Chapter 15. Confirmed

2 0 0
                                    

"I said go to your room, now!" Bulyaw saakin ni daddy nang hindi ako kumilos.

Huminga ako ng malalim at nagmartsa papunta sa kwarto ko. Habang naglalakad ako sa hagdan ay ramdam ko ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha kong animo'y rumaragasang baha. Hinayaan ko lamang iyon hanggang sa makarating ako sa kwarto at isinara ang pinto.

Pagkatapos ng gabing 'to ay ipinapangako ko sa sarili kong hinding-hindi na ulit ako iiyak.

Magiging matapang na ako. Hahanapin ko ang sarili ko. Hahanapin ko ang mga tunay kong mga magulang. Someday, I will find out  everything and I'm going to prepare myself for it.

Kinaumagahan ay napagdesisyunan kong lumiban na muna ng klase. Hindi rin naman ako makakapag-focus dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

Mas pinili kong magkulong nalang ulit sa kwarto ko. Maya-maya ay may narinig akong ilang pagkatok mula sa pintuan.

"Hindi muna ako papasok." Utas ko para matigilan ang kung sino mang nasa labas.

Kumatok ulit ito.

"Ano ba! Hindi ako papasok. Hindi ako gutom." Utas ko ulit.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Nakita ko si kuya Cal na nakasuot ng varsity jacket at at pants ng soccer. Seryoso lang akong tinignan nito.

Pinanood ko lang siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama ko. Umayos ako ng upo at iniwas ang tingin.

"I just wanna talk to you..." Aniya. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako sumagot. Hahayaan ko lang siyang magsalita. Makikinig naman ako.

"Dad told me what happened yesterday. Alam kong mahirap para sa'yong malaman ang katotohanan. Pero sana maintindihan mo kung bakit namin itinago sa'yo. We're just protecting you---" I cut him off.

Tinignan ko siya ng diretso.
"I understand that. Mom already told me. But...why are you protecting me? What are you protecting me from?" I asked in confusion.

Matunog siyang bumuntong-hininga. Nag-iwas siya ng tingin at tumayo.

"Why are we protecting you? Because you are part of this family...and we love you. What are we protecting you from?....I don't think I'm in the right position to tell you that...I know you will find out soon." Sagot nito. Hindi ko siya kinibo. Nanlumo ako dahil hindi ko pa alam ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

"Anyways, wala kayong pasok ngayon dahil may game kami against sa former soccer team ni coach Eldon galing sa probinsiya mamaya. It's just a training actually. And the whole Hirosen High will support us.....I want you to support your brother, lil sis." Aniya saka ginulo pa ang buhok kong magulo.

The Heart Of A FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon