Chapter 9. Sino ako?

1 0 0
                                    

Nang gabi ding iyon ay hindi ako lumabas ng kwarto. Naguguluhan ako sa aking mga narinig. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsi-sink in sa utak ko. Ngunit sariwa parin sa aking isipan ang aking mga narinig.

"Even though she's not our blood and flesh. Anak rin natin siya."

"Yes, we've been a parents to her. But in biology we're not, Madeline....we need to tell her the truth as soon as possible. We can't take advantage her loss of memory anymore. There is a possibility na maaalala niya rin lahat, so might as well, sabihin na natin sakanya kaysa malaman pa niya sa iba..."

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya kasi nagkatotoo ang hiniling ko na sana hindi nalang nila ako naging anak dahil hindi ko rin naman ramdam? O ang masaktan dahil sinampal saakin ang katotohanan na wala talaga akong puwang sa pamilyang 'to dahil hindi naman ako tunay na Villarreal...

Kaya pala simula noon ay hindi ko naramdaman na kabilang ako sa pamilya nila dahil walang dugo ng Villarreal ang nananalaytay saakin. Kaya pala  lagi'y sa panaginip ko ay ang pagtataboy nila saakin. Pero bakit si lolo, pinaramdam niya saakin ang pagmamahal na parang tunay niyang apo? Alam kong wala akong karapatang kwestyonin sila mommy lalong-lalo na si daddy sa pakikitungo saakin dahil ngayon ay malinaw na saakin ang lahat.

Hindi nila ako anak.

Hindi ako isang Villarreal.

Ngunit may isang katanungan na labis na gumugulo sa isip ko.  Yun ay kung sino talaga ako? Sino nga ba ako?

Natigilan ako sa pag-iisip nang umilaw at tumunog ang phone ko na nakalapag sa aking study table. Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa kama saka dinampot ang telepono.

I saw Joreen's name. Kanina pa ito tumatawag ngunit hindi ko sinasagot. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. Gusto ko lang mapag-isa. Pero sa pagkakataong ito ay naisipan kong sagutin nang matigil na siya.

"Hello, Cielo!? Nasan kana? Kanina pa ako tumatawag hindi mo naman sinasagot. Ano naaa? Otw kana ba? Sunduin ka nalang namin ng kuya mo...isasabay ka sana ni Cal pero hindi ka naman daw lumalabas ng kwarto. Ano bang nangyari sayo? Cielo!?"

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now