Chapter 20. A douche bag

6 0 0
                                    

Gusto kong personal na manood ng laro nila kuya ngunit hindi iyon maaari.

Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko at ang mga konsikwensya ng mga kilos ko.

Ngayon ang unang araw ng tournament at ngayon din sasabak ng laro sila Azi laban sa Hanson High.

Kada taon ay isinasagawa ang tournament na nakasanayan ng i-feature sa balita at ipanood ng live sa isang sikat na channel sa telebisyon kaya naman ay napapanood ko ito ngayon.

Dito ako sa sala nanonood dahil alam kong ayaw ni Azi na pumasok ako sa kwarto niya. Dahil siguro sa katawa-tawang nangyari. Hindi niya ako kinakausap at sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin saakin ay iniismiran lang ako nito.

Masasabi kong mahuhusay din ang Hanson High ngunit hindi padadaig sila kuya. Ang mga taga Hirosen High.

Mabilis ang naging resulta ng laban. At sila kuya ang nanalo. Kita ko ang saya sa mukha nila kuya at ng mga kasamahan nito nang i-zoom out ito ng camera man.

Hindi ko masasabing perpektong kapatid si kiya Cal ngunit mahal ko siya. Lalo na't nararamdaman ko rin ang pagmamahal niya bilang nakakatandang kapatid saakin kahit na lagi niya akong binubwisit. Ngunit sa kabila noon ay alam kong mabuti siyang kapatid.

Gusto ko ulit silang makasama ngunit sa pagkakataong ito ay hindi pabor saakin ang tadhana.

Naalala ko pa ang mga salitang binitiwan ni dad sa oras na umalis ako sa bahay na iyon ay wag na wag na akong babalik pa, ngunit bakit kailangan niya pang ipahanap ako?

Hindi pa ba niya naiintindihan na umalis ako sa puder nila dahil gusto kong hanapin ang sarili ko. Ang tunay na ako.

Is that reason wasn't enough for me to be free? To have time for myself?
Which I practically need for now. I hope they will understand that, but seems like it doesn't matter to them what I've reasoned out.

That thought makes my hands balled into fists.

Hindi ako habang buhay magtatago dito. Hahanapin ko ang tunay na ako. Alam kong naka-isang hakbang na ako patungo sa daan kung saan matutuklasan ko na ang katotohanan. Nararamdaman ko iyon. At sisiguraduhin kong lilipulin ko ang sinumang haharang sa daraanan ko.

I don't care those men of dad or anyone whose after me. I do not afraid of them no matter who they are.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Mahina lang iyon. At sigurado akong sa main door galing ang tunog.

Napatayo ako at inabot ang remote ng TV saka iyon ni-off. Dahan-dahan kong inabot ang baseball bat sa gilid. Humigpit ang hawak ko doon nang makarinig pa ako nang mga yabag palapit.

Nagtago ako sa gilid kung saan hindi ako makikita nang sinumang dadaan dito galing sa main door.

I prepared myself together with my stunts like I'm actually ready for a live action show.

I heaves a deep sigh as I saw a man with a red hair holding a laptop on his right hand.

Hinanda ko ang sarili para umatake. He is busy in his laptop. Hindi niya naramdaman na may iba pang tao dito maliban sakanya.

Lumiko ito papunta sa kusina. Napakunot ako ng noo. Magnanakaw siguro ito.

Dahan-dahan at walang imik ko itong sinundan. Mas lalong kumunot ang noo ko nang buksan nito ang fridge at kumuha ng isang tub ng vanilla ice cream gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay hawak parin ang laptop na hindi ko makita ang naka-flash doon dahil natatakpan niya iyon ng likod niya. Matangkad pa man din ang isang ito.

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now