CHAPTER 36

2 0 0
                                    


"Anong ginagawa na naman niyan dito?"
nguso ni Zoey ng makita niya ang mahimbing na natutulog na si Lucy. Napatingin rin ako kay Lucy bago sagutin si Zoey.

"Ano ka ba? Bisita ko yan. Wag ka nga bastos diyan. Sa sala na tayo mag-usap." Nauna naman itong lumabas kaya inayos ko ang higaan ko. Magkatabi kaming natulog kagabi dahil wala naman akong bakanteng kwarto hindi gaya sa dati kong apartment yun nga lang mas malaki itong nakuha kong bagong apartment lalo na sa kwarto.

"So ano ngang ginagawa niyan dito? At kailan pa kayo naging close na dalawa?" masungit na sambit nito. Akala mo naman kung sino.

"Sira, alam mo yung dating nabutan mo rin siya sa dati kong apartment. Mukhang ganun ulit ang nangyari ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil wala naman ako sa posisyon para makisawsaw sa buhay niya."

"Sinasabi mo na wala ka sa posisyon para makialam kung anong nangyayari sakanya. Pero paano naman Missy kung pinaghahabol pala yang babaeng yan. Di ba nga may mga gusto kong kumuha sakanya? Paano kung madamay ka ng hindi mo alam ayokong may mangyari nanaman sayo dahil sa babaeng yan." Galit na turan nito. Alam kong concern lang siya.

"Intindihin muna natin siya alam kong hindi pa ganun ang tiwala niya sa iba."

"Kung wala pala siyang tiwala sayo bakit pa siya nandito? Para ano? Para idamay ka lang, tapos aalis nanaman siya na parang walang nangyari."

"I'm sorry if I drag you into this mess." Nagulat naman kami ng biglang may magsalita sa likuran namin. Nakita namin roon si Lucy na nakatayo at halatang kanina pa ito gising dahil mukhang narinig niya lahat ng pinag-uusapan namin. Walang mababahid na galit o sama ng loob sa mga sinabi nito pero makikita ang lungkot at takot nito.

"Lucy ̶ "

"Zoey's right. I'm sorry kailangan ko ng umalis. Ayaw ko na kayong madamay pa. Thank you ulit dahil pinatuloy mo ako rito." Nag-aalalang tumingin naman ako sakanya. Satingin ko wala itong mapupuntahan ngayon dahil in the first place hindi naman siya pupunta rito kong may tao talaga itong magpapakatiwalaan. At ako na hindi naman niya kaibigan ang una niyang nilapitan. May nagtutulak saaking pigilan ko siyang umalis.

"Dito ka na muna pansamantala, alam kong wala kang mapupuntahan. Yung mga narinig mo galing saakin, nasabi ko iyon dahil yun sa pag-aalala para sa kaibigan ko na para ko na ring kapatid si Missy. Ang akin lang dahil damay na rin kami dito sana naman alam namin kung ano talagang nangyayari. Hindi kita pipilitin na sabihin ngayon. Pero sana pagkatiwalaan mo kami para alam namin kung ano pa ang pwede naming maitulong sayo. Ayaw rin kitang pabayaan ng ganito lang dahil kargo de consensya ko na rin ito kung may nangyaring masama sayo." Naantig naman ang puso dahil sinabing iyon ni Zoey. Masasabi kong sa mga ganitong bagay lumalabas talaga ang pagkaate niya. Alam kong narinig niya ang lahat ng sinabi nito, hindi lang ito umiimik.

Hindi nga naming tuluyang pinaalis Lucy. Alam naming hindi pa rin ito komportable saamin pero gumagawa kami ng paraan para masanay siya. Tulad na lang ngayon na nagsasagutan sila ni Zoey dahil kung ito lang yung way namin para makausap namin siya ng matagal gagawin namin.

"Ang sabihin mo nilandi mo talaga dati si Zeus kaya kayo naghiwalay ni Logan." Prankang saag nito hindi nga alam kong anong pinagtatalunan nila. Ang alam ko lang naman napinag-away nila ay iyong ulam paano napunta na rito ang usapan?

"Hindi ko siya nilandi. Nakaplano talaga iyon at alam iyon ni Zeus.Yan ang hirap kapag sa chismis niyo lang nakalap ang balita. Lalo tuloy nasisira ang pangalan ko dahil mali-mali ang ikwenekwento tungkol saakin. Saka hindi si Zeus ang dahilan kaya kami naghiwalay. " Depensa naman ng isa. Napatingin naman si Lucy saakin. Kaya nagulat ako.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon