CHAPTER 4

20 1 0
                                    

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako na parang may mabigat sa katawan ko. Parang may nakadagan saakin? pilit kong inaalis ito pero mabigat talaga at na realize kong kamay pala ito ng ng kung sino. Pinakiramdaman ko naman ang hinihigaan ko. Bakit hindi na matigas at naging malambot na ito? Napabalikwas naman ako ng gising pero ginuyod ako ng isang kamay nito kaya napahiga ulit ako.

"Matulog ka muna nga.. wag kang malikot." Mababang sabi nito halatang nagising rin dahil namamaos ang boses niya. nakayakap naman ang kamay nito sa beywang ko at ang mga binti niya ay dinaganan ang mga paa ko. Parang nilock ito. Bigla naman tumaas ang balahibo ko, kanina ng magsalita ito ay at ang hininga niya ay humahagod sa batok ko. Bigla naman kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam, dahil lang ba ito sa kaba?

"I can sense you're nervous." Sabi nanaman nito kaya naramdaman ko naman yung naramdaman ko kanina. "Wag kang mag-alala wala akong gagawin. Simply get back to sleep.." Lalo pa niyang diniinan ang pagkakahagkan niya saakin. Ano ba! Nagiging traydor ang katawan ko saakin bakit hindi ako makagalaw at hindi siya itulak.

.............

"Mommy! Daddy! Wake up, we're already hungry." - nagising ako dahil sa paggalaw ng kama. Para kaming tumatalbog. Nakita ko naman si Eros at Psyche na tumatalon sa kama para magising kami. Naalala ko na dito pala ako natulog sa kwarto ni Logan. Hindi ko alam kung paano niya ako nalipat rito.

"Yehey!!! Ang galing natin Eros nagising na si Mommy next naman natin si Daddy." Matinis na sabi ni Psyche. Nakita ko naman ang katabi ko na parang walang epek sakanya dahil nagtaklob lang ito ng unan.

"Tama na yan Psyche. Pagod ang daddy niyo wag mo munang gisingin." Akmang lalapit sila sa daddy nila pero pinigilan ko na.

"Bakit po napagod si Daddy? Pinagod niyo po ba siya? " Inosenteng sabi nito. Hindi ko alam pero nadouble meaning ako sa sinabi niya.

"Of course not! Hindi ba nagpractice sila kahapon ng game nila. Kaya for sure napagod siya." Sabi ko sankanya habang binubuhat siya palabas sumunod naman ang kambal niya.

"Ahh! Akala ko po kasi napagod siya sainyo kagabi. Kasi po nakita ko po siyang binuhat kayo papunta sa room niya." And that's explained why I'm in his bed. Pinagluto ko naman na sila ng almusal. Fried rice, bacon, hotdog tapos may fried fish rin at pinagtimpla ko sila ng gatas.

"Morning!" Bati ng isang boses na nasa likod ko. Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam ko naman kung sino ang taong yun.

"Morning Daddy! " bati nilang dalawa at lumapit sila sa daddy nila para hagkan ito halatang bagong ligo lang dahil basa pa ang buhok. "Eat na po tayo. Masarap po ang luto ni Mommy." Sabi nila habang nakabuhat sila sa daddy nila. Kung titignan para kaming tunay na pamilya. Hindi nag-aaway.

"I know." Humila naman ito ng silya sa tabi ko at kumain lang kami ng tahimik.

Pagkatapos naming kumain nagligpit naman na ako ng pinagkainan namin at nag-arrange ng mga gamit dahil ngayon na kami uuwi. Binibihisan ko na si Psyche habang nakatingin lang siya sa salamin. Si Eros naman nakaupo at tinignan ang ginagawa namin.

"Mommy, pwede po bang magstay muna kayo dito? Bukas na lang po kayo umuwi." Biglang sabi ni Eros kaya napatingin naman ako sakanya. Makikita mo sa mukha niya ang lungkot dahil uuwi na kami.

"Hindi kasi pwede Eros, may pasok na kasi si Mommy bukas. At wala rin kaming dalang spare na damit. Don't worry magkikita pa naman kayo Psyche bukas sa school ninyo, hindi ba?" Hinawakan ko naman ang pisngi niya at nakita doon ang nagbabadyang pag-iyak niya. Kaya hinalikan ko ang noo nito at ngumiti sakanya. "Dadalaw uli kami dito. Okay!" Tumango naman ito at niyakap ako nakisama rin si psyche.

"Ipapahatid ko na kayo sa driver." Hindi namin namalayan na nakapasok na pala si Logan sa kwarto kaya bumitaw na ako sakanya.

"Hindi na, dala ko naman ang kotse ko." Tumango naman ito. May muntik ko ng makalimutan palang sabihin sakanya.

"Siya nga pala, kung iiwan mo uli si Eros ng mag-isa dito. Tawagan mo na lang ako. Hindi mo alam kong anong nangyayari sakanya dito." Seryosong sabi ko kaya napatingin naman ito.

"May nangyari ba kahapon?" Nag-aalalang sabi nito.

"Hindi siya kumain ng breakfast niya kahapon. Dahil kung anu-anong iniiwan mo sakanya. It's not even good to his health. Kung hindi pa kami dumating baka hindi na rin siya maglunch." Hindi maiwasang inis na tono ko.

"Okay I'm sorry. Next time sasabihin ko na sayo." Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka ano pang masamang masabi ko at hindi ko mapigilan damdamin ko dahil sa inis sakanya. Ayoko na ring lumala pa ang away na ito dahil alam kung may kasalanan kaming pareho.

*************

To be continued...

Happy reading <3

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now