CHAPTER 10

20 1 0
                                    

(Real Time)

Tinawagan nang doktor ang pamilya ni Missy para sabihin ang magandang balita sa kanila pa tungkol sa anak nila. Nang marinig nila, bigla na silang pumunta sa hospital pinagpaliban na rin nila ang mga importateng mga gawain nila basta tungkol sa kaisa-isang anak nila kaya nila isantabi lahat nang gagawin.

"Dok, What's the good news regarding my daughter?" Nakangiting sabi nang ina ni Missy, makikitang unti-unti nang nagkakaroon rin nang buhay sa mga mata nang ginang dahil halos noong nakaraang mga buwang lumipas halos wala na silang pag-asa pero ngayon unti nang nabubuhay ang pag-asa nila.

"Nakakakita na kami nang good sign sa kanya. Sana ay magtuloy-tuloy pa yun. Kapag nagtuloy-tuloy pa yun by this week or next week pwede na siyang magising. Sa ngayon inobserbahan pa rin namin siya stable na siya she's already safe, hinihintay lang nating magising na siya." Nakangiting sabi ng Doktor dahil kahit siya mismo natutuwa rin na gusto na ring magising ang pasyente.

"Thank you Doc. for all the help. Hindi ko alam kong paano ako magpapasasalamat sainyo. Dahil ginawa niyo ang lahat para masurvive ang anak ko."

"No misis, matapang anak niyo at nilabanan niya ang pagsubok sakanya. Siya ang gumawa nang paraan para mabuhay siya. Sa ngayon hintayin na lang nating magising siya."

"Thank you ulit, Dok." Tumango lang ang doktor at umalis na sa kwarto nang pasyente. Sinuklay naman nang ginang ang buhok ni Missy. Nakatingin lang ito sa anak at hindi maalis sa kanya ang tuwa dahil sa ibinalita nang doktor kanina.

"Wag kang susuko Missy, Bumalik ka na saamin okay. Mahal na mahal kita, anak." Hinalikan nito ang anak bago umalis.

*********************************************************************************************

Napabalikwas ako nang gising nang marinig ko ang alarm sa gilid nang kama ko. Pinatay ko ito at nag-umpisang ayusin ang higaan ko. Isang linggo na rin ang lumilipas nang magkamabutihan kami ni Logan, so far so good pa naman. Medyo hindi na ako naiilang sakanya parang kaibigan na ang turing ko sakanya. Pero nung sinabi kong gusto ko siyang maging kaibigan parati na lang siyang tumatahimik at nag-iiba yung ugali ewan.. parang bata na sinusumpong ba. Kaya hindi ko na lang inoopen up sakanya yun baka ayaw niya akong maging kaibigan.

Ginising ko naman sila Eros at Psyche para mag handa na dahil papasok na naman sila. Nakita ko namang napasimangot sila halatang ayaw gumalaw. Napagod ba naman kasi sila kahapon dahil inaya sila nang daddy nila na mamasyal kaya yan napagod sila gabi na rin kami nakauwi dahil marami kaming napuntahang lugar.

"Get up na mga babies ko. May pasok pa kayo. Hindi pwedeng tatamad ngayon." Nakita ko namang gumising na si Eros pero nakasimangot lang ito na lumabas. Napatingin naman ako kay Psyche na parang walang narinig kaya ang ginawa ko binuhat ko siya kaya hayun nagtatanrums na naman ang lola niyo.

"Ayaw ko pong pumasok mommy." Pagsusulk naman nito.

"Hindi pwede kailangan mong pumasok. Gusto mo bang maiwan mag-isa rito kami ni Eros papasok kami. Sinong magbabantay sayo? Saka hindi ka dapat nag-aabsent dahil lang tinatamad ka o ayaw mo. Kailangan mong mag-aral, okay? "You can always learn new things. You like it, don't you? " Nakasimangot naman ito na tumango. Ibinaba ko siya sa upuan niya nakita ko naman si Eros na kumakain na.

"Oh, wag kang sisimangot sa harap ng hapag kainan, baka hindi na tayo bibigyan nang blessing ni Papa God niyan." Ngumiti naman ito nang maluwag at nagpray pa.

Inaayos ko naman ang mga baon nilang dalawa isasabay ko na sila saakin dahil walang mag-aalaga sakanila ngayon, si Martha kasi nagkasakit ang kapatid nito at nasa ospital kaya umuwi pa sakanila baka next week pa siya uuwi, kaya nahihirapan akong maghanap nang papalit sakanya panandalian. Kaso sayang rin paano kung bumalik na si Martha ? Paano yung isang nakuha ko? alangan naman sisisantihin ko agad rin. Saka mahirap nang makahanap ngayon hindi pa naman ako madaling magtiwala.

