Chapter 48. Silent destroyer

0 0 0
                                    


Caelus's POV

It's been days since Yara moved back to their hacienda. And within those days I was really bothered. Knowing that she's not here with me makes me worried lalo pa't tahimik ang mga kalaban, ang Holy Emperor at wala akong ideya sa mga maaari niyang gawin. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya, nila. Dahil nasisiguro kong may tumutulong sakanya.

Dahil sa nangyari nung nakaraang Holy Road Championship ay napaaga ang aking pagkalas mula sa sekta ng aking ama kaya naman ay wala na akong koneksiyon sakanila upang malaman kung ano ba ang susunod nilang plano. Dahil din doon ay naapektuhan ang aking plano.

Prinotektahan ko ang Hirosen dahil kinailangan ko iyong gawin, dahil kung hindi ay patuloy paring mamamayagpag sa ikataasan ang Holy Emperor at patuloy nitong babalewalain at tatapakan ang mga nasa ibaba. Patuloy nitong gagawin ang kahit na ano nitong gusto para tingalain siya ng mga tao at alam ko iyon dahil naging isa ako sa mga inalipin at naging sunod-sunran sakanya ng ilang taon. At kahit na minsan ay hindi ko naramdamang itinuring ako nitong anak kung kayat hindi rin isang ama ang turing ko sakanya.

Hindi ako makapag-isip ng susunod kong hakbang. Tila nawawala ako sa sarili kong plano dahil ang laman lang ng utak ko sa mga nagdaan na araw ay ang kalagayan ni Yara doon.

Gusto ko siyang puntahan o tawagan man lang ngunit tuwing naiisip ko ang mga salitang binitawan ko dati sakanya ay nagdadalawang isip ako. Alam kong may mga masasakit na salita akong nabitawan nung araw na iyon, but I didn't meant anything. Hindi ko sinasadyang mapapagsabihan siya ng ganoon. Kaya ko lamang nasabi iyon ay para hindi na siya magtanong pa dahil hindi ko na alam kung anong kasinungalingan pa ang pwede kong isagot sakanya.

I felt guilt. I really felt guilt for everything. Ang dami ko ng inililihim sakanya pero isa lang ang hinihiling ko, yun ay ang pagkatiwalaan parin ako.

"I know you miss her, ba't di mo tawagan o puntahan?" Biglang utas ni Lancelot na naupo sa kaharap kong sofa saka binuksan ang Tv. Inirapan ko lang siya.

"Nag-aalala ako." Sagot ko saka nilaro-laro sa kamay ang lata ng iniinom kong beer.

"Then why didn't call her?" Tanong nito saka nahiga sa mahabang sofa. Hindi ako sumagot.

"Guilty ka sa mga sinabi mo sakanya noh?" Tanong muli nitong hindi ko rin sinagot.

"Ang tanga mo!" Aniya na kinainis ko kaya kinuha ko ang isang throw pillow saka hinagis sakanya iyon na tumama sakanyang mukha. Natawa lang to.

Lancelot is not just a friend to me but more like a brother. Actually, ever since kasama ko na siya. He's my butler, and he knows everything I've done and all been through. Pero hindi rin maiwasang mabwisit ako sakanya gaya ngayon. Tawagin ba naman akong tanga. Wala pa man di ako sa mood ngayon.

Kainis talaga 'tong manok na pula na'to.

"Bakit di mo nalang kasi sabihin yung totoo?" Seryoso niyang utas. Kunot-noo ko naman siyang tinignan. "Siyempre, maliban doon." Aniya na alam ang ibig kong sabihin.

Napabuntong-hininga ako bago magsalita. "I don't know what to say to her anymore...I had enough lies... And I don't even know why I can't find the courage to tell her the truth." Pag-amin ko.

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now