CHAPTER 45

1 0 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalilipas ng mangyari ang kahihiyang ginawa ko or kung kahihiyan nga ba ang matatawag roon. Pero hanggang ngayon parang sariwa pa rin saakin ang nasabi ko. Simula rin nun ay hindi na rin ito tumigil katatawag at message saakin. Noong gabing iyon tumawag ito pero pinapatayan ko lang ito kaya nakatanggap lang ako ng message sakanya ng Good night at wala na hindi naman na ito nagtanong tungkol sa nangyari na mas mabuti.

Sa mga sumunod na araw ay nagmemessage na ito saakin. Hindi ko raw kasi sinasagot ang tawag nito kaya message na lang kaya hayun kahit hindi ako nagrereply nag-uupdate ito kong anong ginagawa niya na hindi ko naman alam kung para saan. May isang araw pa na pumunta ito sa bahay pero hindi ko siya tinangkang kausapin, kaya nagtataka sina Mommy sa inaakto ko. Kahit sa work rin sinasabi ng mga kasama ko na nandoon siya pero sinasabi kong busy ako, partly totoong busy ako. Alam kong para akong bata sa inaakto ko pero hindi ko talaga mapigilan. At ngayong araw alam kong wala na akong takas dahil ito rin ang araw na mag-oouting kami gusto ko sanang huwag na lang sumama pero alam kong masyado ng mababaw ang dahilan ko dahil lang doon. Naiisip ko ring magpasundo kay Zoey pero nasabi nitong nakaalis na sila at kasama niya ang mga bakla. Hindi ko raw sinabi ng maaga. Hindi ko ba alam kong totoo ang sinasabi nito.

"Nandiyan na ang sundo mo." Napatingin naman ako sa labas ng pinto at nakitang katayo roon si Mommy. Hindi ko man lang naramdaman na binuksan nito ang pinto ng kwarto ko. Masyado atang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko naramdaman ang presensya niya.

"Sige po susunod ako." Akala ko aalis na ito pero pumasok ito sa loob at umupo sa gilid ng kama ko.

"Alam kong may tampuhan kayo ni Yohan. Kaya sana naman mag-usap kayo ng maayos." Nabigla naman ako dahil sa sinabi nito. Anong tampuhan ang sinabi niya?Alam kaya niya yung nangyari? Sinabi ba ni Yohan ang nangyari? "Kilala kita anak. Sa kinikilos mo pa lang alam kong may hindi magandang nangyari at walang sinabi si Yohan saakin pero alam kong nag-aalala siya sayo. Tuwing pumupunta siya rito tapos hindi mo lang siya harapin para kausapin. Kung ano man ang problema niyo pag-usapan niyo."

********

"Aalis na po kami Mommy." Paalam ko. Hindi ko pinahalatang naiilang ako dahil sa presensya ni Yohan na nasa tabi ko lang.

"Wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo, Missy." Paalala pa nito. Akala mo naman kung anong binilin nito

"Opo"

"Yohan, ikaw ng bahala diyan sa unica hija ko. Wag mong pababayaan at lawakan mo lang ang pasensya mo diyan. Pakipot lang yan."

"Mommy!!"

"Yes po, tita. I'm taking good care of her." Siniko ko naman ito pero parang wala lang sakanya. Hindi ko naman na hinintay na pagbuksan ako nito ng kotse niya kaya pumasok na ako. Nakita ko pang may sinabi si Mommy sakanya pero hindi ko na naririnig. Maya-maya rin ay pumasok na ako kaya agad akong nagtanong.

"Anong sinasabi ng Mommy ko sayo?" humarap naman ito saakin kaya inaasahan kong sasabihin na nito saakin.

"Saka ko na sasabihin." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ano kaya yun? Mahirap ba yung tinatanong ko?

"Anong saka na? Gusto kong ngayon mo na sabihin." Pilit ko rito.

"Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo noong isang linggo." Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Akala ko ba nakalimutan niya na iyon. Kung sabagay ako nga hindi ko makalimutan.

"Hindi naman iyon ang tinatanong ko."

"Pero yun ang gusto kong sagutin bakit ba ayaw mong marinig?"

BEAUTIFUL TRAGIC (Completed)Where stories live. Discover now