CHAPTER 15

19 0 0
                                    


Nakauwi na rin kami sa wakas we enjoyed our short vacation although hindi talaga mawala ang merong sisira sa araw mo pero hindi naman ito nagtagumpay. Thanks to my newly found friends dahil sakanila hindi tuluyang nasisira ang mood ko ng mga panahong iyon. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit nga ba ako nagkakaganito. Yung feeling na gusto mong ipagdamot yung gusto mo pero wala ka namang karapatan, ganun ang nararamdan ko.

Nabalik naman ako sa sarili ko nang makita kong itinigil ni Logan ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Inalis ko naman ang seatbelt na nakakabit saakin at bumaba. Binuksan ang backseat at nakita kong mahimbing ang tulog ng dalawa dahil sa pagod. Inayos ko naman ang higaan ni Psyche bago ito ibaba nang dahan-dahan.

"Thank you ulit sa pagsama mukhang nagenjoy talaga ang mga bata."

"No worries as long as they enjoyed." Nag goodnight kiss muna ito sa mga bata. Natutuwa ako dahil ibang-iba siya sa nakilala ko noong unang pagkikita namin. Now you can see that he really cares the children.

"Ahm. Gusto mo bang kumain/uminom bago umalis?" Pag-aalok ko. Humarap naman ito saakin, mukhang may sasabihin ito pero hindi niya masabi.

"Maybe next time. Alam kong pagod ka na." Hinatid ko naman ito hanggang gate tumigil naman ito sa paglalakad at humarap muli saakin. "Missy, can you do me a favor?"

"Ano yun?" Nagtatakang sabi ko.

"Pwede bang yakapin mo ako?" walang halong biro na sabi nito. Hinihintay ko na tumawa ito at sabihing joke lang pero wala akong narinig. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumapit sakanya at niyakap. Gumanti naman ito nang yakap saakin pero habang tumatagal humihigpit ang yakap niya.

"Kung ano man ang problema mo. Nandito ako na makikinig." Hindi naman ito nagsalita pero nararamdaman ko ang bigat ng hininga na inilalabas niya. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit nagkakaganito siya. Pero isa lang ang alam ko may malaki itong problema. "I'll see you again. Goodnight!" naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo kaya hindi agad ako nakakilos. Ilang minuto na rin nang umalis ito at nakatayo pa rin ako sa labas ng gate hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga ipinapakita ni Logan. Ayokong mag-assume sa mga ipinapakita niya dahil baka ako lang din ang masaktan kung wala pa lang ibig sabihin ng mga yun.

"I will see you again, Logan?" Bulong ko na lang sa sarili bago pumasok ng bahay. I'm not sure what will happen next, but I do know that something will happen. It's like a mystery.

****************

Present time

Hindi ko alam kong ilang minuto na akong nakatingin sa kisame, wala rin akong maalala kong bakit hindi ko maigalaw ang ulo ko. Naramdaman ko namang bumukas ang pinto at lumapit ito.

"Oh, god." Nakita ko namang itong napatakip ng bibig niya dahil sa gulat. "My daughter, you're already awake." Naiiyak na sabi nito. Nalilito ako nang mga oras na yun hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Nagmadali naman itong lumabas hindi ko alam kung saan ito pupunta at bakit hindi ko maibuka ang bibig ko? Maya-maya pa may bigla ulit pumasok at sa tunog palang ng sapatos alam kong marami silang pumasok. Pinapakiramdaman ko lamang kung anong ginagawa ng mga ito may doctor at nurse na lumapit saakin pero hindi ko masabi kong anong gusto kong sabihin.

Natapos nila akong i-check ay narinig kong kinausap ng doctor si Mommy narinig ko itong nagpasalamat saka umalis naman ang doctor.

"Thank god you're already awake, sweetheart. Natawagan ko na ang Daddy at mga kaibigan mo alam kong papunta na sila rito."

"Bakit po hindi ko maigalaw ang ulo ko?" yun lang ang mga salitang lumabas saakin

"May nakakabit na cervical collar sa leeg mo. Kailangan yan para suportahan niya raw ang spinal cord at ulo mo. Don't worry sabi naman ng doctor na mga ilang linggo lang naman pwede nang tangalin yan." Lalo hindi ko naman siya naiintindihan ang sinabi niya. Ano bang nangyari ang huli kong natatandaan kasama ko lang naman ang mga anak ko? Pero bakit nandito ako ngayon? Nakahilata at hindi ko maigalaw ang ulo ko. May nangyari bang aksidente saamin? Nasan ang mga anak ko? Ang daming tanong ang gusto kong sabihin.

