CHAPTER 3

20 0 0
                                    

Three weeks had passed, and I was still trying on accepting the situation, but there were certain things I couldn't explain and understand until now.

"Mommy,, hindi po ba tayo pupunta kanila Daddy." Pangungulit saakin ni Psyche. Weekend ngayon kaya expected niya na pupunta uli siya sa daddy niya. Ako naman halos hindi ko na siya maharap dahil sa dami ng ginagawa ko at mga project pa sa school.

"Not now Psyche, wala si Ate Martha mo. Walang maghahatid sayo dun." Sabi ko habang nakatingin ako sa laptop ko dahil nag-iencode ako para sa assignment namin sa school.

"Sama na lang kayo.. dun niyo na lang po yan gawin, yang ginagawa niyo." Kulit pa rin nito. Nakayakap na ito sa bewang ko habang nakasquat ako sa ibabaw ng kama ko.

"Ganito na lang, tatawagan ko ang daddy mo at susunduin ka rito. Okay ba yun?" - sabi ko sakanya. Nagpout naman ito saakin pero kalaunan tumango na lang ito.

"Bakit hindi na lang po kasi kayo sumama? I'm sure miss na kayo ni Eros. Noong nakaraan hindi kayo sumama saamin kaya nagtatampo si Eros he told me na hindi ka raw tumupad sa promise." Nangungunsenya nito.

"I'm sorry, sabihin mo sakanya next time na lang kasi busy si mommy masyado sa school. Okay!" Kinuha ko naman ang phone ko sa tabi ko at hinanap ang no. Ng daddy niya. Ilang ring bago nito sagutin ang tawag at mukhang hingal na hingal ito.

"Hey, what's wrong." Bungad nito saakin kaya napakunot naman ang noo ko.

"Ahm. Logan, pwede bang sunduin mo sa apartment ko si Psyche. Gusto kasi niyang makita ang kambal niya." Sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung nasaan ito.

"Sorry, hindi ako makakapunta diyan. May practice kami ngayon. Nasa university ako. Ipahatid mo na lang si Psyche doon. Nandun lang naman ang kapatid niyang mag-isa. " sabi nito.

"What!? Nasaan ang Nanny ni Eros? Bakit wala siya kasama doon? Paano kung may nangyari masama sa bata? Sana pinunta mo na lang dito sa apartment ko." Galit na sabi ko. Bakit ba kasi pinapabayaan niya ang bata.

"Hey, walang mangyayari sa kanya dun. Saka sabi naman niya he can handle himself. So, no worries. Nilock ko ang pinto walang makakapasok dun saka hindi niya rin alam ang password ng unit ko." Kampanteng sagot nito. Pero lalo akong nanainis sa sinabi niya. How can this man is so irresponsible.

"Kahit na! Hindi mo pa rin sana siya iniwan ng mag-isa doon. Pupunta kami doon ngayon ibigay mo saakin ang password." - wala naman itong nagawa kaya binigay na niya. Kinuha ko ang mga kailangan ko at dinalhan ng extra na damit si Psyche pati na rin ako.

...........

14****...Click!...

Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami ni Psyche sa loob. Tahimik sa loob ng Unit kaya bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib. Nasaan si Eros?..

"Eros? Eros? Nasan ka?" - sigaw ni Psyche. Bigla namang lumabas si Eros sa kwarto niya. At biglang piniga ang puso ko ng makita ko siyang naiiyak na.

"Mommy!!" Sabi nito saakin at niyakap ako sa binti. Napakagat naman ako ng labi ko at binuhat siya. Tuluyan na itong umiiyak at nakayuko lang sa balikat ko. Gusto kong kutusan ng mga oras na iyon ang tatay niya dahil sa inis. Iniwan niya ng mag-isa ang bata sana dinala na lang niya sa University nila.

"Hey, tahan na. Sorry.. I'm sorry, nandito na si Mommy.shhhh. tahan na, anak. " Naiiyak ng marinig ko ang mahina nitong hikbi sa aking balikat. Naguguilty rin ako dahil alam kong may kasalanan rin ako. Humihikbi pa rin ito at nakayap ng mahigpit saakin para bang ayaw ako nitong bimitawan.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now