Kaya naisip namin ni Logan. Dahil alas nuwebe naman ang pasok ko araw-araw hanggang 11 at may vancant ako nang dalawang oras kaya ako ang maghahatid sa mga bata tapos ihahatid ko sila sa school ni Logan dahil 1pm naman start nang practice nila. Sinabihan ko naman sila na wag silang manggugulo doon dahil may practice ang daddy nila. Nakikinig naman sila kaya may tiwala ako sakanila tapos susunduin ko sila doon nang 5pm para umuwi kami. At least kahit papano nakakasama pa rin ni Logan ang mga bata.

"Behave kayo ha! Mamaya susunduin ko kayo dito. Ano yung parating sinasabi ko sainyo?" tinignan ko naman silang maigi.

"Don't talk to strangers!Wag sasama kahit kanino." sabay nilang sabi. Ngumiti naman ako at hinalikan silang dalawa

"Very good. Hintayin niyo si Mommy okay. Pasok na kayo kakausapin ko lang ang teacher niyo." Tumango naman sila at pumasok na sa room nila. Kinausap ko naman ang teacher nila para sa mga bata. Sinabi ko naman ang gusto kong sabihin sakanya.

"Tawagan niyo po ako teacher kung may problema po."

"Sige Ma'am."

"Thank you po uli." Sinilip ko munang muli ang mga bata bago umalis. Sumakay na ako sa kotse para pumunta sa University medyo malapit lang naman ang pinapasukan nang mga bata mga 20mins drive lang hindi gaya nang kila Logan na 45 mins plus pagtraffic pa baka isang oras ang abutin. Kaya napagkasunduan namin na ako ang mag-aadjust. Saka ako kasi ang maraming vacant saaming dalawa. Siya kasi ang vacant niya ay yung pang hapon na pero nauuwi rin sa practice nila kaya wala rin siyang pahinga.

"Hoy babae, Aga mo ah." Napatingin naman ako kay Zoey na kararating lang.

"Parati akong maaga ikaw lang hindi noh." Inayos ko naman ang upuan ko at inusog pa lalo sakanya para magkatabi talaga. Nilagyan ko naman ng bag sakabilang side at ganun rin si Zoey para pagdating nung dalawang bakla may mauupuan sila. Sila talaga yung late parati pero ang usapan kasi namin kung sino yung mga mauuna saamin kailangan magsave na kami nang upuan para sa isa't isa.

"Hoy! Sakto lang naman ang dating ko noh. Nga pala musta naman na ang lovelife ngayon?" May halong panunuksong sabi nito inirapan ko naman siya. Ang aga-aga kung anu-anong sinasabi.

"Ewan ko sayo wala akong lovelife. Life meron pa."

"Sus.. deny pa more. Ayaw man lang magshare, psh.. Sige ganyan ka naman. Parang hindi tayo magkaibigan. Parati mo na lang sinesekreto lahat, lalo sa lovelife ah. Hate you." Kunwaring tampo nito. Inusog pa niya nang kunti yung upuan niya kaya hindi na magkadikit yung chair naming dalawa tinignan ko lang siya na mukha siya baliw. Ano namang nakain nitong babaing to.

"Kung iusog mo pa kaya hangang sa labas para mafeel kong hate mo talaga ako. Eh 12inches lang ang layo mo saakin noh." Nakangising sabi ko at tumawa sakanya para talagang baliw.

"Nga pala, tinatanong mo ako kung may love life ako? Baka dapat ikaw ang tanungin ko niyan. Sinong yung kasaman mo nung Friday ha?." Nakita ko namang napahinto ito at iniisip kung sinong kasama niya nung time na yun. "Nakita kita sa may hallway. Tatawagin sana kita kaso may bigalang lumapit sayo. Mukhang close na close nga kayo hahaha. Kailan pa ha." Ako naman ang nagtutukso sakanya ngayon.

"wala akong maalalang may kasama ako nung Friday noh." Pagtatangin naman nito but she not good at lying.

"Weh? Wag ka nang magdeny, nakita namin nang mga bakla kaso pinigilan ko rin silang lumapit noh." Nakita ko namang namula siya pero alam kong idedeny niya pa rin.

"Nagtatanong lang yun. Hindi ko kilala yun."

"Ah, kaya pala may pahabol effect ka pang nalalaman." Dedma na sabi ko

"Kasi naman inaasar na naman niya ako. Nasira tuloy yung araw ko." Nakasimangot na sabi niya. Oh di napaamin ko rin hahahahahaha.

"Okay lang yan the more you hate the more you love, ika nga nila." Ngiting sabi ko.

"Kaya pala naging love na rin kayo ni Logan. Dati halos isumpa mo na siya ngayon lalo lumevel up na ah" Shock ako rin pala ang natrap sa salitang binitawan ko. Love na ba agad yun? Aminin ko mukhang nagugustuhan ko na siya pero natatakot lang ako na baka magkaiba yung nararamdaman niya saakin kaya hindi ko na lang gaanong pinapansin. Pero sa tingin ko kapag nagtagal pa ang nararamdaman ko sakanya hindi ko na kayanin pa. Iniisip ko na lang kung hanggang saan lang dapat doon lang. Anong gagawin ko?

**************

To be continued...

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now