CHAPTER 2

30 0 0
                                    

(HIS POV)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(HIS POV)

"Aren't we going to eat?" - sabi ng batang ito. Hindi ko siya kilala pero sinabi nito ang pangalan at apelyedo niya. I don't believe kaya tinawagan ko ang secretary ko na pumunta rito at may ipapareport akong bata sakanya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at may mga tinawagan pa akong mga pulis officer para ipaalam ang nangyari.

"Psh, bahala ka diyan. Nagugutom na ako.. sana nandito na lang si Mommy." Rinig kong sabi nito. Nakita ko namang pumunta ito sa kitchen at kumuha ng cereal at inilagay sa bowl nito. Kumuha rin siya ng gatas niya sa ref, kalmado lang ito na para bang alam niya ang mga ginagawa niya at para bang pag mamay- ari niya ang mga gamit ko dito sa unit ko. Alam kasi nito kung saan nakalagay ang mga kailangan niya kaya napakunot ang noo ko sa ginagawa niya. At may sinabi ito kanina. Yah! Tama, kilala nito ang mommy niya. Ibabalik ko siya sa magulang niya.

"Anong pangalan ng mommy mo?" Tinignan naman ako nito na para bang hindi makapaniwala.

"You really want to ask me that?" Sinamaan ko ito ng tingin " Michella Brix Aragon is the name of my mother. Satisfy?" Tumango naman ako. Isa lang ang napansin ko. Parang matanda ito kung magsalita. Psh! Hindi magaling mag-alaga ang nanay niya napalaki niyang ganito ang anak niya.

Dumating naman ang secretary ko yumuko ito saakin para magbigay galang.

"Good morning, Sir." sabi nito.. magsasalita na rin ang sa kanya ng.. "Good morning, young master." Bati rin nito sa batang bubwit. Tinignan ko naman ito nang nagtataka.

"Do you know him?" Tanong ko sa secretary ko.

"Yes, sir anak niyo siya hindi ba?" Nagtatakang sabi nito.

"Are you sh*ting me? ngayon ko nga lang nakita ang batang ito. Tapos sasabihin mong anak ko to." Galit na Turo ko sa bata. Nagulat naman ang secretary ko sa sinabi ko.

"Ah, sorry ho. Ano pong gagawin natin? Ipapatawag ko ho ba ang mommy nila?" Takot na sabi nito. Kaya mariin akong napapikit.

"Di tawagan mo ang nanay niyan at ipakuha ang anak niya dito. Ayokong may bata sa condo ko.!!" Galit na sabi ko. Bakit ba kasi iniiwan ng iresponsableng ina ng batang yan dito.

"You mean anak niyong dalawa." Pagtatama niya.

"Hindi ko anak yan.. at wala pa akong anak sa pagkakaalam ko. Kaya tawagan mo na ang nanay niya para makaalis na siya." Kinuha naman nito ang cellphone at mukhang may tinatawagan. Nanay na siguro ng bata.

Bumalik naman ako sa kwarto ko para magshower. Nagawi naman ang mata ko sa side table sa kama ko at tinignan ko itong mabuti. Nakita ko ang isang picture frame dun kasama yung bata. Nakangiti kaming dalawa pero halatang napipilitan lang yung bata hindi ata sanay na ngumiti. Pero ako ang nagulat sa istura ko sa picture dahil masayang masaya ako dun hindi ko pa nakita ang ganyang itsura ko.

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now