Chapter 43. Something

8 1 0
                                    


Why some of things comes terribly wrong?

Unti-unting nagiging mali, magulo at nakakalito ang mga nangyayari. And I badly need to be enlightened.

Wala akong ganang kumain nang gabing iyon. Hindi rin ako makatulog. Nababagabag ako dahil sa napanood ko. Nag-aalala ako sa kalagayan nilang dalawa. Ano na kayang nangyari? Natalo ba nila ang mga armadong lalaking iyon? Ligtas na ba sila? Ilan lang 'yan sa mga katanungang bumabagabag saakin.

Bumaba ako ng kwarto at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Naabutan ko doon si Bella. Nagpupunas 'to ng mga platong nahugasan na. Napatingin ito saakin. "Magandang gabi. Kumain na ho ba kayo, Miss Yara?" Aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa? "Wala akong gana." Sagot ko na ikinahinto niya sa ginagawa. Magsasalin na sana ako ng tubig sa baso nang marahan 'tong lumapit sa kitchen counter at siya ng gumawa non para saakin. "Salamat." Utas ko saka dire-diretso iyon nilagok at nilapag ang baso. Napatingin ako sakanya at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "May problema po ba kayo, miss Yara?" Tanong nito. Hindi ako sumagot at napabuntong hininga nalang.

Bumuntong hininga muli ako. "Nag-aalala lang ako kina Caelus at Lance..." Sagot ko kapagkuwan. Agad namang nag-iba ang mukha nito. Gumuhit lalo ang pag-aalala. "B-bakit po? M-may nangyari po bang m-masama sakanila?" Nag-aalala nitong tanong. "Wala naman sana..." Iyon nalang ang nasabi ko.

Tinapos niya ang ginagawa saka ako ulit inalok kumain pero tumanggi muli ako dahil wala talaga akong gana. At isa pa, hindi ko naman ramdam ang gutom. Imbis na magpahinga na si Bella ay sinamahan ako nito sa sala upang hintayin ang dalawa, kung sakaling umuwi ang mga ito. Tulog na sina Elaine at Demi, pati si Mang Connor ay nagpapahinga na din.

"Wag tayong mag-isip ng masama, miss Yara. Naniniwala akong okay at ligtas sila. Magtiwala lang tayo kay God." Aniya saka ako hinawakan sa kamay. Huminga lang ako ng malalim bago tumango. Sana nga...sana. Dahil marami akong gustong malaman. Marami.

Nasa dalawang oras na ding kaming naghihintay pero wala parin. Malalim na rin ang gabi. Ilang beses naring humihikab ang kasama ko. Siguradong antok na 'to. "Bella, okay lang ako dito. Matulog kana." Utas ko. "Okay lang, miss Yara. Kaya ko pa naman po. Mamaya nalang." Tanggi niya. Umiling naman ako. "Hindi. You can now sleep. Gabi na at maaga pa kayong gumigising, diba?" Utas ko. Natahimik naman 'to bago tumango at tipid na ngumiti. "Sige po. Wag nalang po kayo masyadong mag-alala." Aniya. Tumango nalang ako bilang sagot. "Goodnight, miss Yara." Aniya pa. "Goodnight din" tugon ko naman saka pinanood 'tong patungo sa Maid's quarter.

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now