Chapter 58. EB Part III

0 0 0
                                    


His future daughter in law.

Baka naman hindi lang ako ang special guest niya? Baka naman may iba pa?

Gusto ko sanang paniwalaan iyon ngunit hindi nito inaalis ang paningin sa aming direksyon, sa aking direksyon.

Hindi ako makagalaw. Para bang natuod ako sa kinatatayuan nang magpalakpakan ang lahat ng tao habang nakatingin sa aking direksyon.

Hindi ko alam ang gagawin nang magsalitang muli ang HE. "May I request to my special guest to join me here?" Aniya na animo'y nakangisi, tila bay nasisiyahan sa nakikita dahil pansin nitong hindi ko mabatid ang dapat kong gawin.

Sa kabila ng malakas na pagkabog ng aking puso na animo'y kumakawala  na sa aking dibdib ay sinikap kong lumingon kay Rhys na hinawakan ang kamay ko at ilang beses iyong pinisil upang pakalmahin ako.

Gusto ko mang magtanong sakanya kung ano bang dapat gawin ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko. Mabuti nalang at nakuha nito ang nais kong sabihin.

"Mukhang wala tayong pagpipilian kundi sakyan kung ano mang pinaplano niya.." Huminga ito ng malalim saka muling pinisil ang aking kamay. Ramdam ko ang tensiyon kay Rhys, pareho naming hindi inaasahan 'to.

"You go upstairs. I'll promise that I'll keep my eyes on you.. If you sense something wrong, give me a sign... Just touch your left earring, okay?" Habilin niya. "Don't let him see you nervous.." Dagdag niya bago bitawan ang kamay ko.

Tango lang ang naisagot ko sakanya. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili at alisin ang kaba sa dibdib ko.

I can do this.

Nagsimula akong maglakad upang tahakin ang hagdan. Hindi ko na inalintana pa ang mga matang nakapukol saakin. Ang paningin ko lang ay nasa taong iyon na hindi mabura-bura ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Glad you really came.." Bungad niya nang makarating ako sa taas kung nasaan ay naroroon ang HE.

Hindi ako sumagot bagkus ay nilabanan ko ang mga mata nitong nasa ilalim ng kanyang maskara.

Nilipat niya ang tingin sa mga tao sa baba, itinapat niya ang mic sa bibig at nagsalita. "Let's give her again an around of applause." Aniya na agad namang sinunod ng mga tao.

"Napakagandang palabas.." Sarkastiko kong sambit habang nasa mga tao rin ang paningin, sinadya kong iparinig sakanya iyon dahilan para maramdaman ko ang pagsulyap nito saakin.

Kita ko sa aking peripheral vision na inilayo niya ang mic sa bibig upang hindi marinig ng iba ang kanyang sasabihin.

"You really supposed to be my future daughter in law, Athena.." Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman ko sa sinabi niya.

The Heart Of A Fighterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें