CHAPTER 30

1 0 0
                                    


"Hindi ka ba naiilang? Pinagtitinginan na tayo."
Nalilitong saad ko. Tinignan naman ako nito at bumaling sa paligid para bang wala itong pake kung pinagtitinginan kami ng mga studyante.

"Naiilang ka bang kasama ako?"

"Hindi sa ganun.."

"Saakin naiilang ka samantalang nang lapitan mo ako noong napagkamalan mo si Yohan na ako hindi ka nahiya." Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi nito dahil kung tutuusin totoo ang sinabi niya. "lalo ko lang tuloy nakukumperma na hindi lang basta-basta ang pagkagusto mo kay Yohan. Ganun na ba kahuli ang lahat?"

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Logan. Nalilito ka lang sa nararamdaman mo saakin. Huwag mong pilitin ang nararamdaman mo dahil baka isang araw maalala mo lahat ng nangyari sayo malalaman mong hindi pala ako ang totoong gusto mo. Tumingin ka lang sa paligid mo at makikita mo kung sino talaga ang totoong nararamdaman niyang puso mo." Simula ng magising siya parati niyang sinasabi na may gusto siya saakin na hindi lang pagkagusto pero mahal na raw niya ako. Pinipilit niyang ako ang girlfriend niya pero alam ko naman talaga kung anong totoo. Bigla ko ulit naalala si Lucy. Noong napagkamalan ako ni Logan na girlfriend niya nakita ko ang sakit na naramdaman niya sa mga mata niya. Mula noon hindi ko na rin siya nakita pa.

"Parati mong sinasabi iyan nakakasawa. Kung ganun lang sana kadali pero hindi ko kaya. Ang sakit lang saakin na bumalik nanaman ako sa pagiging kaibigan ko sayo." Mapait na sabi nito. Minsan hindi ko na rin siya maintindihan sa mga pinagsasabi niya hindi ko alam kung anong pinupunto niya. "Sana totoong nawalan na rin talaga ako ng memorya."

"May sinasabi ka pa?" hindi ko naiintindihan masyado ang huli nitong sinabi dahil halos pabulong na lang iyon.

"Gusto kong pumunta ka sa game namin. Iyon ang unang beses na makikita mo akong maglalaro."

"Hindi ko alam kung makakapunta ako." Nag-aalalang sabi ko. Nakita ko naman na mukhang nalungkot ito dahil sa sinabi ko.

"Please, magkaibigan naman na tayo hindi ba? Gusto kong makita kita dahil alam mong yun rin ang unang pagkakataon na maglalaro ako ulit." Halos pagmamakaawa na nito.

"Ummm, Sige. Titignan ko kung makakahabol ako." Bigla namang nag-iba ang mood nito at umaliwalas.

"Ipasusundo kita."

"Hindi na kailangan. Kung okay lang isasama ko na lang si Zoey."

"Walang problema basta pumunta ka. Aasahan kita. Kapag hindi ka sumipot magtatampo ako sayo."

"Sira ka talaga." Bakit ba ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Para talagang matagal na kaming magkakilala which is hindi naman talaga.

*****************

Kasalukuyang hawak ko ang phone ko at nakatingin lang ako sa contacts ko ng mga oras na iyon. Actually, iilan lang naman ang mga contact numbers na naroon. Puro sa mga kaibigan ko lang at ilang mga kakilala at sa magulang ko. Pero ewan ko ba may isang tao pa rin na hinihintay kong tumawag o kaya naman ay magmessage. Pero mula noong nangyari sa hospital hindi ko na siya muling nakita pa at hindi na rin nagparamdam. Okay pa naman kami nun pero noong nagising na kapatid niya biglang parang nawala na rin ito. Hindi naman nababangit ni Logan dahil nahihiya akong magtanong mukhang hindi rin niya gustong pag-usapan ang kapatid.

"Tatawagan ko ba or hindi?" nasabit ko na lang bigla at napabuntong hininga. May gusto na nga talaga ako sakanya pero hindi ko man lang masabi dahil natatakot akong hindi pala kami pareho ng nararamdaman.

"Tawagan mo keysa nagmumukmok ka diyan na parang baliw." Napatingin naman ako kay Zoey at napasimangot.

"Ano namang sasabihin ko sakanya kapag tinawagan ko siya?" Napaisip naman ito dahil sa sinabi ko.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now