Chapter 13. On your own

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay naging mas maayos na ang panahon. Mas maaliwalas na ang kalangitan kumpara kahapon kaya naman walang class suspension na nangyari.

Hindi ko na muna ginagamit si panther. Mas naeenjoy kong maglakad e. Tyaka exercise din yun. Gaya ngayon. Palinga linga lang ako sa daan. May mga ilan din akong nakikitang mga estudyante na naglalakad gaya ko.

Tumigil ako sa tapat ng pedestrian lane para tumawid at ganun din ang ginawa ng ibang nakasabay ko. Hinihintay lang naming magbigay ng signal sa pagtawid.

Maya-maya ay may pulang kotse ang mabilis na dumaan sa harap namin. Hindi ko napansin na may naistock palang tubig sa gilid ng kalsada malapit saamin kaya naman ayun.

Ayun?

Eto. Nagmukha kaming basang sisiw. Correction, ako lang pala dahil nakaiwas ang iba kong katabi.

Arrgh!

Nakakainis! Puting T-shirt pa man din ang suot ko. F*ck!

Napatingin ako sa pulang kontseng dumaan na marahan ding pumihit paatras at tumigil sa harapan ko.

Nagbaba ito ng wind shield at bumulaga saakin ang makapal na kolorete sa mukha ni Nadia. Napa-rolled eyes nalang ako.

"Ooops! Sorry for that, huh?" Puno ng sarkasmo niyang sambit. Tinignan ko lang siyang parang hindi ako interesado sa kaharap ko. Real talk yun.

Bored ko siyang tinignan at nagkibit-balikat. She eyed me from head to toe. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Looks like, I've done it perfectly. It suits you, right? Mukha ka rin namang putik e. Mukhang basahin din yang suot mong damit haha!"  Puno parin ng sarkasmo niyang sambit. Tinutukoy niya ang tubig na may kasamang putik na tumalsik sa suot kong puting T-shirt. Buti nalang at damit lang.

Nakataas padin ang isang kilay ko sakanya. "Tapos kana ba?" Bored kong tanong sakanya.

"Uhmm..." Aniya na parang nag-iisip pa with matching hawak pa sa baba niya.

Nginisian niya ako. "Ah, naalala ko pala. May kape akong hindi naubos dito. Gusto mo sa'yo nalang?"

"No, thanks. Baka malason pa ako." Agaran kong sagot sakanya.

"Hmm, mabait naman ako kaya ibibigay ko nalang sa'yo. Tyaka walang lason yun, ano ka ba? Kung sa tingin mo lason ang gagamitin ko kung sakaling papatayin kita pwes you're wrong. Pahihirapan muna kita para may thrill naman." Binalewala ko lang ang mga pingsasabi ng bobitang 'to. Tinignan ko lang siyang may inabot sa kung saan at inilahad sa harap ko ang isang frappe. Tinitigan ko lang yun saka ko siya tinignan.

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay at nginisian. Hinihintay niyang abutin ko ang walang kwentang kape niya. Bahala siya diyan. Mangalay kang haliparot ka haha!

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now