. Walang may gusto na mangyari ang aksidente at hindi naman galit ang magulang nito sa mga kaibigan niya.

"Alam mo Missy kapag nainis ako sayo, ipapahalik kita dito kay Gabriella." Sigunda naman ni Zoey habang patuloy pa rin nilang binibiro ang kaibigan kahit tulog. Ayaw nilang mag-iyakan dahil for sure hindi magugustuhan ni Missy. But at least right now, they are just waiting for her to wake up.

"Yuck ka bakla, kilabutan ka nga." At mukhang diring-diri pa si Gab sa pinagsasabi ng kaibigan. Nagtawanan lang ang mga ito. Napansin naman ni Zoey na gumalaw ang daliri ni Missy kaya pinatahimik nito ang mga kaibigan.

"Nakita niyo yun."

"Oo bakla, Syempre nakita namin kasi may mata siguro kami kaya nakita namin na gumalaw yung daliri niya." Inirapan lang nito ang sinabi ng kaibigan dahil kahit minsan walang kwenta ang mga pinagsasabi nito mga ito. Pero alam niya kung ano ang totoong nararamdaman ng mga kaibigan. Exicited na rin silang makasama muli si Missy and by that time I swear hindi ko hahayaang mangyari uli sayo ito Missy. Sabi sa loob-loob ni Zoey habang nakahawak sa kamay ng kaibigan.

***********

To be continued.... 

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon