CHAPTER 31

3 0 0
                                    


I still love you; please come back to me.


Sorry, but I'm already in love with someone.Malungkot akong napangiti at umalis para hindi nila makitang naroon ako. Kahit narinig kong sinabi niyang mahal niya ako alam ko kung ano ang totoo. Alam kong hanggang ngayon nalilito pa rin siya sa nararamdaman niya. Inaamin kong nahuhulog na ako ng tuluyan sakanya pero ayokong ipagsiksikan ang sarili ko dahil alam kong masasaktan kaming pareho. I'm sorry, Logan.

Napabalikwas ako ng gising dahil sa panaginip na madalas kong mapanaginipan. It's not actually the senario but instead the person. Napabuntong hininga na lang ako dahil madalas ko silang mapanaginipan. It's Logan and Lucy as if it's really real. Hindi ko alam bakit sila pa. Hindi ko rin alam bakit tuwing nagigising ako may kirot dito sa dibdib ko. Am I hearting too?

"Maaga kang nagising, Ayos ka lang? Bakit may luha ka sa pisngi mo?" Napatingin naman ako kay Zoey na nag-aalalang nakatingin saakin. Kinapa ko naman ang sinasabi nitong luha sa pisngi at tama nga siya. "May masakit ba sayo? May nangyari ba?" sunod-sunod nitong mga tanong. Tipid lang akong ngumiti at umiling.

"Kung may problema ka sabihin mo lang ah. Please, wag mong sinasarili ang mga problema mo. Ayoko ng bumalik ka pa sa dati." Hindi pa rin maalis ang pag-alala nito.

"Huwag kang mag-alala, wala lang iyon. It's just some thoughts that won't go away." Pambabalewala ko.

"Okay, sabi mo yan ah. By the way pinakialamanan ko na yung mga nasa refregirator mo. Nagluto na ako ng agahan natin."

"Ayos lang. Maghihilamos muna ako tapos susunod na akong kumain sayo." Umalis naman. Nagtataka kayo kung bakit madalas nakikitulog itong best friend ko sa apartment ko. Sinusulit kasi namin habang hindi pa kami hassle masyado sa pag-aaral. Inayos ko naman na ang sarili ko at lumabas na. Nakita ko itong nakaupo sa may sofa habang kumakain at nanunuod ng kung ano. Napailing na lang ako sakanya dahil hindi yan sanay na kahit umaga hindi magheheavy meal pero hindi naman tumataba. Kumuha na rin ako ng makakain ko at tinabihan ito.

"Ano yang pinapanuod mo?" hindi naman kasi ako mahilig manuod.

"It's my favorite morning show. 5 days Anniversary ng show ngayon kaya nag-invite sila ng mga bigating guest nila actually ininvite na ang mga dating group ng The Fame. Nauna na nga yung iba noong nakaraan araw hindi ko napanuod ng live kaya pinanuod ko na lang sa Youtube. Ngayon ang guest naman nila ay si Ellesse and Wyn dating magkasama industry pero ngayon couple na. Tapos bukas naman ay ang pinaka last at highlight ng group at mga dating leader ng group nila nacouple na rin. Si Gette at Zephyr." Tumango na lang ako kahit hindi ko naman masyadong kilala yung binabanggit niya. Well kilala ko naman yung babae dahil madalas ko siya makita sa iba't ibang magazine. Alam kong model ito pero yun lang.

"Alam mo bang matindi pala ang mga pinagdaan nila. Kaya pala sila ang ginawang guest sa anniversary ngayon ng Morning Show kudos sa show na ito dahil inireveal nila lahat yung mga hindi alam ng mga fans nila dati. Excited tuloy ako bukas para sa highlight guest."

"Alam mo ba ang kwento nitong dalawang couples na ito. Dati na pala silang magfiance na nagbreak, dahil sa career kailangan nilang magsaccrifice. Tapos si ate girl one time na feel niya kahit napakasuccessful na raw niya ay bakit parang may kulang sakanya. Tapos napanaginipan niya na may masayang siyang family raw pero hindi niya makita kung sino yun. Sabi niya sa sarili niya na gusto niyang magkatotoo yung panaginip niya hindi dahil masaya dahil hindi naman siya naniniwala na kailangan parating masaya. Gusto niyang mafeel yung contented, yung satisfaction. Kaya ang ginawa niya naghanap siya na pwedeng suited na maging husband pero sa tagal na kakahanap niya sa dating fiance niya pala makikita. Di ba ang cool lang." masayang kwento nito. Halatang naaadmire siya sa kwentong pinanuod niya. "balang araw makikita rin natin yung para saatin talaga at naniniwala ako doon. Ikaw,satingin ko naman nakita mo yung para sayo."

"Satingin mo rin. Nakita ko na talaga?"

"Ano ka ba, nakita mo naman na talaga ang para sayo. Ang kailangan mo lang ipaglaban mo yung nararamdaman mo. Hindi ba dati ikwenento mo rin saakin na nanaginip ka na may sarili ka na ring pamilya. Baka siya na rin talaga yung para sayo. Malay mo." Natatawang napailing naman ako sakanya dahil masyado rin itong umaasa. Hindi na nga naniniwala sa mga ganyang bagay. Saka yung panaginip ko dati ay kay Logan na sana si Yohan na lang talaga yun.

"Ano ba yung napanaginipan mo kanina? Para kasing ang lungkot mo ngayon ulit kita nakitang umiyak." Natahimik naman ako ng maalala ko ulit yun kanina. "Oh, malungkot ulit yang mukha mo."

"Ewan, madalas kasi akong managip tapos hindi ko makalimutan hanggang pagkagising ko. Ang weird nga dahil alam ko mula umpisa hanggang huli." Nakita ko namang napakunot ito ng noo waring may inaalala.

"Alam mo may ibig sabihin yung mga ganya. May nabasa na ako noong nakaraang araw tungkol sa ganya. Wait lang, hanapin ko sa facebook ko. Alam ko nilike ko yun eh. Hindi ko alam kung kailan araw yun. Hanapin ko sa activity log." Seryosong sabi nito kaya tinawanan ko lang ito. Ganya kasi siya talagang ipipilit nito para lang ipakita yung nakita raw niya or nabasa niya.

"Sige lang, take your time." Nakita ko naming seryoso ito sa ginagawa niya at nakalimutan niya na yung pinapanuod niya.

"Ito oh." Pinakita naman niya saakin ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung quotes ba yun. Pero nakalagay doon

Dream facts: If you remember your dream after you wake up... then it wasn't a dream.. it was a message.

Hindi ko alam kung maniniwala ako pero bigla akong kinabahan.

"Natulala ka diyan, Naniniwala ka?"

"I don't know." But part of me what if ..it wasn't really a dream.

Don't forget our game today.

I'll wait you there.

I hope you'll be there.

Please.

Ibinalik ko ang phone sa bag ng patago. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng prof. naming na gumagamit ng phone during class kahit alam kung bawal. Pero kasi hindi ko maiwasan dahil vibrate ng vibrate ito at sunod-sunod ang message sa iisang tao. Sino pa ba. 

Today is Friday at wala naman kaming gagawin masyado dahil kaiistart pa lang ng klase namin pero iniisip ko na agad ang prelim ulit namin. Every month na naman ang exam. Minsan ayoko ng maging studyante pero wala na akong magagawa. Iniisip ko na lang na mamimiss ko rin ito kapag grumaduate na kami.

Bigla nanaman naalala ko yung message na natanggap ko hindi ko alam kung pupunta ako. Actually nahihirapan ako kung sinong pupuntahan ko. Nagmessage kasi kanina si Yohan na magkita kami at may sasabihin nga siya pero biglang nakatanggap ako ngayon ng message ni Logan at pinaalala niya yung game nila na nakalimutan ko na talaga. Hindi ko alam kung sinong uunahin ko.

Wala naman akong magawa. Hindi ko na rin maiintindihan ang dinidiscuss ng prof. naming dahil hindi talaga akong makapadecide kung sinong pupuntahan ko. Bigla naman may sinulat ako sa likod ng notebook ko at narealize ko kung anong sinulat ko doon. Ang place kung saan kami magkikita ni Yohan. Nacurious ako kung anong sasabihin niya saakin but at same time kinakabahan kung anong pwede niyang sabihin. Alam kong importante rin yung kay Logan pero sana maintindihan niya.

Lord kayo na pong bahala saakin sana maging tama ang desisyon ko. 

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now