"Hindi ko ho kayo maiintindihan. Bakit nandito ho ako? Nasaan po sila Psyche at Eros gusto ko ho silang makita?" Nakita ko naman ang pag-aalala sa mga sinabi ko pero hindi ito umimik. Maya-maya bumukas ang pinto hindi ko alam kung sino uli ang dumating.

"Bakla!! Wahhhh gising ka na. Pinag-alala mo kami. Namiss ka namin." Niyakap naman ako ni Zoey, ngumiti lang ako pero hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Bakit nga ba ako nandito? Nakita ko naman sila Gabby at Jassy.

"Ikaw! Halos tatlong buwan mo kaming tinulugan. Kainis ka." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Jassy.

"Ganun ako katagal natulog?" Gulat na sabi ko hindi ko alam na ganun pala katagal ang tulog ko kamusta naman ang dalawang anak ko sinong nag-alaga sakanila?

"Hindi bakla, gusto mo bilangin namin kung ilang segundo yun para malaman mo. Kaloka ka pinag-alala mo ang beauty namin." Natawa naman ako sa sinabi ni Gabby kahit siya rin namiss ko.

"Siya nga pala nasaan sila Eros at Psyche? Gusto ko silang makita?" Napakunot naman ang mga noo nila dahil sa sinabi ko.

"Sino yun?"-ZOey

"Yung dalawang anak ko malamang." Bigla naman silang nakatinginan at maya-maya pa ay nagtawanan silang tatlo.

"Bakla ka, kagigising mo pa lang iniexpect mo talagang may anak ka. Wala ka ngang boyfriend. Hayaan mo bakla paglabas mo irereto kita agad."- Natatawang sambit ni Zoey. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ganun hindi ba nila kilala ang mga anako ko? Pero imposible yun.

"Bakla may tama pa ata yang ulo mo dahil sa aksidente kung anu-anong binabangit mo. Kaloka ka."- Jassy.

Ikwenento naman nila ang nangyari saakin simula nang maaksidente ako halos 3 buwan na ang nakakaraan. Pababa na raw ako nang Baguio gamit ang kotse ko dahil tinawagan ako nila Mommy na kailangan kong umuwi. Galing kami sa outing dahil katatapos lang ng finals namin gawain namin, kasi yun na kapag natatapos ang exam mag-unwind. But unexpected hit me at dito ko na tuluyang cenelebrate ang buong bakasyon ko, nagstart na rin ang pasukan at sana makahabol pa ako. Hindi raw nila kilala ang mga tinunukoy ko kaya hindi na lang ako umimik. Pero parang totoong totoo talaga ang mga nangyari. Hindi ko maalala ang nangyaring aksidente pero sila alam na alam ko.

"It's just your dream. Dahil na rin siguro matagal kang nacoma."-Zoey

"Is it possible that people who are in coma can have a dream? Di ba nga kasi hindi naman sila gumagalaw walang interaction na nangyayari." – Jassy

"Pero may mga nabasa ako sa website na may mga pasyente na may mga napapanaginapan sila."- paliwanag na rin naman ni Zoey.

"Ano ba kayo wag na kayong magbangayan diyan si Missy na ang patunay oh! lalayo pa ba kayo. Bakla illusion or panaginip mo lang talaga yung mga nabangit mo. Maybe it's real for you but it's really not." –Gabby. Siguro nga hindi totoo lahat nang yun pero parang inaalala ko pala sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko alam unti-unti nang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Missy wag ka ng umiyak. Pinag-aalala mo kami taha na sorry kung ano man mga nasabi namin."- Niyakap naman ako Zoey. Sa mga oras na yun naisip ko lang hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos bago sila iwan. Naalala ko na naman ang mga panahon na nasa magandang panaginip ako na iyon. Hindi man totoo ang yun pero pinaramdam nila saaking totoo lahat ng nangyayari. Yun ang mga masayang araw na nandoon ako sa panaginip na yun. It's like the most beautiful dream I've ever experienced. My beautiful tragedy.

*************

Keep reading...

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now